Gabriel Talaga

546 16 4
                                    

Chapter 51

Basang-basa si Gabriel na may hawak-hawak na itim na payong. Pinapayungan nya si Red. Huli na yung dating nya pero gusto parin nyang payungan ang babaeng minamahal. Seryoso lang ang reaksyon nya habang nakikipag-titigan kay Red.

"Gabriel, anong ginagawa mo dito? Basang-basa ka..." Nag-aalalang sabi ni Red.

"Sinundan kita... Na-late na pala ko ng dating. Basa ka na e..." Sagot ni Gabriel.

"B-Bakit ka pa nagpunta dito. Mas basang-basa ka na."

"Bakit nagpapaulan ka?"

"Uhm, umuulan e..."

Tumalikod na nga si Red. Tinignan ulit nya tong Picture ng Mama nya. Hindi parin inaalis ni Gabriel yung payong. Malakas na malakas na yung Ulan kaya alam ni Red mas maba-basa lalo si Gabriel.

"G-Gabriel. Payungan mo na din sarili mo. Umusog ka pa dito kung gusto mo talaga kong payungan. Payungan mo din sarili mo..."

Nangiti si Gabriel. Hindi kase sya matiis ni Red sa panahon ngayon na madilim ang kalangitan. Malakas ang ulan tyaka malamig. Umusog na sya paabante para makalapit kay Red at mapayungan na din ang sarili nya.

"Pano mo nalaman na pupunta ako dito?" Sabi ni Red.

"Hmm. Pinababantayan kita kila Arthur. So, si Rhealine pala ang nagpapatay sa Mama mo?"

"Hays... Oo sya nga. Sya pala talaga. Kaya pala pinag-iinitan nya ko dati pagkatapos mawala ni Mama ako pala gusto nyang isunod hindi lang nya ginagawa kase gusto nya mabaliw ako."

Napataas tuloy ang kilay ni Gabriel. Napapa-isip sya sa sinabing to ni Red.

"Ayaw nya saken. Ayaw na ayaw saken ni Rhealine nung unang beses na tumuntong ako sa Mansion ni Papa. Dun palang pinagsasalitaan na nya ko ng masasakit na salita.  Sinasampal pa nya ko saka sinasabunutan. Inuutusan pa nya sila Rhian at Reese na saktan ako kapag daw wala si Papa. Narinig ko yun. Nanay sa Nanay at Anak sa Anak daw. Ano pa ba ibig sabihin nun diba?" Sabi ni Red.

"Sinasabi mo bang pahihirapan ka ng mga Anak nya hanggang sa mabaliw ka o mamatay ka? Ganun ba?"

"Parang ganun na nga. Kulang nalang saksakin na ko nila Rhian tyaka Reese nun..."

Napayuko tuloy si Red saka na nagsimulang umiyak muli nang maalala kung paano sya ginahasa ni Gabriel. Naulit pa yun pero laking pasasalamat nya't nagbago din si Gabriel nun nang malaman na sya ang Kawawa at hindi sila Rhealine pati mga Anak nun.

"Kung pinatay na nila ko nun palang. Hindi na kita makikilala Gabriel..." Sabi ni Red.

Nalungkot tuloy si Gabriel. Naalala nya ang pagbabanta noon sa babaeng to. Nasasaktan sya kapag naaalala ang pinaggagagawa kay Red nung una silang magsama.

"I'm sorry Red... Lahat-lahat ng mga ginawa ko sayo. Pinagsisisihan ko. Lahat ng salitang sinabi ko sayo. Kinakain ko yun ngayon. Sising-sisi ako sa lahat ng pananakit ko sayo. Pasensya ka na kung hindi kita pinagkatiwalaan." Sabi ni Gabriel.

"Tapos na yun Gabriel. Pinaranas mo saken maging Espesyal kaya kakalimutan ko na yung pangit na pinagsamahan naten nung simula. Nagtatampo lang ako nitong huli. Hindi ka kase nagtiwala saken. Pinagbintangan mo pa ko..."

"I'm really really sorry. Hindi ko maintindihan tong sarili ko  kung bakit hindi ko manlang napansin na tinatraidor na ko ni Alice. I'm so sorry Red. Please, sana mabigyan mo ko ng Chance na maayos tong saten. Miss na miss na kita..."

Marahan na hinarap ni Red si Gabriel. Nang magkaharap sila. Tiningala ito ni Red saka tinitigan sa mga Mata.

"Gabriel, hindi mo dapat sinasabi saken yan. May Asawa ka diba? Sabi mo gusto mong maayos yung relasyon nyo ni Ellie. Paano maaayos yun kung ganyan yang sinasabi mo saken..."

RED (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon