Chapter 71

2.3K 131 21
                                    

"When I first saw you, I had no idea you would become so important to my heart..."

~~**~~




PALABAS palang ako ng gate ngunit pakiramdam ko parang sasabog na ang dibdib ko sa lakas ng pagkabog nito. Hindi ko mawari ang sarili kung bakit  sobra-sobra akong kinakabahan ngayon na tila ba parang gusto ko nalang na manatili sa aking kinatatayuan o di kaya ay tumakbo palayo.



Namimiss ko siya.




Oo.




Inaamin ko.







Katunayan, kanina pa hindi maalis sa puso't-isipan ko si Ma'am Sam. Pero iba pa rin talaga kapag nakakaharap ko na siya. Nai-imagine ko palang ang mukha niya. Para ba akong hihimatayin o di kaya aatakehin sa halong kaba at saya. 





Yong mga mata niya na kung tumitig ay para bang nanghihipnotismo at dinadala ka sa ibang mundo. Nakakawala sa katinuan. Idagdag pa na nakakabulag ang kagandahang taglay meron siya dahilan at matatagpuan mo nalang ang sarili na matagal kana palang nakatitig sa kanya nang hindi mo namamalayan.




Hinding-hindi ko makakalimutan ang unang araw na nakita ko si Ma'am Sam. Pakiwari ko ay nasa langit ako nang mga oras na 'yon habang kaharap ko ito. Napakaamo at nakakahalina niyang tingnan. Iisipin mo talaga na isa siyang totoong anghel. Kaya hindi ko mapigilan ang sarili na 'wag itong titigan. Para akong nanaginip kung hindi lang sa kasungitan niya ay baka hindi na ako magigising pa.







Magkagayunpaman kailanma'y hinding-hindi ko pinagsisisihan ang araw na 'yon dahil doon ko siya unang nakita at nakilala. Pakiramdam ko nga, nabihag niya na agad ang puso ko ng mga araw na 'yon nang hindi ko namamalayan. Gusto kong isipin na itinadhana kami na magkita sa araw na 'yon upang makilala ang isa't-isa. Sa lahat ng paghihirap na dinaranas ko, ang mahalin siya ang isa sa pinakamasayang nangyari sa buhay ko.




My world stopped the moment I saw her. Nakatayo ito at nakasandal sa likod ng pintuan ng sasakyan habang matyagang naghihintay. Napatigil ang mga paa ko at sandaling pinagsawa ang mga mata na minamasdan ko ito mula sa malayo.


At this moment, I can hear my own heart whispered she's the one for me and that I'm going to love her forever. Napakaswerte ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pagguhit ng mga ngiti sa aking labi habang minamasdan ko ito.




Her eyes scanned to every student who passed by the gate. Ni hindi rin maipagkakaila ang mga mata nang iilan at punong-puno ng paghanga na napapalingon sa gawi nito. She's wearing a casual white linen top and olive short. Kaya lantad ang makinis at mapuputing binti nito. Nakatirintas ang mahabang buhok habang nakatago ang magagandang kulay tsokolateng mga mata sa likod ng suot nitong sunglasses. Her lips form into thinned line, senyales ng pagkainip.




Napalunok ako sa aking namalas. Sa di maipaliwanag na dahilan ay ramdam ko ang panunuyo ng aking lalamunan nang muling bumalik sa aking alaala ang mga nangyari kaninang umaga. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makakapaniwala na nagawa ko-- namin  'yon. Kung gaano kalambot at katamis ang mga labing yon na parang candy. Animo'y nanaisin mo itong paulit-ulit na matikman.

Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Where stories live. Discover now