Chapter 76

1.9K 133 31
                                    

"It's there. I know it is,
because when I look at you,
I can feel it.
And I look at you, and I feel home..."

~~**~~




"ALAM kong ito na 'yon e," anang kasama ko.





Napailing ko nalang ang ulo. Kanina pa kasi yang 'ito' na yan ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay hindi pa rin namin nahahanap ang tamang direksyon pabalik sa bahay.






"Yael, kanina pa tayo pabalik-balik dito. Sigurado kaba talaga?" May halong irita at nakapameywang kong tanong.







Natigilan ito sa paglalakad at napalingon sa gawi ko.







"Bes, nawawala na ata tayo," kabadong ika nito. Wala sa sarili na napatampal ko nalang ang noo.








"Kasalanan mo 'yan. Ano ba kasi ang napasok dyan sa utak mo at sinusundan mo 'yong hayop na 'yon?" Minsan talaga may pagkaisip bata to e. Ayan tuloy, nawawala na kami. Paano ba naman kasi, may nakita itong pangola (pangolin) kanina at ang gaga dinamay pa ako sa mga kalokohan nito.





"E, minsan lang to hello? Hindi araw-araw nakakakita tayo ng ganoong hayop and take note rare species 'yon teh. Sinong mag-aakala na mayroon palang pangola dito sa lugar na 'tin?" Pagdadahilan pa nito.







Blankong napabuga na lamang ako ng hangin. Ewan, minsan talaga mas nanaisin ko nalang na manahimik baka di ako makapagpigil at mabatukan ko ito ng wala sa oras. Naupo ako sa nakauslit na bato.





"So, ano nang gagawin na 'tin ngayon?" Pagkaraa'y tanong ko dito.







Napaupo naman ito sa isang nakatumba at patay na kahoy.






"Wait lang, nag-iisip pa ako," nakangusong sagot nito. Ang malas talaga dahil hindi ko man lang nagawang dalhin ang cellphone ko kanina, nakacharge kasi ito.







Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari edi sana dinala ko nalang ang kapatid ko. Mabilis kasi 'yon makatanda ng mga lugar hindi kagaya nitong kasama ko. Daig pa ang matanda sa pagkaulyanin. At kung inaakala nyo height ko lang ang kinulang? Mali kayo. Kaya wag na kayong umasa kapag mga ganitong bagay na ang pag-uusapan. Madalas nga akong nawawala noon sa bukid ni Itay at nitong naghigh school ko lang nakabisado ang lugar na 'yon.







Napailing ako at nagpasyang tumayo. Wala kaming mapapala dito kung wala ni isa sa 'min ang kikilos.








"Ewan ko sayo, Yael. Baka abutin tayo ng gabi dyan sa mga pinaggagawa mo," nawawalan ng pasensyang ika ko dito at umalis sa tabi nito.







"Teka sa'n ka pupunta? Wag kang umalis oy!"









Imbes na pansinin ko ito, naghanap na lamang ako ng puno na p-pwede kong akyatin. Hindi naman ako nabigo at kaagad akong nakakita. Masuri ko naman itong tiningnan.






"Cale?! Anong binabalak mong gawin?" Naririnig ko pang pagsisigaw ni Yael. Sumunod pala ito.






***





SAMANTHA







NAKARINIG ako ng malakas na pagtawa sa kabilang linya. Mariin ko namang naipikit ang mga mata at may pagtitimping inawat ito.




Loving Mayor Isagani's Daughter (Girl×Girl)Where stories live. Discover now