Kabanata 19: True

63 3 0
                                    

Kabanata 19: True

Engaged na ako, kay L. He proposed and now we're engaged. As in future husband and wife. Future na ikakasal. May singsing...

Hindi pa rin matanggap ng utak ko. Ayaw mag sink in na nangyari ang mga bagay na iyon. As in...

Totoo ba? Talaga? Really?

"Eliza! I'm so so happy!" Bati ni Mama ng malaman.

"Ang bilis talaga ng batang 'yon. He's making up for the lost times, huh?" Dagdag ni Papa na may malaking ngiti sa labi.

Parehas nila akong niyakap. Ah, the warmth of a parents' love. Sana kahit na ikasal na kami ni L ay mabisita pa rin nila ako madalas. Or maybe... I can visit them. With their future grandkids maybe?

"Do you plan on sharing this to the public? Kumakalat na naman sa social media ang mga litrato niyong dalawa nung gumala kayo. People even got snippets of him proposing to you kaya siguro ay may nabubuo ng mga theory sa utak nila..." Pagbabahagi ni Ate May habang pinapakita sa akin ang iba't ibang post sa social media tungkol sa amin ni L.

"Hindi ko pa alam ate, I'll ask L about this kung papayag siya."

She looked at me full of doubt. "Ikaw ha, masyado kang blessed ni Lord. Swerte mo don sa mapapangasawa mo,"

Umiling ako at nakitawa ng bahagya. Hindi nila alam parehas kaming maswerte. I was there even before, I found him at his worst. And I think... He found himself within my words of faith. Isn't love great when God is centered in it?

"L..." Banggit ko sa telepono.

Kasalukuyan siyang nasa opisina. They have a company here in the Philippines and he is currently based there. Magmula noong bumalik mula sa Spain.

[Yes? Do you need anything, hmm?]

Humalukipkip ako habang nakatingin sa kalangitan. The sun is shining so bright. Kita ko ang galaw ng mga sasakyan mula sa terrace ng condo. Bahagya pa akong napapapikit sa tuwing nasisinagan ng araw ang mata ko.

"About the pictures... May nakakita at kumakalat. I just want to ask if you'd like to make it public or what-"

[It's up to you.]

Hindi ko inaasahan ang sagot niya. Ano raw? It's up to me?

"But we're both in this together. Hindi pwedeng ako lang ang pipili sa gagawin. I should respect your opinion too..."

[Eliza, I'm fine with anything as long as you're comfortable with it. Kung sa tingin mo ay ayos lang sa 'yo na ibahagi sa iba... It's fine with me. Wala naman akong pakialam sa publicity. Nagkakaroon lang ako ng pake kung kasali ka at naaapektuhan patungkol doon...]

"Then... If I say it's alright to share in public... Papayag ka?" I was restless while anticipating for his answer. Alam kong busy siya at andaming ginagawang trabaho ngunit nagagawa pa rin niyang sagutin palagi ang mga tawag ko. Ang iniisip ko ngayon ay kung maayos lang ba sa kaniya o hindi ang nagiging desisyon ko?

[Sure. Walang problema. Hangga't sa nakikita kong wala namang problema, I would always say yes, mahal. Ngunit kapag alam kong hindi magandang desisyon at maaaring makasira sa 'yo o sa atin, syempre, itatama kita sa kung anong tingin ko ang dapat na gawin nating desisyon...]

Wala sa sarili akong napangiti. "You sound so mature. Is that really you?"

I heard him chuckling from the other line. [It's God working through me. Astig ba?]

Nangingiti akong tumango.

"Thanks for answering. Magpahinga ka ha? Huwag mong sagarin ang sarili mo sa trabaho..."

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon