Kabanata 1: Stranger

133 3 0
                                    

Kabanata 1: Stranger

I felt something pumping on my chest. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Napaubo pa ako dahil sa tubig.

"Why did you kiss me?!" Singhal ko. "That was my first!"

Hindi ko pa rin iyon makalimutan! First kiss ko 'yon!

Bahagya siyang nagulat ngunit agad na nakabawi.

"I'm sorry, I was trying to give you air. A-Are you... okay?" Tanong ng lalaking sinama ako sa balak niyang pagtalon sa ilog.

Bumawi muna ako ng paghinga at masama siyang tinignan. We were on the riverside. Tanaw ko pa rin mula dito ang tulay kung saan kami tumalon. Actually hindi ako, siya. Nahila lang ako.

"M-Mukha ba akong okay?" I coughed again. "Bakit walang dumating na rescue? Hindi ba nila napansin na may tumalon sa tulay?"

"People never really care if it isn't for their benefit." Blangko pa din niyang sabi.

Umiling ako at tinitigan siya. Bahagya na akong umupo. Habang siya ay nakaluhod pa rin, kakatapos lang akong buhayin ulit. Mabuti naman at naisipan niya.

"I'll be considerate of your situation. Kahit na wala naman sa intensyon ko ang tumalon sa ilog, I'll forgive you. Ngayong na-experience mo na, huwag mo nang uulitin okay?"

Umiling siya. "Hindi ko... alam..."

"Huh? Anong hindi mo alam?"

"You'll never understand. Get up and climb the stairs." Tinuro niya ang hagdan paakyat sa tulay. Nasa gilid ng ilog. "Go away."

"What?" Gulat kong tanong.

Even after that?! Paaalisin niya lang ako?

"Seriously?" I asked. Gulantang pa din.

"I have plans. I saved you, umalis ka na." Seryosong sabi niya.

"Plans? To end your life? Bad 'yon..."

He glared at me. "Who are you to talk? Hindi mo maiintindihan."

"Then let me understand it. Paano ko iintindihin kung ayaw mong mag-explain?" I raised my brow.

"For someone who wants to help, makulit ka. Mind your own business." He said before standing up and walking away.

Wow, that hurt.

"Tumutulong na nga lang... Ganito pa..." I murmured before standing up and patting my clothes. Basang-basa ako.

Nagpapasalamat ako at malinis ang ilog na napili niya. Kung sa ilog na puno ng basura ang napili niya, baka ako na mismo ang magtapon sa kaniya doon.

I sneezed and coughed at the same time. Malamig na ngayong gabi at hindi nakakatulong ang pagiging basa ko.

"Such a bad day..."

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. This day is as bas as it can get.

Napaikot ang tingin ko. Asan na ang lalaking iyon? I wonder what he plans on doing now. I only hope na huwag naman niya sanang balakin pa na tuldukan ang buhay niya.

Hirap na hirap akong umakyat sa hagdan pabalik sa tulay. Basang-basa ako. I'm only thankful na wala ngang masyadong tao at madilim. Hindi ko alam ang kahihiyan na matatamo ko kung sakali.

I entered my car at naiinis na umalis sa lugar na iyon. Nang umuwi sa condo ay wala na talaga akong pake sa mga taong tumitingin sa akin.

Yes, nahulog ho ako sa ilog! I was just trying to be a good citizen ngunit sinama ako ng dapat na isasagip ko and after bringing me back to my consciousness, he left me alone and walked away!

Always Here (Salve Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon