Chapter 2

195 32 34
                                    

After spending our time at the milktea store, agad na akong umuwi ng bahay. Baka kasi mag-alala na naman si mama sa akin, pati na rin si kuya. Kakatok pa lang ako ng pinto, may nagbukas na agad nito. I saw my younger brother looking at me.

"Lagot ka, ate... galit si mama sa'yo. Ba't ngayon ka lang daw."

"Hinagis pa niya si kuya kanina sa garahe kasi ang tagal mo raw umuwi—"

"Tumigil ka nga d'yan, asan si mama?" inis na tanong ko sa kapatid ko habang nakakunot ang noo ko.

He is Kairo, but I call him Kai since it's shorter. I am one year older than him. He plays a lot, gamer. Online games, video games or even board games, and he's good at playing everything. But if he plays a girl's heart, tatamaan siya sa akin. I don't tolerate such actions. Mabait akong ate, but I don't tolerate wrong things. Kung kinakailangang pagsabihan, gagawin ko. That's how I discipline Kai as his sister and his second mother as well.

"Nasa loob siya, inaantay ka kanina pa..." bulong ni Kai sa akin.

Agad naman niya akong pinapasok at isinara na ang pinto para sa akin. I saw my mom sitting on the couch while watching news. I immediately walked closer to her and held her hand. Gawain na namin ito, pagkauwi ng bahay, laging nagmamano kay mama. A sign if respect.

"O, anak? Bakit ngayon ka lang?" mahinahong tanong sa akin ni mama. Mahigpit akong napahawak sa sling bag ko at tumingin muna kay Kai na nakatitig din sa akin.

"A-ano lang po... in-enjoy 'yung last day ng bakasyon namin," nauutal-utal kong sagot dahil sa kaba.

"Hmm, 'buti naman kung gano'n. Sige na, anak. Magpahinga ka na muna't magluluto ako ng hapunan natin." Tumayo si mama mula sa sopa at mabagal na nagtungo sa kusina upang magluto.

Dali-dali naman akong nagtungo papaakyat sa hagdan at doon ko nakasalubong ang kuya ko. He's name is Samuel Jin, but I call him kuya Sam or kuya Jin. He's not too overprotective, but sometimes he acts like it. He's an athlete. See the difference between the three of us? Kuya Jin is an athlete, I am more on writing, and Kai is a gamer. Iba't ibang bisyo pero madalas nagkakasundo.

I smiled at him sheepishly and waved. "Hi... kuya..." nahihiyang bati ko sa kanya.

"Ang tagal mo bago makauwi, akala ko kung napa'no ka na," sermon niya sa akin.

"Kuya... kasama ko naman mga kaibigan ko e—"

He crossed his arms. "Aba? Kahit pa. Mga babae kayo 'no? Dapat alam niyong bago sumapit ang dilim ay nasa loob na kayo ng bahay." Napalunok na lang ako habang napapagalitan ni kuya.

Mataray ako pero pagdating sa kanya, tumitiklop ako. Swerte na rin ako dahil may kuya akong iniintindi ang kaligtasan ko. Gan'to lagi ang sistema namin 'pag late na akong nakakauwi, I can't blame him though. Ako lang naman kasi ang nag-iisang prinsesa ng pamilya. Wala pa ang papa namin, nasa barko. Nagtatrabaho para itaguyod ang pamilya namin. Malaki man ang sahod niya, pero kung hindi naman namin siya madalas nakakasama, nakakalungkot pa rin. This is one of the reasons why kuya Jin is somehow overprotective, we don't have a father to stay by our side to protect us, that's why he acts like one.

"Sorry na kuya... okay naman kami e." Nakatanggap ako ng mahigpit na yakap mula sa kanya at halik sa ulo nang mapansin niyang nakayuko ako at napapahiya na.

"Love na love ka ni kuya, lagi mo 'yang tatandaan," bulong niya sa akin. Napangiti naman ako habang yakap-yakap siya. He never fail to let us feel that he loves us and our safeness is important to him.

"Always remember, you're our only princess. We have to take care of you."

***

"At sino ang nagsabing kainin mo 'yung skittles ko?" inis na tanong ko kay Kai habang tinitingnan ang laman ng ref.

Wala na, wala na ang skittles na kakabili ko lang. Kinain na ng kapatid kong matakaw. Kahit may pangalan nang nakalagay, kinain pa rin. Iba talaga ang epekto ng gutom. Marami namang pagkaing nakaimbak sa ref, 'yung skittles pa talaga 'yung napagdiskitahan.

"Nako Kai... sinasabi ko sa'yo... ginigigil mo talaga ako ha?"

"Sorry na ate, nagugutom ako e—"

Isinara ko ang ref at huminga nang malalim. "Ano'ng pinagsasasabi mo d'yan?" inis na tanong ko, nakapamewang pa habang nanlalaki ang butas ng ilong.

"May pangalan na 'yon, ta's kinain mo pa? My gosh ka..."

Lumabas ako ng kusina at naglakad papuntang hagdan para makaakyat na ako sa kuwarto ko, pero sinundan ako ni Kai. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang akong naglalakad papakayat. Nang makarating ako sa labas ng kuwarto ko, binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob.

"Good night, ate."

"Night..." inis kong sumbat sabay sara ng pinto.

Ilang minuto rin akong palakad-lakad sa loob ng kuwarto ko habang nag-iisip. As usual, kinakabahan ako dahil pasukan na naman bukas at marami na naman akong makakasalamuhang tao. I hate socializing, communicating with other people. It's not my type of surroundings. Mas gusto ko ang tahimik na paligid at kakaunting tao lamang ang nakikita ko. I hate crowded places such as malls, market, and even school. But they always say that you will find your true self by socializing with other people—it will help you to feel less shy and be more confident. I guess it doesn't work for me.

I sat down at the edge of my bed and stared out of nowhere. It makes me even more uncomfortable after realizing that I will be meeting and seeing my classmates again for almost 3 years. Karamihan kasi sa kanila bully, at ang iba naman ay plastik. Kaya wala akong choice kundi ang kampihan ang sarili ko. Good thing I have Lory and Tasha. They are the only people I trust inside our classroom—bukod sa mga classmates kong medyo mababait naman din ang pakikitungo sa akin.

"Pasukan na naman, pang-umaga na ako kaya kailangan laging maagang matutulog."

"Pero kinakabahan talaga ako..." bumibilis ang pagtibok ng puso ko at mas nilalamig ako dahil sa kaba.

Tomorrow will be a new day, new challenges ahead and a new start of my academic year. I am a competitive person when it comes to studying, but I easily get distracted when something is bothering me that much. So, I'll try my best to stay focused and active this school year. My main target achievement this year is to attain with high honor—probably to join clubs again and show them the best of me. I'm gonna be more competitive this year to reach those goals.

I heard a knock on the door which startled me. It slightly opened and I saw my mom peeking outside. "Tulong ka na, nak. Maaga pa ang pasok mo bukas," paalala niya sa akin.

I shifted my gaze at the clock, it's already 10:45 p.m. and our class starts at 6:00 a.m. and I should be awake tomorrow before that time. Pang-umaga na naman ako, pahirapan sa paggising at mas lalong pahirapan sa pag-aayos ng mga gamit dahil limited time lang ang mayro'n ako para mag-ayos bukas.

"Good night na, love you." Dahan-dahang isinara ni mama ang pinto at bigla na lang akong humandusay sa kama ko. Pagod na pagod sa mga gawaing ginawa ko ngayon.

I closed my eyes and crossed my fingers. "Wish me luck," I whispered to myself as I bit my lower lip.

Matagal akong nakapikit at naka-crossed fingers. May mga iniisip akong hindi ko naman dapat isipin dahil mas nagpapakaba pa ito sa akin, pero hindi ko maiwasan. The idea of meeting my classmates again, excited na may halong kaba. Marami ang pwedeng mangyari lalo na't magkakakilala na kami. I just hope things will work well tomorrow.

"Makatulog na nga."

Here we go again for a new beginning. I am hoping that all of the achievements I've been aiming for will be worth it.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now