Chapter 27

66 20 22
                                    

"Ate?" Binuksan ko ang pinto para kay Kai.

"Yes? May kailangan ka ba?" mahinahon kong tanong.

Hindi ako bad mood ngayon kaya mabait ako. Wala naman siyang ginagawang ikakagalit ko kaya relax na relax ako ngayon. Wala rin kaming pasok ngayon dahil may meeting na naman ang lahat ng teachers sa school namin. Well, I guess we're lucky. Si kuya Jin naman ay may pasok kasi college na siya at iba ang school na pinapasukan niya.

"Aalis daw kayo ni mama mamaya?" tanong ni Kai.

"Hindi naman kami lang, kasama ka rin kaya sabi ni mama," sagot ko habang nakangiti.

Muli akong bumalik sa upuan ko at binuksan ulit ang laptop ko dahil may ginagawa akong assignment. Isa na lang naman ang tatapusin ko sa science kaya madali na lang ito. Mabilis din akong magsagot dahil pinag-aralan ko nang maigi ito.

"Ang sipag mo naman, walang pasok pero may ginagawa ka pa ring assignments," sabi ni Kai sa akin habang pinapanood akong magsulat at magsagot sa laptop ko.

"Well, ayaw ko naman kasing sayangin ang oras. Kung wala naman akong ginagawa, gagawin ko na lang din ang dapat kong tapusin," paliwanag ko sa kaniya.

Alam ko namang naiintindihan ni Kai ang sinasabi ko sa kaniya dahil gano'n din naman siya. Ayaw niyang sayangin ang oras lalo na't wala naman siyang gaanong ginagawa. Mana-mana lang 'yan, at sa pagkakaalam ko, namana namin ito kina mama't papa dahil parehas din silang hindi mahilig magsayang ng oras. Kaya siguro nasobrahan kaming magkakapatid na pahalagahan ang oras.

"Nice naman, sipag talaga."

"Ikaw? Wala ka bang assignments?" tanong ko habang ang tuon ko ay nasa laptop pa rin.

"Natapos ko na kanina. Marami pero natapos ko kaagad. Alam ko naman sagot e."

"Nice... baka kapatid ko 'yan," biro ko.

Nang matapos kong sagutan ang assignments ko ay agad ko nang pinatay ang laptop ko. "Oo nga pala, ate..."

Nabaling ang atensyon ko sa kaniya at sa hawak niya. "In-order ko 'to sa shopee no'ng nakaraang araw." Tumayo siya mula sa kama ko at nilapitan ako.

"Ano 'yan? Baka bomba 'yan ha?" biro ko habang nakatitig sa binubuksan niyang parcel.

"Grabe naman, 'di ako gano'n... ano 'to ate... mug saka stickers," sabi ni Kai sa akin.

Nang makita ko ang box ng mug, ang unang napansin ko ay ang mukha ni Sasha na naka-print doon, ang character sa attack on titan na favorite ko.

"Hala! Sasha! My potato girl!" sigaw ko. Nakangiti pa ako nang iabot ni Kai sa akin iyon.

Nakita ko rin ang attack on titan stickers, pero mas marami siyang biniling stickers ni Sasha dahil alam niyang favorite character ko si Sasha. "Hala! Ang ganda naman nito!" Halos tumalon ako sa tuwa nang mahawakan ang mga ibinigay ni Kai sa akin.

"May bayad 'yan, ate. 245 pesos, kasama na shipping fee ro'n." Nawala ang ngiti sa labi ko at dahan-dahang tumingin sa kaniya.

He grins at me. "Totoo ba?" tanong ko.

"Joke, advance gift ko na 'yan sa'yo, ate. Sana nagustuhan mo talaga—"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya, basta't niyakap ko na lang siya nang mahigpit nang may ngiti sa labi ko. He knows how to make me happy with his gifts. Hindi ito simple dahil para sa akin, espesyal ito. He never fails to make me smile.

"Thank you, Kai! Thank you sa gifts mo!" pagpapasalamat ko sa kaniya habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.

Mas matangkad siya nang kaunti sa akin kaya feeling ko talaga si kuya Jin ang kayakap ko. Parang dati lang ay naglalaro kami ng tagu-taguang kasama si kuya Jin, tapos ngayon, malalaki na kami.

My Anonymous Online Boyfriend ✔️Where stories live. Discover now