Chapter 8

8 3 0
                                    

Habang naglalakad palabas ay aksidente akong nakabunggo ng kung sino.

At ng mag-angat ako ng tingin ay sumalubong sa'kin ang malamig na mga mata ni Felix. Nakatitig siya sa mukha ko, bigla kong naramdaman ang panghihina ng mga tuhod ko dahil sa maririin niyang titig.

"Bakit mo iniwan ang date mo?" bakas ang pait sa tono ng pananalita niya.

Kinunotan ko siya ng noo.

"Date? What are you saying? At ano naman kong makipagdate ako? Why do you care?" Sagot ko.

Lumambot ang expression niya at walang ano-ano'y hinila ako.

Nakapasok kami sa locker ng mga boys.

Inis ko siyang binalingan ng makitang walang katao-tao dahil lunchbreak.

Inilock niya ang pinto at tinignan ako ng mariin. Napaatras ako at agad na napasandal sa isang locker. Kinorner niya ako dahilan para maramdaman ko ang pagkabog ng dibdib ko.

"Bakit ka nakikipagdate?" Mariin niyang tanong.

"Why do you care Felix? 'diba sabi mo kalimutan na natin ang isa't-isa, na iwasan na natin ang isa't-isa? Ano bang problema mo?" Kahit na kinakabahan ay tinatagan ko ang sarili ko.

Lumambot ang ekspresyon niya at malumanay na tumingin sa mga mata ko.

"H-Hindi ko kaya" mahina niyang sabi.

Tuluyan na ngang nanghina ang mga tuhod ko kasabay nito ay ang pamilyar na tibok ng puso ko...Na kapag nariyan siya, nagkakaganito.

"Let us respect Dain's soul please, mahal ka niya at hindi dahil wala na siya ay malaya na tayo Felix, She's still my bestfriend" sagot ko.

"Pero sabi niya piliin ko ang mga bagay na makakapagpasaya sa'kin Urielle...Mali ba na piliin kita?" nagulat ako sa sagot niya.

"Mahal na mahal kita...at hindi ko kayang panindigan ang mga sinabi ko sa'yo noon kasi para akong pinapatay" sagot niya na nagpatindig sa mga balahibo ko.

"Felix.." tanging naiusal ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Unti-unti kong naramdaman ang malambot at mainit niyang labi na unti-unting sinasakop ang mga labi ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Iginaya niya ang kamay ko sa dibdib niya at doon ko naramdaman ang puso niyang mabilis rin ang tibok.

"Pwede ba kitang ligawan?" Malumanay niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko.

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi matapos akong tumango ng dalawang beses.

"Iloveyou" bulong niya sa tainga ko.

Umabot ng ilang buwan ang panliligaw ni Felix sa'kin. Halos alam ng buong campus ang namamagitan sa'min.

Lunes, unang araw ng pasukan bilang isang Grade 10 student ay isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko dahil sinagot ko na si Felix.

"Mahal saan mo gustong kumain bukas?" Tanong ni Felix sa'kin, nakaangkas ako sa bisikleta niya habang tinatahak namin ang daan pauwi.

"Sa LOMIHAN nalang Mahal, tag-ulan naman kasi, nagc-crave ako" nakangiti kong sagot.

"Okay po" masaya niyang sagot at agad nagpaduloy sa pagpadyak.

Inalalayan niya akong makababa ng makarating kami sa tapat ng bahay namin.

"Iloveyou Mahal, bukas ulit" masaya niyang kaway sa'kin.

"Mag-iingat ka, Iloveyou" sagot ko at kumaway rin pabalik.

Nang makalayo na si Felix ay naglakad na ako papalapit sa gate namin ng biglang may humila sa'kin. Laking gulat ko ng makita si Sanji. Mugto ang mga mata at ang lalaki ng eyebags niya.

Young Love (COMPLETED)Where stories live. Discover now