Prologue

77 13 14
                                    

"Before it's all over, I just want to tell you something"saad niya at bumuntong hininga.Agad namang nagtaka ang karamihan at tila sila ay kinakabahan sa sasabihin niya.

"I hope after I tell you this, I hope you will respect and honor my decision, but if you can't do it,ay malaya kayong talikuran ang pang-iidolo sa akin"seryoso niyang sabi.Lumingon naman siya sa kinaroroonan ng isang babaeng nasa harap niya at tinitigan ito.Nagtaka naman ang babae.

Tumingin muli siya sa mga taong nariyan sa harapan niya,halos lahat ay mga tagahanga niya.

"Mayroon nang nagpapatibok ng aking puso,mayroon nang nagmamay-ari nito"aniya at hinawakan ang kaniyang puso at hindi naman maipinta sa mukha ng karamihan ang mga reaksyon nila sa sinabi nito.

"Huh?Anong sinasabi niya?"

"Omg,siguro si Savannah yung tinutukoy niya?Oh my gosh yiee"

"O di kaya mayroon pang iba?"

"Eh sino?"

Mga bulungan ng mga tao na hindi naman nakatakas sa pandinig niya.

"Everyone, I want to introduce you,the woman who captivated my heart .."hininto niya ang kaniyang sasabihin at bumaba mula sa entablado at pinuntahan ang kinaroroonan ng babaeng tinitigan niya kanina lamang.

Kinuha niya ang kamay ng dalaga dahilan para ito'y magtaka.Wala naman siyang nagawa kundi ay magpahila na lamang kahit maraming tanong ang gumugulo sa kaniyang isipan.

'Oh my gosh,ano ito Lord?Bakit niya ako dadalhin sa stage?tapos ano yung pinagsasabi niya kanina?'

Ayaw niyang mag assume dahil alam niyang masasaktan lamang siya.

Nang makarating sila sa entablado ay hindi maipinta sa mga tao ang kanilang reaksyon nang makita nilang may kahawak-kamay ang kanilang idolo.May inis,galit at pagtataka ang makikita mo.

"Rita Daniela,the woman who captivated my heart"everyone was surprised by what she said, lalo na ang babae.

'Anong sabi niya?ako girlfriend niya?eh isang di-hamak lamang ako na fangirl niya tapos ngayon ipapakilala niya ako na ako ang bumihag sa puso niya?T*ngina hibang na ba siya?'saad niya sa kaniyang isipan.Hindi naman niya mabasa sa mga mata ng lalaki kung ano ang binabalak niya.Na kung bakit pinakilala siyang kasintahan niya,kahit hindi naman.

"Excuse me,baby este Ken?Ano yung sinasabi mo sa stage?Bakit mo ako dinala doon?at pinakilala mo pa akong girlfriend mo kahit hindi naman"nagtataka at may halong inis na sabi niya habang hinahabol niya ang lalaki papuntang backstage.

"Pwede ba bitawan niyo nga ako,isa!"inis niyang saad sa mga bodyguards ni Ken.

"Leave us first"utos ni Ken nang makarating na sila sa dressing room nito.

"Hoy ano nga?Hindi porket idol kita eh wala na akong karapatan na magtanong at mainis sa'yo!"mataray niyang saad at pinipigilang kiligin dahil nakaharap niya lang naman ang lalaking ninanais ng kababaihan at isa na siya doon.

"Okay,remember nag tweet ka noon na,napaasa kita sa automated message ko doon sa fb page ko?"nagtaka naman ang babae dito.

'Oh ano namang connect nun,sa pagpapakilala niyang gf niya ako?Gosh Lord 'wag niyo naman po akong baliwin dito'aniya sa sarili.

"Oh tapos?"

"And nagreply ako sa'yo na huwag kang mag alala dahil babawi ako sa'yo"seryoso niyang saad kahit na naguguluhan pa rin si Rita.

"Oo nga,oh kelan ka babawi ha?"pinipigilan nitong mamula ang pisngi dahil naalala niya ang unang reply sa kaniya ni Ken.

"Babawi ako sa'yo sa pamamagitan ng pagpapanggap mo na ikaw ang girlfriend ko...Okay wag na tayong maglokohan dito,Rita,dahil alam kong gusto mo ako,kaya hindi mo ako matatanggihan kaya naman,ikaw ang naisip ko na pwedeng magpanggap na bilang girlfriend ko,dahil para hindi ako itambal doon sa impaktang babaeng gustong ipagtambal sa aking management"may halong inis na pagpapaliwanag niya kaya nagulat ang babae.Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin na tila ba ay naging pipi na.

"What?Will you be my girlfriend? Or not? I mean my fake girlfriend"hindi pa rin nag si-sink in sa utak ni Rita ang lahat ng sinabi ng kaniyang idolo.

'Teka lang,bakit ganito?Nanaginip ba ako?So meaning gagamitin niya akong bilang isang pekeng girlfriend sa harap ng maraming tao?'

'May kalahati sa puso ko na nagugustuhan dahil,Ken Chan na 'yan oh,yung lalaking araw-araw kong kinababaliwan,ang lalaking pinapangarap kong maging isang boyfriend na kahit hindi naman mangyayari.At yung kalahati naman sa puso ko ay nasasaktan,bakit?dahil masaya ngang maging isang girlfriend niya,pero lahat ng 'yon ay pagpapanggap lang'

'Pero ano?tatanggapin ko ba iyon?o tatanggihan nalang?dahil ito na oh,yung matagal ko nang pinapangarap na maging isang kasintahan ng pinakamamahal kong idolo,walang iba kundi ang nasa harap ko,si Ken Chan'


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and
incidents are either the product of the author's imagination or used in a fictitious
manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are
purely coincidental.

Started: June 9, 2021
Ended: XXXXX

Biggest Dream of A FangirlWhere stories live. Discover now