Chapter 1: Baby

70 13 7
                                    

Rita's POV

"Oh my goshhh,Ken Chan,my baby!!!"tili ko nang makita ko ang idol kong kumakanta sa stage ng paborito niyang kanta na Don't know what to say.

"Mahal ko 'yan!"

"Babe,i love youuu!"

"T*angina,ang gwapo mo talaga!"

"Ken Chan,anakan mo ako please"

Napalingon naman ako sa mga babaeng nag-sigawan at napasimangot ako.Hmp napaka feelingera naman nila,may pa mahal,babe,tapos compliment pa ng gwapo siya with matching mura at anakan pa!.Tss pero sino bang hindi mapipigilan ang pagsasabi ng mga ganoong salita kung nasa harapan mo na ang nag-iisang Ken Chan.

"P*tcha,Lord ano 'to bakit parang lumalapit siya sakern"napahinto ako sa pagtili nang ngumiti ang baby boy ko at inilahad niya ang kamay niya sa'kin.

Omg,Lord grabe ka na po.Ako na ata ang isa sa maswerteng fangirl niya enebe.At dahil sa kilig ay tatanggapin ko na sana ang kamay niya nang maisipang yakapin ko nalang siya at nagsisitili.

"Wahhh baby!!!"sigaw ko habang nakayakap pa rin ako sa kaniya.Nakita ko naman na nagsidilatan ang mga mata ng ibang fangirls niya pero hinayaan ko na lamang.Duh maiinggit sila...charot.

Nakita ko naman na nawala ang ngiti sa labi ni baby Ken ko kaya napaayos ako ng tayo.Binitawan ko na rin ang pagkakayap dito.Ano ba,Rita,kunting hiya naman please.Pa-paano kung ipakasal ka ng magulang mo kay Ken tapos tatanggihan ka niyang pakasalan kasi napakakulit mo..de joke lang.As if namang mangyayari.

"Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears
When you pass by I could fly"

Rinig kong pagkanta niya sa harapan ko,syempre ako kinikilig lang habang nakatitig siya sa'kin.

Oh my gosh shet,luluhod siya sa harapan ko.Omg mag po-propose na ba siya sa akin?Nasaan ang singsing?

Lord hindi ko naman po expect na mag po-propose itong baby ko,sa harap pa ng maraming tao.Edi sana nakapaghanda naman ako diba?pero okay lang yun atleast nasurprise ako.. charot!

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon para akong nakakain ng buto ng kamatis at tumubo sa tiyan ko dahilan para mamula ang buong katawan ko,yes buong katawan,hindi lang pisngi.

Agad ko siyang niyakap ng dahan-dahan nang matapos niya na akong haranahin eme kantahan pala.Ano ba 'yan bakit bitin?Binalik niya na agad ako sa dapat kong kalagyan.Para tuloy niya akong pinagtatabuyan hmp.

—-

"Omg,bes!!!.Si baby Ken ko,dinala ako sa stage tapos lumuhod siya sa akin,tapos-tapos kinantahan niya ako ng favorite song niya na Don't know what to say wahh"kinikilig na sabi ko sa bestfriend kong si Louisse,Louie for short.

"Ano ba 'yan bes makatampal ka naman sa'kin para wala nang bukas"natatawang sabi niya.Eh hindi ko mapigilan eh,syempre ito yung pangarap ko na mapansin niya tapos ito ngayon,isang pikit ko lang natupad na!

"Eih kasi alam mo namang crush na crush ko yung tao eh,support ka nalang kasi bes"

"Okay,okay basta kapag pinaiyak ka niyang Ken Chan na 'yan ako mismo ang makakalaban niya"aba'y ang speed naman nitong bestfriend ko,paiyak agad?ano?may kami pero hindi ko alam?

"To naman ang speed mo,eh wala pa ngang ginagawa sa'kin yung tao tapos paiyak agad.'Yaan mo ikaw na talaga yung kukunin kong maid of honor kapag kinasal na kami"pagbibiro ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Biggest Dream of A FangirlWhere stories live. Discover now