PROLOGO

1.6K 38 3
                                    

Note: Again, sa dating account ko may nakapost akong same concept din nitong story kaso nga lang hindi ko na natuloy kasi biglang hindi ma open yung account ko na iyon at nakalimutan ko na ang password. Hindi kasi ako pinapatahimik ng utak ko tungkol sa story na ito kaya nag decide akong gumawa nalang ng bago sa account na ito. Thank you for understanding.

⚠ PLAGIARISM IS A CRIME!!! ⚠

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

********

ANG SIMULA

MAINGAY ang kalangitan. Malakas ang buhos ng ulan, madilim, malamig. Yakap yakap ko ang bag na tanging kinakapitan ko sa mga oras na ito. Ito na lang ang tanging gamit ko at tanging meron ako. Dala dala nito ang mga ala-ala ng aking mga namayapang mga magulang.

"Bilisan mo Mesaila! Hindi ako pwedeng magtagal baka hanapin nila ako sa bahay!" si Tiyong habang hinihila niya ako papunta sa kung saan.

"O-Opo Ti-yong..." kahit na masakit na ang mga paa ko at ang mga pasa ko sa katawan dahil sa bugbog ni Tiyang sa akin ay pinilit ko pa'ring kumilos at tumakbo.

"Bilisan mo!"

Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Tiyong Nardo basta ang alam ko ay nililigtas niya ako at ngayon ay itinatakas niya ako mula kay Tiyang.

Simula kasi no'ng namatay ang mga magulang ko ay sa kanila na ako nanunuluyan dahil si Tiyong Nardo lang ang tanging naiwang kamag-anak ko na kapatid ni papa. Hindi naging maganda ang pakikitungo sa akin ni Tiyang at sa pinsan kong si Ate Erica, palagi kasi nila akong binubugbog sa tuwing nakainom sila o gumagamit ng pulbura.

Kanina lang, kung hindi lang dumating si Tiyong Nardo ay baka napatay na ako ni Tiyang at Ate Erica.

"S-Saan po tayo pupunta T-Tiyong Nardo?" tanong ko habang mahigpit na kumakapit sa dala kong bag na tila ba iyon ang makakapagsalba sa akin mula sa malamig na hangin dala ng bagyo ngayon.

Wala kaming magawa ni Tiyong Nardo kundi suungin ang napakalakas na bagyo dahil wala kaming makitang pwedeng sakyan. Kanina pa kami tumatakbo at basang basa na kami ng ulan, pinilit ko lang talagang igalaw ang mga paa ko dahil kailangan.

Kailangan kong makalayo kina Tiyang at ito nalang ang nakikitang solusyon ni Tiyong.

Hanggang sa nakarating kami sa isang bahay ampunan. Caramella Home for the Angels. Nakaabang ang isang sopistikadang madre sa bukana ng pinto, doon lang tumigil si Tiyong Nardo saka lumuhod upang magpantay kami.

"Patawarin mo sana ang Tiyong mo Mesaila, ito lang kasi ang nakikita kong solusyon upang matupad ko ang pangako ko kay utol na aalagaan kita, ito nalang talaga ang naiisip kong paraan upang mailigtas kita sa Tiyang mo, alam mo namang pagdating sa kaniya ay wala akong magagawa para iligtas ka di'ba?"

Tumango ako. Naiintindihan ko siya.

"Mesaila, gusto kong magpakabait ka rito, kapag nandito ka sa ampunan, maalagaan ka dito ng maayos, baka may aampon sa'yong mayaman, mapapabuti ang buhay mo dito," seryoso ang mga mata ni Tiyong Nardo habang hawak niya ang magkabila kong balikat.

Nanginginig akong tumango. Binalingan naman ni Tiyong ang matandang madre sa likuran ko. "Pakiusap Mother, alagaan niyo po ang pamangkin ko."

Naramdaman kong humawak ang madre sa balikat ko saka bahagyang hinila palapit sa kaniya. "Ako ng bahala sa kaniya Nardo. Tulad ng napag-usapan na'tin."

Muli akong tinignan ni Tiyong Nardo bago siya umalis. "Patawarin mo sana ako Mesaila, ito lang ang huling magagawa ko para sa'yo."

Pinanood ko nalang ang papalayong likod nito nang tuluyan ng maglaho ang bulto ni Tiyong Nardo ay doon lang ako kinausap ng madre.

DEVOURED BY THE DEVIL (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon