Teaser

2 0 0
                                    


They said when you fall in love with someone, everything around you seems different from the way you see it.


It was 5 years ago, when I got involve in a tunnel accident. Nakasakay ako nun sa tren pauwing subic, kasalukuyan kaming bumabagtas sa tunnel ng kalaklan ng biglang magkaroon ng pag yanig ng lupa na kung papakiramdaman mo mga nasa magnitude 5 ang lakas. Matapos ang pag lindol, wala nakong maalala. 


Ang sabi nila may gumuhong parte ng tunnel na malapit sa side namin. Matapos ang isang linggo, nanatili ako sa ospital kasama ng mga pasahero. 150 ang sugatan, 10 ang namatay.

Nagtamo ako ng malaking sugat sa tyan, kung saan bumaon yung bakal. Hanggang ngayon ay bedridden pa rin ako.


***

Papauwi ako sa probinsya kung saan ako lumaki, semester break kasi. Ako ay kasalukuyang 1st year college taking up Business Marketing sa Central Luzon State University ako nag aaral. Pag gising ko pa lang parang iba na yung pakiramdam ko, ang sabi sa balita may chance daw na umulan today. 


Makulimlim kasi sa labas at ang lamig ng simoy ng hangin. 2:00pm na ng makarating ako sa Cabanatuan station. Ayaw kong mag bus ngayon kasi nung last time na umuwi ako nag bus ako, kakagawa lang kasi last year ng railway dito sa nueva ecija.

Pagkapasok ko ng tren agad akong nagpunta sa seat number ko at nilagay ang mga dala ko sa taas ng seat kung saan may lagayan ng gamit. Mahaba habang byahe at plano kong matulog. Nilabas ko sa dala kong bag ang baon baon kong libro na tungkol sa mga werewolf. 50 years ago nung nagkaroon ng pandemic, sobrang daming namatay na mga tao.


 Ang pandemya ang simula ng lahat ng kakaibang pangyayari sa mundo.Matapos ang pandemya nagkaroon nanaman ng kakaibang sakit na mas malala dito, Ang mga taong nakasurvived sa pandemic ay mas natakot.

 Ang populasyon ng mundo ay mas kumunti, ang dating 7.9 billion na tao sa buong mundo. Naging kalahati na lamang, lahat ng bansa ay nabahala kaya gumawa sila ng formula na kung saan papalakasin ang tao, maraming tao ang nagtry ng gamot na ito. Ang nakakatakot na pangyayari na naging side effect nito, ang kanilang smooth na skin ay tinubuan ng mga balahibo, nagkaroon din sila ng buntot, tumulis ang kanilang mga kuko sa kamay, at nag iba ang kulay ng mga mata.

Ngayon sa kasalukuyan, ang mga anak ng mga taong nagtry ng formula ay kinatakutan. Ang kanilang mga angkan ay hiniwalay sa lahat ng tao at sila ngayon ay tinawag na mga werewolf dahil sa pagdami nila nag usap ang mga bansa at nagkaroon ng kasunduan na sa bawat bansa dapat may sariling community ang mga werewolf na malayo sa tao. 


Ngayon ay nagtayo ang gobyerno ng wall na kung saan naseseparate ang mga taong lobo sa normal na tao.

Matagal nakong interesado sa kanila, halos 30 years ng walang contact ang mga tao sa kanila. Walang nagtatangkang tumuloy sa kabilang panig, tahimik sila at sabi sabi ng mga matatanda. Hindi alam ng mga tao kung ano ng nangyari sa kanila, lumala ba sila sa loob, walang makakapagsabi.

2 oras akong nagbabasa hanggang sa inantok ako at natulog, Pag gising ko ay 7:20pm na, halos tatlong oras din akong nakatulog. 


Madilim na sa labas at ang tanging nakikita ko lang ay ang iba ibang uri ng puno at mga bundok na naglalakihan. Malapit lapit na rin sa subic dahil kasalukuyang nasa bataan na ang tren.

kumain muna ako ng hapunan bago nakinig ng musika, 30 minutes din ang lumipas at nasa olongapo na kami patahak sa tunnel ng kalaklan hanggang sa makaramdam ako ng pagyanig ng lupa. Napahawak ako sa upuan sa aking harapan at dumapa sa baba ng aking upuan at nagcover ng ulo, ramdam kong huminto ang tren. Ilang minuto pa nawalan nako ng malay.


"O-a--"

Naramdaman kong may dumampi na palad saking noo, banayad niya yung hinipo. Pilit kong minumulat ang mga mata ko, sobrang sakit ng katawan ko. Ramdam kong may nakadagan saking bagay. 


Sobrang sakit at hindi ako makagalaw.


"O---" baritonong boses, hindi kalakasan at hindi rin kahinaan. Katamtaman lang para aking marinig.

Ilang beses kong pinilit na imulat kahit isa kong mata, at ang panghuling pagkakataon bahagya kong namulat ang dalawa kong mata. 


Ang una kong nakita ay ang sirang tren na maraming bato, napatingin ako sa kamay ko, puro dugo. Sumasakit ang tyan ko at pagkakita ko doon ay napaiyak ako. May metal pipe na nakasaksak sa bandang tyan ko, hindi ako makagalaw. Sobrang lakas ng hagulgol ko.

Isang malaking kamay na maugat ang nagpahid sa luha ko, napatingin ako sa kanya.Golden eyes, ang nagliliwanag niyang golden eyes ang una kong napansin. 


Nakamask siya at naka cap na black, ang tanging nakikita ko lang sa kanya ay ang golden niyang mga mata. Mukha siyang normal na tao, hindi siya mabalahibo. 


Binuhat niya ko at hindi niya tinanggal ang pipe sa tyan ko. Habang nasa kamay niya ko ay mas pasakit ng pasakit ang sugat ko sa tyan dahil naglalakad siya at hindi ako mapakali dahil doon.

Ang huli kong nakita bago ko mawalan ng malay ay ang nakalagay sa suot niya,


Alpha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 07, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Till I See You AgainWhere stories live. Discover now