Chapter 01

8 5 1
                                    

A/N: Might encounter some grammatical errors and wrong typos. Enjoy reading!

» Chapter 01: Reincarnated

Isa si Gabriel sa apat na hari sa kanilang kontinente. Ng dahil sa kaniya, payapa at magaganda ang bawat pagtrato ng mga mamamayan niya sa kapwa nila.

Mabuting hari. Iyan si Gabriel sa paningin ng maraming tao. Hinahangaan nila ang pagiging mabuti at matapat nito, bukod doon ay walang mga nagtatangkang magnakaw sa kanilang kaharian ng dahil sa kaniyang batas. Ang sinu-mang magnakaw ay hahatulan ng kamatayan.

Kabilang rin ang emperador ng kanilang kontinente sa mga humahanga sa haring ito. Si Gabriel lang naman ang pinakamatapat at pinakapinagkakatiwalan niya sa apat na hari. Malapit sila sa isa't-isa kaya kada-linggo ay nagbibisitahan.

Sa mundong kinagagalawan ni Gabriel, hindi rin maiiwasan ang digmaan.

Ang isang pang hari ng kontinente, si Kaelde, ay nagtatag ng digmaan para sakupin ang kaniyang kaharian. Si Kaelde ay ang matalik na kaaway ni Gabriel. Naiinggit ito sa kaniya sapagkat mas malapit ito sa emperador at mas hinahangaan ng mga tao. Sa buong buhay niyang naging hari, hindi niya pa nagagawang higitan si Gabriel dahil palagi nalang siya nitong nauunahan.

Kaya naman nakapagpasya itong sakupin ang teritoryo niya. Ang emperador ay wala ring magagawa dahil ito ay sa pagitan lamang ng dalawang kaharian at wala dapat siyang kampihan.

Hindi naman maintindihan ni Gabriel kung bakit gustong sakupin ni Kaelde ang teritoryo niya. Ano nga bang ginawa niya rito? Bakit napakaganid nito sa kapangyarihan? Wala naman siyang nagawa sapagkat napakamapilit ni Kaelde at gagawin ang lahat para lamang mahangad ang inaasam.

Kaya naman nakipagkasundo siya sa digmaang hinahangad nito. Kung digmaan ang gusto nito, pagbibigyan niya.

Nagsimula ang digmaan at maraming nasawi at binawian ng buhay. Kahit na marami na ang namatay sa panig ni Kaelde, wala pa rin itong pakialam dahil hindi pa nito nakukuha ang gusto. Nagpatuloy sila sa pananakop sa kaharian ni Gabriel. Walang tigil at pahinga ang mga kawal, tanging pakikipagpalitan lamang ng espada at panangga ang ginagawa.

Sa huli, hindi nagtagumpay si Kaelde na sakupin ang teritoryo ni Gabriel. Ngunit magaganap ang isang hindi makapniwalang pangyayari.

May isang pigura na pala ang nakataklob ng roba na nakaabang sa mabuting hari. Hinihila na nito ang pana na may nakatutok na bala.

Hindi ito napapansin ni Gabriel sapagkat abala ito sa pinagmamasdang kaharian. Malungkot na nakangiti dahil sa sinapit ng kaniyang mamamayan. Ang hindi niya alam ay may kikitil na pala sa kaniyang buhay.

Rapidong pinana ng nakaroba sa puwesto ni Gabriel ang kaniyang bala.

***

VOTE
COMMENT
SHARE

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Adventurer's Path [Vol.1: Clover's Champion]Where stories live. Discover now