Just Believe: chapter02

10.6K 192 1
                                    

---

Naging masaya naman ang first day of class,nadagdagan ang tropa nya,though hindi talaga sya makapaniwala,dahil three years ago ay hindi naman sila tinatapunan ng pansin ng grupo ni Kevin. Pero syempre siguro ganun talaga ang tadhana,gumagawa ng paraan para pag buklurin ang mga tao,alam nyang may rason iyon. Sadyang hindi lang sya komportable sa presensya ni Kevin, ayaw nya talaga dito,dahil noon pa man nayayabangan na sya dito. Idagdag pa ang mga panahon na nakaranas sya ng pambubully nito. Andyan yung naglalakad sya at lalapit ito,aakbay sa kanya na babalewalain lang nya,yun pala ay may idinikit na itong papel sa likod nya. Marami syang naranasan dito kaya ganun na lang ang inis nya dito,hindi naman iyon lingid sa barkada nya.

Natapos na ang klase nila para sa araw na yun. Sabay sabay na sila ni Pipay,Ira at Honey na palabas ng room, nakita nila si Kevin kasama ang grupo nito na nag aabang sa corridor.

"Anong atin?" tanong ni Ira sa mga ito ng makalapit.

"Wala naman,naisip kasi namen na since iisang grupo na tayo, baka pwede na tayong magbonding para magkakilala tayo ng lubos" si Kevin ang sumagot na sa kanya nakatingin, ibinaling nya sa iba ang tingin baka kung anu pa isipin ng kurimaw na yon.

"ah ganun ba?" sabay na tugon ni Ira at Honey.

"Yup! So tara na! Sabay na tayo pag labas ng campus" sagot ni Kevin,tumalima naman sila, si Dex ay agad tinabihan si Honey sa paglalakad, si Bryle ay kay Ira tumabi, si Pipay naman ay kay Brian tumabi, lihim syang napahagikgik. Ang haliparot talaga ng baklang to! Aniya sa isip.

Sya naman ay nag dire diretso ng lakad. Laking gulat nya ng tumabi sa kanya si Kevin at akbayan sya,nilingon nya ito ng naka kunot ang noo.

"oh bakit nakakunot noo mo,papangit ka nyan" naka ngiti nitong pansin sa kanya.

"ano bang paki alam mo?" sabay tanggal nya ng kamay nyang naka akbay dito,dinig pa nyang naghagikgikan ang mga kasama. Ewan ba nya,napipikon talaga sya sa Kevin na toh! Para bang balewala lang dito ang lahat ng pambubully nito sa kanya noon kung maka asta ngayon, samantalang sya ay nagpupuyos sa inis. Pinili nyang manahimik na lang ang magpatiuna na sa paglalakad. Gusto nyang maka uwi na agad.

Maaga syang gumising kinabukasan, ayaw nyang ma late sa klase,although dalawa lang ang subject nila ngayong araw ay gusto pa din nyang maganda ang record nya.

Habang naglalakad sa covered walk napapansin nya ang ibang kababaihan na tumitingin sa kanya,makikita sa mga mata ng mga ito ang paghanga. Napangiti sya dahil doon, hindi nya masisisi ang mga ito, gwapo nga naman sya, maputi, maganda ang mga mata na kulay brown,matangos na ilong at manipis na mamula mulang labi. Madami na din syang naging ex girlfriends mula High school, yung iba seryoso,yung iba tamang flirt lang. Alam naman nyang mukha at katawan lang nya ang habol ng mga ito, hindi naman sya madamot kaya pinagbibigyan nya ang mga ito,ilan na nga ba ang naikama nya? Hindi na nya mabilang, kampante sya sa sarili nya at never sya nagpa apekto sa iba, kahit may ibang ikinokompetensya na mga gwapo sa kanya, magkikibit balikat lang sya at sasabihin sa isip na "mas gwapo pa din ako".

Pero itong Kevin na ito,sya lang ang bukod tanging trumato sa kanya ng ganun, siguro hindi din nya matanggap na may mas malakas ang loob na itatrato sya ng ganun. Siguro threatened lang iyon dahil mas gwapo sya kaya pilit syang ibinabagsak sa mga pambubwisit at pambubully nito.

Hindi naman nya ugaling makipag away at makipag basag ulo, sayang ang kagwapuhan nya kaya pinapalampas nya lang ito.

With that nakaramdam sya ng pagkainis, masyado pang maaga para mainis sya,ayaw nyang masira ang araw nya.

"Arvin!" sigaw ng isang pamilyar na boses, mas dinalian pa nya ang paglalakad.

"Arvin! Uy Arvin saglit lang!" anito ng makahabol sa kanya at sinabayan sya sa paglalakad.

"Bakit ba nagmamadali ka?"ani Kevin na hinihingal,hindi nya ito pinansin at naglakad pa din.

"Galit ka ba saken?" dugtong nito.

Nilingon nya ito. "ano sa palagay mo?"

"Look,kung yung mga pang iinis at pambubully ko sayo mula noon ang kinaiinis at kinagagalit mo saken, Im really sorry" sincere na sabi nito.

"ngayon mo lang naisip yon? Alam mo hindi ko alam kung bakit ganun ka na lang sakin, natatakot ka bang malaos ang kasikatan at kagwapuhan mo kaya ginaganun mo ako? Pwes,wala ako panahon makipag kumpetensya sayo, Now if you'll excuse me,papasok na ako baka ma late pa ako" aniya at tumalikod na.

"Hindi iyon ang rason Arvin.." pahabol pa ni Kevin ngunit hindi na nya ito binigyang pansin. Dali dali na nyang tinungo ang Ed.Department.

Sakto naman pagka pasok nya ay kasunod ng pumasok ang unang Prof nila para sa araw na iyon. Hindi nya muna pinansin ang mga barkada na nagtataka sa pananahimik nya,baka kasi madamay pa ang mga ito sa inis nya.

Itutuloy . . .

Just Believe [completed]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt