Just Believe: chapter14

5K 133 0
                                    

Ngiti lang ang sinagot nila ni Kevin sa pangbubuska nito sa kanila at umupo na din ang mga ito sa harapang upuan.

"mabuti naman at dumating na kayo,may sasabihin ako" nakangiting nyang sabi, nagpalitan naman ng di makapaniwalang tingin ang mga ungas.

"ano yun?" ani Dex.

"Si Pipay mukhang magkaka lovelife na" sagot nya.

"Hindi nga?" sabay sabay na wika nina Dex,Bryle at Brian.

"See for yourself,ayan na pala sila eh" aniya na inginuso ang papalapit na sina Pipay,Ira,Honey,Jiian,Angel at Prinz.

"sino yung lalaki?" takang tanong ni Bryle.

"future boyfriend ni Pips" sagot nya.

"di nga??" halos lumuwa ang mata ng mga ito sa nalaman,ikinatawa naman nya.

"Oh boy, napag iiwanan kana Brian" biglang hina ng boses ni Dex.

"gago! Hindi pa, si Jiian din kaya wala pa" ganting bulong ni Brian.

"hey guys!" bati ni Jiian ng makalapit ang mga ito sa kanila, binati din nila ito, samantalang sina Dex at Bryle ay tumayo para lapitan at iabot kina Ira at Honey ang mga chocolates na regalo nila,halata namang kinilig ang mga babaeng impakta.

"Sino sya?" ani Dex na ang tinutukoy ay si Prinz.

"ah eh guys,classmate namen si Prinz" ani Pipay.

"manliligaw nya!" proud pa na dugtong ni Prinz na ikinagulat lalo ng mga lalake.

"WOW!" sabay na turan ng mga ugok,napangiti na lamang sila, nagpakilala din naman ang tropa dito.

"Angel,can we talk?" maya maya ay mahinang sabi ni Brian sa gitna ng usapan nila. Nilingon nila ito at kita ang hiya sa mga mata ni Brian.

Ngumiti naman si Angel at sumagot. "Sure!"

"tayong dalawa lang sana,somewhere more private" ani Brian "okay lang bro?" dugtong na baling nito kay Jiian,tumango at ngiti ito bilang pag sang ayon.

"So lets go" tumayo na si Brian " Mauna na kami guys" paalam pa nito.

"Jiian mauna kana umuwi" ani Angel at sumunod na kay Brian.

"Sige sissy" tugon ni Jiian.

"Galingan mo bro!" pahabol ni Bryle.

"balitaan nyo kami sa pakikibaka nyo ah?" segunda ni Pipay na ikinatawa nila.

-

Handang handa na sya para sa date nila ni Ikhai,halos ibuhos na nya ang pabango sa katawan at sinigurado nyang gwapong gwapo sya para sa gabing iyon. Paglabas ng kwarto ay tinukso pa sya ng mga magulang nya,tinawanan lamang nya ang mga ito at nagpaalam na.

Dahil sa wala naman syang kotse ay napag usapan nila ni Ikhai na dun na lang sa Resto magkita, nauna na sya dito.

Bitbit ang isang boquet ng mga rosas,box ng chocolate ay iginiya na sya ng waiter sa pinareserve nyang pwesto.

The place was so romantic,madami din ang tulad nya na may ka date.

Ilang saglit pa ay nakita nyang papasok na si Ikhai sa restaurant at iginiya din ng waiter papunta sa kanya, napakaganda nito,namalik mata sya, bumilis ang tibok ng puso nya, na animoy katatapos lang nya tumakbo ng isang kilometro.

Sinalubong nya ito at iniabot ang bouqet of roses at chocolates.

"Happy Valentines Beb," bati nya at ginawaran niya ito ng halik.

"Happy valentines din" magiliw na tugon nito.

Ng makaupo sila ay hindi nya maiwasang ma-mesmirize.

"may problema ba Beb?" untag nito.

"ha? W-wala Beb,you look stunning tonight" naka ngiti nyang tugon. Shit! Bakit nautal sya? Para tuloy bumalik sya sa mga panahong nililigawan nya ito noon.

"well,thank you" namumula ang pisngi nitong nagpasalamat " ikaw din,ang gwapo gwapo mo" dugtong nito. Ramdam nyang namula din sya, at muli nag rigodon ang puso nya.

"talaga?" aniya.

"oo naman" sagot nito.

Lumapit na ang waiter at kinuha ang order nila. Nang dumating ang order nila ay nagsimula na silang kumain at mag usap, palitan ng sweet nothings.

"Beb,alam mo bang mahal na mahal kita?" aniya sa kalagitnaan ng pagkain nila. Tumigil ito at tiningnan sya. Kitang kita din nya sa mga mata nito ang nag uumapaw na pagmamahal para sa kanya.

Tumayo sya at lumapit dito, isinuot nya dito ang regalo nyang kwintas na may pendant ng mga initials ng pangalan nila. Hindi ito nakakibo at tumulo na lamang ang luha.

"Please dont cry Beb" aniya at pinahid ang mga luha nito.

"masaya lang ako Beb, mahal na mahal din kita" tugon nito,niyakap nya ito ng napakahigpit,punong puno ng pagmamahal.

"maraming salamat Beb,pinasaya mo ako" si Ikhai

"anything for you Beb" sagot nya at nagbigay ng kanyang pinaka matamis na ngiti.

Sa di malamang dahilan ay napalingon sya sa entrance ng Resto. Para syang binuhusan ng malamig na tubig sa nakita,hindi sya nakakibo.

Si Kevin papasok sa resto at may kasamang napakagandang babae at parang ang saya saya nilang nag uusap.

Nakaramdam sya ng matinding kirot sa puso. Hindi agad sya nakapag salita.

ITUTULOY . . .

Just Believe [completed]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora