Chapter 65

470 9 0
                                    

"What do you mean you didn't received my text message?" naka-kunot ang noo na tanong ni Abraham sa tinawagan nitong private investigator habang nakasakay sa kaniyang sasakyan at papunta ngayon ulit sa condo na tinitirahan ni Desiree.

"Mr Rossi... that... message... received... didn't..." putol-putol na wika ng private investigator ni Abraham na animo'y problema dahil sa signal.

"Investigator, I can't understand. The signal is too weak."

"Mr... I... hear.... the..."

"I'll try to send you a message again, investigator. I can't really understand," naiinis na wika ni Abraham sabay baba ng tawag at pabatong inilagay sa may passenger seat.

If he can't contact and make a clear conversation to his private investigator, Abraham must find Desiree  all by himself. Alam na Abraham na hindi nito dapat iwanan na lang bigla si Amira sa mansion at ipaubaya kay Butler Jin ang pangangalaga nito buhat nang nangyari kahapon ngunit he can't control himself finding Desiree. Simula noong nalaman ni Abraham na hindi bumalik si Desiree sa kumpanya at hindi nito natiyak kung nasa condo ba nito ito ay hindi pa siya nakaka-received ng text message o tawag mula sa dalaga. Sa tuwing tatawagan naman nito ang cellphone number ay hindi nito ma-contact dahil laging cannot be reached. Ayaw man isipin ni Abraham ngunit nangangamba ito na may nangyari nang masama kay Desiree na hindi niya nalalaman.

Mabilis na nagmaneho ng kaniyang sasakyan si Abraham pabalik sa condo ni Desiree na hindi nito napuntahan kahapon dahil sa nangyari kay Amira. Nang makarating na si Abraham sa mismong condo ay nagmadali itong bumaba nang kaniyang sasakyan pagka-parada ng sasakyan at nagtungo sa may loob. Lakd-takbo itong nagtungo sa may elevator at pinindot ang floor ng dalaga. Habang nasa loob ng elevator ay hindi ito mapakali sa hindi nito malaman na dahilan.  Pagkabukas ng elevator ay mabilis itong naglakad palabas at tinakbo ang distansya nito mula sa pintuan ng mismong condo unit.

"Desiree, are you there?" pagtawag ni Abraham mula sa may labas habang paulit-ulit na pini-pindot ang doorbell. "Desiree, please open the door."

Ilang beses at paulit-ulit na nag dorbell, kumatok at tumawag si Abraham kay Desiree mula sa labas ngunit wala itong nakuhang sagot at walang Desiree na nagbukas ng pinto. Sa mga oras na iyn ay bakas na sa mukha ni Abraham ang labis na pag-aalala at frustration sa nangyayari.Mula sa bulsa ng kaniyang suot, kinuha ni Abraham ang cellphone nito na kinuha niya kanina sa may upuan ng passenger seat sa may kotse bago bumaba at tinawagan muli ang numero ng cellphone ni Desiree, nag-aasam na sagutin na iyon ng dalaga... ngunit bigo ito.

Sapo-sapo ang kaniyang noo na nagpalingon-lingon si Abraham sa kabilang unit kalapit ng room ni Desiree, nag-aasam na makakuta ng isang tao na maaari niyang mapag-tanungan at sa pagkakataon na iyon ay hindi naman siya nabigo. Isang may katandaan na babae ang lumabas  sa isang unit sa may kanan, dala-dala ang isang kulay dilaw na wallet na animo'y oras na para mag-grocery. Walang inaksayang oras pa si Abraham at kaagad na tinawag ang matandang babae na katatapos pa lang isara ang pinto nito.

"Excuse me," pagtawag ni Abraham sa Ginang at nilingon naman siya nito. "Good morning. Itatanong ko lang po sana kung umuwi na ba iyong babae na nakatira ro'n?" wika ni Abraham sabay turo sa unit ni Desiree.

Hawak-hawak ang kaniyang salamin ay tinignan ng matandang babae ang itinuro ni Abraham bago muling ibinalik ang tingin sa binata na naghihintay ng kaniyang isa-sagot.

"Iyong magandang babae ba?" pagsisigurado ng matandang babae at mabilis naman na tumango ang binata. Naku! Pasensya ka na at matagal ko nang hindi nakikita ang dalagang iyon."

"Kagabi po, napansin niyo po ba siyang umuwi?"

"Kahapon ba?" kakamot-kamot ang ulo na tanong ng Ginang na animo'y inaalala."Kahapon, parang hindi rin siya umuwi eh.  Oo, hindi nga siya umuwi kahapon— teka lang!" pag-tawag ng Ginang nang mabilis na tumakbo paalis si Abraham pagka-rinig niya sa sinabi ng Ginang.

Nag-aalalang sumakay muli si Abraham sa elevator para bumalik sa may Ground Floor at kausapin ang ilan sa mga tauhan sa condo na iyon. Pagkadating ni Abraham sa Ground Floor ay mabilis itong lumapit sa isang babae na bakas sa suot nitong damit na nagta-trabaho ito sa condo.

"Excuse me, I want to have a CCTV footage of Miss Desiree Bianchi," daretsong utos ni Abraham sa babae na tinaasan lamang siya ng isang kilay dahil sa narinig. Bago magbigay ng kaniyang response ang dalaga ay ilang segundong nagtipa muna ito sa kaharap nitong computer na wari mo'y chine-check kung may guest ba silang Desiree Bianchi.

"Sir, I am so sorry pero hindi po namin puwede na ipakita na lang basta ang CCTV footage sa condominium na ito due to our guests' privacy."  

"I'm a friend of her. Gusto ko lang malaman kung umuwi ba siya rito sa condo niya," pangungulit ni Abraham sa babae.

"Sir, hindi po namin talaga puwede na lang—"

"Susundin mo ang utos ko o mawawalan ka ng trabaho?" pananakot na banta ni Abraham sabay hila sa kuwelyo ng suot na damit ng babae dahilan para puwersahan itong mapatayo mula sa kaniyang pagkakaupo.

"Sir, please let go of me. I'll call—"

"Mr. Rossi?" pagtawag ng isang lalake na nakasuot ng isang corporate attire.

"M-Mr. Stein," wika ng babae.

"Hillary, what's going on?" pagtatanong ni Mr. Stein sa babae matapos siyang pagalit na bitawan ni Abraham.

"Mr. Stein, this man is asking for the condominium's CCTV footage. May binanggit po siya na pangalan ng isa nating guest at ang sabi po niya ay gusto niyang makita ang umuwi daw po ba ang guest na iyon—"

"Let him," mabilis na utos ni Mr. Stein.

"M-Mr. Stein?" 

"I said let him see the footage. Mr. Rossi is our business' friend."

Sa sinabing iyon ni Mr. Stein ay mabilis na nagulat si Hillary kaya dali-dali itong humingi ng patawad kay Abraham. "Mr. Rossi, I am so sorry for my rudeness. Bago pa lang po ako rito at hindi ko po kayo kaagad nakilala. Patawarin niyo po sana ako," wika ni Hillary habang naka-yuko sa harap ni Abraham.

"Let me see the footage," malamig na wika ni Abraham at mabilis naman na tumango at kumilos si Hillary.

"Yes, Mr. Rossi. Please follow me," wika ni Hillary sabay asikaso kay Abraham at bago sila umalis na dalawa ay humingi na rin ng pasensya si Hillary kay Mr. Stein samantalang nagpasalamat naman si Abraham.

Pagka-sakay nina Hillary at Abraham sa loob ng elevator ay aligagang pinindot ni Hillary ang huling buton sa loob para makapunta sila sa area kung saan kita ang lahat ng floors and units ng condo. Pagkabukas ng pintuan ng elevator ay bumungad kay Abraham ang napakadaming screen sa loob ng floor na iyon kung saan kita ang lahat ng pasilyo ng condo. Naglakad palapit si Hillary sa main person na siyang nag-aasikaso ng CCTV footages at sinabi nito sa taong iyon ang kaniyang pakay. Nang makilala ng main person si Abraham ay mabilis itong kumilos at siya na mismo ang nag-asikaso ng kailangan nito.

"Mr. Rossi, according to our records, on that night, hindi po bumalik sa condo si Miss Bianchi."

"When was the last time she went home?" seryosong tanong ni Abraham habang nakatingin sa malaking screen at nakatayo sa likod ng main person habang abala ito sa mabilis nitong pagta-type.

"Two days ago, Mr. Rossi. Two days ago ang huling uwi ni Miss Bianchi," sabay pindot ng main person sa enter button at doon ay nakita ni Abraham na tama nga ang sinabi nito dahil sa date and time.

Sa isip-isip ni Abraham, if Desiree Bianchi was not home for two days, where would she be right now and who's with her all these time?

SERIE ALFA DOMINANTE 1: ABRAHAM ROSSIWhere stories live. Discover now