Chapter 6

39 5 0
                                    

   Kinaumagahan ay nagpasya si jaime na ibalik ang cellphone kay rad.

Masyado itong mahal at ayaw niyang isipin ng ungas  na iyon na gusto niya ang ibinigay nito.

  Hindi naman siya mukhang pera ano..

  Pagkapasok palang niya sa frontdoor ay nakita na niya ito sa mismong upuan nito.

  May nakapatong na cap sa mukha at natutulog nanaman.

   Huminga siya ng malalim bago ito lapitan at  dahan dahang inilagay ang cellphone sa lamesa nito.

   Nagulat pa siya ng tanggalin nito ang cap sa mukha at tiningnan siya ng masama.

   akala niya natutulog ito.

"Sorry, hindi kasi ako tumatanggap ng regalo na ganyan ka mahal", agad naman niyang sabi rito na napataas lang ng kilay nito saka tiningnan ang cellphone sa lamesa.

    Tumayo ito at walang pag dadalawang isip na pinulot ang cellphone at itinapon sa basurahan saka umalis.

Napanganga si jamie literally sa ginawa nito.

  What the!!

  Ano bang problema ng unggoy na iyon? Bat niya itinapon?

     Hinalungkay niya agad sa basurahan at kinuha ang cellphone doon at nagmamadaling hinabol ito.

   "Hoy sandali lang!"

     "Hoy unggoy!! Hoy huminto ka!!" Malakas niyang sigaw dito at humihingal siyang hinarap ito.

"A-Ano bang-ano bang problema mo huh??" kinakapos sa hangin na tanong niya rito.

"Ba't mo tinapon yung cellphone? nanlalaki ang mga matang tiningnan niya ito.

Bat ba ang bilis nitong mag lakad hiningal pa tuloy siya dahil dito.

"Ayaw mo di ba?" seryoso at walang emosyon nitong tanong sa kanya.

"Uo, ayaw ko nga!", pero hindi ibig sabihin noon na pwede mo na itong itapon ng basta basta nalang naiinis niyang saad dito.

  Hindi porket mayaman ito ay pwede na itong magtapon ng pera.

"Then take it! ," maiksi nitong saad at saka siya iniwanan nang hindi man lang nakakasagot.

  iritang iritado siyang bumalik ng classroom .Ang yabang ng gago ! bahala siya sa buhay niya.

k fine! kahit labag sa kalooban niya ay tatanggapin  niya nalang ito,e kasi  naman sayang din naman ito kung itatapon lang ng unggoy nayun noh.

tsk. Kakainis talaga !!ang arte arte nito! Akala mo kung sino! e sa parents lang din naman nito kinukuha ang perang sinasayang nito.

  " tsk.!The perks of being rich huh" ! Spoiled brat talaga!

  Kinahapunan ay pumunta sila sa gym ni camille at nanood ng basketball.

Masaya niyang pinanood si ethan myloves niya.

   Grabe! ang gwapo talaga nito kahit saang anggulo tingnan ay walang kakupas kupas,! nagha heart heart na naman tuloy ang mga mata niyang naka pokus dito.

"Grabe besh noh? ang daming gwapo sa mga transferee student natin ngayong taon na ito", kilig na kilig na saad naman ni camille sa kanya.

Ayan na naman ito sa kalandian nito, napairap na lang siya at di ito pinansin.

"Pero besh, ang swerte mo huh! , yung pinaka gwapo na si alcantara, biruin mo? magkatabi pa talaga kayo,diba siya rin iyong lalaki sa covered court sa barangay natin noong isang araw iyong nakabato sa iyo ng bola? pagpapaalala nito sa kanya.

Fall inloveWhere stories live. Discover now