Chapter 11

31 4 1
                                    

   
      Nandito na ulit kami ngayon ni camille sa gymnasium at syempre..dahil finals na ay halos mapuno na ang gym sa mga estudyanteng gustong mapanood ang larong ito.

   Halos di na nga kami makapasok e, buti na lang e miss congeniality talaga itong si camille, nagkaroon pa rin kami ng upuan.

  Iyon nga lang doon sa side ng team ng troublemakers.tsk.

   Gusto niya sanang umangal kaso naalala na naman niya ang sinabi o banta sa kanya ng ungas na yon kanina.

   tsk.bat ba siya ganon.

   Nakakainis.

.gusto niya sana doon sa malapit sa bench nila ethan para marinig nito ang pagsuporta niya.

Kaya lang ang layo nila. At saka mukhang hindi na ata talaga siya magkakaroon ng lovelife ngayon.

      Ano?

   Lovelife? O diary?

  Kapag pinili niya ang lovelife niya..may possibility na baka ma discourage din sa kanya ang papa ethan niya , lalo na kapag nalaman nitong matagal na niya itong pinag papantasiyan. At magmumukha siyang obsessed freak dito, which is nakakaturn off talaga iyon. At baka matakot pa ito sa kanya at lalong di na siya pansinin.

  Kung ano ano pa naman ang mga isinusulat niya roon..siguradong magiging creepy siya sa paningin nito.

   At di lang iyon pagtatawanan din siya ng buong campus.

  Anong gagawin niya.?

    Beshy?? Ok ka lang? Bakit parang pasan mo na naman ata ngayon ang buong mundo ? E akala ko ba masaya ka ngayon. E bakit ang tamlay mo na?

     Wala..medyo masama lang pakiramdam ko.matamlay niyang sagot dito.

   May sakit ka?? Nag aalala nitong dinama ang noo ko..

    Di ka naman mainit ah..nagtataka nitong sabi.

    Hindi naman talaga siya mainit..iba  ang masakit sa kanya ngayon..hays!..agad naman siyang napabuntong hininga nalang. At tinuon nalang ang pansin sa mga player na nasa kani kanilang benches.

    Nakita niya ang papa ethan niyang seryusong nagsasalita sa gitna ng grupo nito.

Grabe !bagay na bagay talaga dito ang jersey nito 

  Ang gwapo .!! Agad siyang napatanga dito.

  Pero naagaw din ng attention niya ng mga maiingay na player  sa baba na walang iba kundi ang mga papansin na mga hinayupak!.

    Agad naman siyang napatingin sa grupo naman ng troublemakers na parang kalma lang na nakikipag tawanan pa sa mga ka teamates nito.

   Tse!. Ang angas talaga ng mga  ito. Dapat dito e nilalampaso e.

   Nakita niya ang pagbaling ng mga mata ni rad at ng mga ka grupo nito sa direksiyon niya.

  Tinaasan niya kaagad ito ng kilay.

  At ang walang hiya ay talagang kumaway pa !tsk. 

    Anong gusto niyang iparating? Baka akalain ng mga kasama nito na may something sa kanila..

     ewww! Kaderder nito noh!

    Napabusangot siya lalo dahil sa inis. At  itinoon  na lang  ang pansin sa papa ethan niya na ngayon ay  nakatingin na din sa kanya.

  OMG !! Siya ba ang tinititigan nito? Oh assuming lang siya? Pero kahit hindi siya sure ay kumaway pa rin siya rito.

   At nakita niya ang pag ngiti din nito sa kanya. Oh my…! Siya pala talaga ang tinitingnan nito!!  eyyyyyyyy kese nemen..pasimple niyang inipit sa tenga ang buhok niya dahil sa kilig.

Fall inloveWhere stories live. Discover now