CHAPTER 2: Sick

1.6K 49 72
                                    

Chapter 2: Sick

Weeks has passed, interviews, guestings, shoots, trainings and planning. We haven't had our rest for a while. But it's still great because this means that we are doing our best.

Hanggang ngayon hindi parin nag-sisimula ang three-day guide sa amin ng SB19. Maybe because they have packed schedules. It's understandable.

Simula noong araw na sinabi sa amin na may three-day guide ang SB19 sa amin, naging conscious na ako sa sarili ko. What if mabuntis nga ako? Hindi pwede 'yon. Kasisimula palang ng career namin. Ayokong maging dahilan ng pagkasira ng grupo namin. The leader must be the one who keeps the group together. Ayokong maging dahilan ng misunderstanding sa grupo at sa management.

Kaya nag-research na ako about sa symptoms ng pregnancy. Wala kasi akong alam tungkol sa mga ganong bagay. At syempre, hindi rin ako nag-consult sa mga kakilala ko dahil siguradong uusisain pa nila ang private life ko.

Fortunately, wala namang symptoms. Lagi kong minomonitor ang sarili ko kaya alam ko na wala. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko dahil doon. Hindi ako buntis. Hindi ako mabubuntis! Kawawa naman yung bata kung sakali, wala naman kaming relasyon ni Paulo.

"Najejebs ako girl." ani Lei habang nag-lalakad palapit sakin.

Natawa nalang ako. "Kailangan mo pa ba talagang i-announce? Edi tumae ka." sabi ko tsaka ako uminom ng tubig.

Nasa studio kasi kami ngayon at nag-titraining. Narinig din namin sa mga staff kanina na pupunta daw dito yung seniors namin mamaya. Baka magsisimula na yung three-day guide.

Busy sa pag-titiktok si Nalhi kasama si Ylene. Break kasi muna namin ngayon. Mag-papractice nalang siguro ako ng vocal ko.

Pinatugtog ko sa speaker ang kanta namin tsaka ako humarap sa salamin. Nag-practice kami ni Zyn ng sing and dance. Si Lei naman ay lumabas ng studio, mukang totoo nga na najejebs siya.

Grabe, nakakapagod kumanta habang sumasayaw. You need to make your moves sharp while maintaining a stable voice.

After a while, I and Zyn are checking our practice earlier. She recorded a video of us. Parehas kaming hinihingal habang pinapanood ang sarili namin.

"That's nice. Medyo nanginginig lang yung boses natin pero mas better na ngayon." komento niya.

I agreed. It's much better now. Time and practice really helps a lot.

"Guys! Nandito na seniors natin."

Lahat kami ay napatayo dahil sa boses ni Lei. Humilera din kami at nag-bow para magpakita ng pag-galang.

This time, silang lima nalang ang magkakasama, hindi na nila kasama si Miss Prima.

Binati namin ang bawat isa at halatang nagkakahiyaan pa kaming lahat. Hindi parin talaga mawala sa pakiramdam ko ang kaba.

"Oh, sakto nag-papractice pala kayo." bungad ni Josh.

"Magsisimula na daw kami ng three-day guide sa inyo ngayon sabi ni Miss Prima, since medyo maluwag na din yung schedule namin." si Stell naman ang nag-salita.

We all nodded.

"First of all, congratulations sa debut at comeback niyo. Ang ganda ng music video niyo, malupit. Galingan niyo pa sa susunod and keep practicing. Lagi niyong tatandaan na practice will never betray you." si Josh ulit ang nag-salita.

Lahat kami ay nag-pasalamat. Getting a good comment from our seniors that is one of the most excellent performers is very overwhelming. Napakasarap sa feeling.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Where stories live. Discover now