CHAPTER 7: Off Cam

1.4K 46 68
                                    

Happy Birthday Kuya Stell! ❤️

Dedicated to StellZyyy

Chapter 7: Off Cam

Mabilis na tumakbo si Lei papunta sa pinto tsaka niya iyon ni-lock. Lumapit naman sa akin yung tatlo.

"Hoy, anong ginawa niyo? Bakit magkasama kayo? Baliw, paano pag nag-hinala siya." aligagang sabi ni Lei.

"Grabe ka naman sa mga tanong mo. Anong ginawa namin? Tinulungan lang niya akong pumunta sa banyo kasi naiihi ako." sagot ko.

Lei gasped. "Tinulungan ka niyang pumunta sa banyo?! Kayong dalawa?! Pumasok kayo sa banyo na kayong dalawa lang?!"

Mahina ko siyang hinampas sa braso. "Tinulungan niya akong pumasok pero hinintay niya ako sa labas. Ikaw, kung ano anong iniisip mo. Walisan mo nga yung utak mo paminsan minsan." kunot noo kong sabi.

"Bakit siya yung tumulong sa'yo? Asan si Miss Prima?" si Ylene naman ang nag-tanong.

"May pinuntahan kasi siya sa baba. Edi lumabas ako sa studio, tapos nakasalubong ko si Paulo. Ayon, tinulungan ako. Syempre papayag naman ako kaysa naman sa mahirapan ako." paliwanag ko.

Tumango sila.

"Hindi naman siya nag-hinala? Or wala ba siyang sinabi tungkol sa tiyan mo or whatever?" tanong ni Nalhi.

Umiling ako. "Wala naman siyang sinabing kakaiba. Kaya lang,"

"Kaya lang?" Ylene said.

I sighed. "Ang baho kasi nung air freshener sa banyo!" reklamo ko.

"Oh? Anong ginawa mo?"

"Edi nasuka ako."

They all gasped then groaned. Kung maka-react sila akala mo naman na sila yung nasa sitwasyon ko. Ang o-OA.

"Tapos?" Lei asked.

"Edi ayon. Hinawakan niya yung buhok ko tapos hinahaplos din niya yung likod ko habang sumusuka ako sa lababo."

"OMG." Nalhi said.

"Tapos kanina nung pabalik na ako sa wheelchair, nawalan pa ako ng balanse. Hindi naman ako nahulog sa sahig pero yung kamay niya!"

"Ano?! Anong ginawa niya?!" Ylene asked.

"Hinawakan niya yung tiyan ko!"

Gumawa ulit sila ng tunog at napa-hampas pa si Ylene sa noo niya. Si Zyn naman ay umiling iling.

"Nahalata kaya niya na malaki yung tiyan ko? Zyn, hawakan mo nga yung tiyan ko. Halata ba?" I asked.

Tumayo ako at humawak ako kay Lei. Si Zyn naman ay pumunta sa gilid ko tsaka niya hinawakan ang tiyan ko.

"Hindi naman. Parang fats lang. Pasalamat ka hindi pa masyadong malaki yung tiyan mo ngayon." ani Zyn.

Pare-parehas kaming nakahinga ng maayos matapos iyong sabihin ni Zyn. Mabuti nalang talaga.

"Mag-ingat ka na sa susunod ha. Tama lang yung hindi ka na muna pumunta dito sa building kasi baka tuluyan na nilang malaman na buntis ka. Tsk, hindi natin alam yung pwedeng mangyari pag nalaman nila." ani Ylene.

Tumango nalang ako. Talagang mag-iingat na ako. Last encounter na namin ni Paulo 'to habang buntis pa ako.

Lahat kami ay lumingon sa pinto nang may kumatok doon. It was Miss Prima. Si Lei ang nag-bukas ng pinto.

"Ano ba 'yang pinag-uusapan niyo at naka-lock pa kayo ng pinto ha? Mukang interesting ah." bungad ni Miss Prima.

Glass door kasi ang pinto na medyo tinted kaya nakikita ang mga nangyayari sa loob ng studio.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Where stories live. Discover now