Chapter 10: The Sibbling's Side 1

110 4 0
                                    

STEPHEN

"So ano nang gagawin mo ngayon?" Bwisit naman tong si Alexander! Kaya nga ako pumunta dito kasi maghihingi ako ng advice eh. Oo nga pala, ano nga palang mapapala ko sa babaerong 'to? Tss. Wala namang alam to kundi mambabae.

"Loko ka kasi Dre! Sa dinami dami ba naman ng babae sa mundo, bat sya pa ang nagustuhan mo?"

Anong magagawa ko. Aiish!  Hindi ko na alam!

(Italic words are flashback)
-

Kakapasok ko palang sa kwarto ko nang pumasok na din si mama.

"How's your day 'Phen?" Mama asked.

"Okay lang ma, medyo nakakapagod." Yeah, nakakapagod.

"Ohh. My son is tired. Don't tell me hindi ka na naman a-attend sa M.I mo?" Argh! Bwisit na M.I yan. Kelangan pa ba yan?

"Ma, bakit ko ba kailangan yang Marriage Interview na yan? Ma, ayokong makasal sa taong di ko kakilala."

"But hijo, kaya nga naimbento ang M.I diba? Para makilala mo yung papakasalan mo. Tsaka pwede ka naman tumanggi kung di mo gusto yung imemeet mo. Then we will set up for another Marriage Interview until you find the girl who will suit your taste. Remember, for the sake of our company. Please." Kasi naman! Ang laki ng utang na loob ko kina Mama.

"Ma, may mahal akong iba." I said. Then I saw her eyes sparkled.

"Really? Then great! Who is she? I want to meet her!" Naku Ma, mas maigi pang wag nyo nang malaman.

"Not now Ma." Sabi ko saka ako umupo sa higaan ko.

"Eh.. c'mon son, tell me.. Who is she? I want to know her. Malay mo, magbago isip ko diba? Hindi na kita papa attendin ng M.I if nagustuhan ko siya. C'mon, sabihin mo na." She shook me.

"Ayoko Ma, wag muna ngayon."

"Stephen!"

"Magsisisi kayo kapag nalaman nyo." I straightly said to her. Nakita ko naman na nagtaka siya.

"Why?" I sighed.

"Mahal ko siya Ma, mahal na mahal."

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon