Chapter 13: She is...

87 2 0
                                    

STACEY

Nandito lang ako sa bahay ngayon. Haaay, nakakaboring talaga. Pano, puro katulong lang kasama ko dito, antagal naman kasi umuwi nila mommy, anong klaseng business trip ba yun? Dinaig pa ang bakasyon. Namimiss ko na tuloy si mommy at daddy. -_-

Napatigil ako sa pagmumuni-muni nang tumunog ang cellphone ko.

Hala? Speaking of, si mommy! Tumatawag.

"Hello?"

[Baby! How are you?]

"I'm fine mom. Kamusta po kayo diyan?" Gaaaawd! I really miss them.

[As usual, we're okay baby. Uh.. Can I ask a favor princess?]

"What is it mom?" hulaan ko, papeles na naman to.

[Pwede ka bang pumunta sa bahay ni Mr. Bernard Faucino? Malapit lang diyan sa village. May ipapakuha lang akong papeles. Pretty please?] sabi na eh. Lagi naman, hay naku! May secretary naman kasi bat kelangang ako pa.

I sighed. Di ko matanggihan si mommy eh, saka wala naman akong ginagawa dito sa bahay.

"Fine."

[okay! I'll send to you the address. Alam naman na ni Mr. Faucino kung anong papeles ang ibibigay niya. Okay? Thanks sweetie! Mommy loves you..] minsan etong si mommy, dinaig pa ko sa pagka childish eh.

I ended the call. Syempre nag goodbye muna ko no. Di naman ako bastusing bata. Nag ayos ako saka tinawag ang driver naming si Mang Kanor.

Nang makarating ako sa bahay nung Mr. Faucino eh anak lang ang nandito. Maya-maya pa daw darating ang parents niya kaya paki antay ko nalang daw.

"C, mag-juice ka muna oh." Inalok naman ako nung anak ni Mr. Faucino na hindi ko alam ang pangalan at tinatamad akong alamin, di naman din siya nagpakilala eh.

At C nalang din ang pakilala ko sa kaniya tinatamad kasi akong magsalita kaya C nalang. At habang inaantay ko ang parents niya ay dinala niya muna ako dito sa garden kasi andito din daw ang kaibigan niya na sa kasalukuyan ay nagc-cr.

Antagal naman ng parents ng babaitang to. Parang gusto ko nang umuwi eh. Magdradrama pa ko dahil broken hearted ako. Lol.

Nagulat ako nang biglang may yumakap sakin sa likod.

"Sabi na nga ba eh. Ikaw yun. Ikaw nga..." that voice.

"Brent? Ano bang pinagsasasabi mo?" s-si Brent?

Papanong...

Nagtaka  si Brent kaya naman napabitaw siya sa yakap. Naman eh! Moment na yun e. Joke lang.

"Naomi!" Narinig naming may tumawag sa anak ni Mr. Faucino. So Naomi pala ang pangalan niya.

Saglit, that girl. Siya yung mataray na nakita ko sa mall ah!

She walks towards us.

"Di mo man lang ba ako ipapakilala sa kanila?" she smiled at us. Ewan ko, pero parang peke ang dating sakin ng ngiti niya.

"Oh I'm sorry. Guys, this is Stacey Miracle Aragon. Brent, your Wendy."

Napanganga ako. Shems, what a small world. Teka, Stacey din siya?!

"So you mean..." tumingin sakin si Brent. Di padin ako makapagsalita, shock ako. Ang bilis ng mga pangyayari.

"Yeah right, hindi siya yun. Ano ka ba. Anak yan ni Mr. and Mrs. Yap business partner nila Papa. By the way, you know her?" Inunahan ko na si Brent sa pagsagot. I told her I was his schoolmate.

"Wait, ikaw ba si Stacey Yap?" Gulat na tanong ni Naomi. Bakit naman kaya. Tumango nalang ako, how did she know me.

"Oh, I see." tumango tango siya pero di padin maalis ang mata niya sakin.

"Hey Brent, aren't you excited to see Stacey? Bat ganiyan ang reaction mo? Mukhang nagulat ka?" tanong ni Naomi kay Brent.

Nakita kong lumapit si Stacey, yung childhood friend ni Brent, lumapit ito sa kaniya then she hugged him.

"I miss you so much Brent. Sorry for leaving you twelve years ago. Sorry for the broken promises. Promise, di na ulit ako aalis."

Then after that Brent hugged her too. Ouch! Teka nga, bat ba kasi nandito pa ko? Sinasadya ba ng tadhana na masaksihan ko ang ganito?

Sakit ha. Ang hirap kaya makaranas ng unrequited love.

Lumapit ako kay Naomi at bumulong.

"Balik nalang ako bukas."

Tumakbo ako palabas. Minsan na nga lang ako ma-inlove, dun pa sa taong may mahal na iba. Automatic na napaluha ako nang maalala ko ang reaction ni Brent nung niyakap siya. The eyes of him showing how happy he was when he heard Stacey's words.

I hope I was the one who makes him happy like that. Pero hindi eh. Hindi niya naman kasi ako nakikita. Hindu niya nakikita yung efforts ko kasi focus lang siya sa isang tao. At yun ay si Stacey Miracle Aragon.

I'm His WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon