01: The Art

106 13 0
                                    

        HE WAS JUST smiling the entire time. I started to think that he was a creep. Mabuti na lang at naglalakad na si Coren papunta sa upuan. My brows furrowed when Lev and Coren stared at each other. They were shocked. Coren looked away then sat beside me.

        "Coren, magkakilala ba kayo?" I whispered.

        Isa-isang niyang nilapag ang mga paborito kong pagkain. I smiled from ear to ear. Since then, Coren was always thoughtful and caring. She was the epitome of a great friend. "Hindi," diretso niyang sabi.

        I took a glance at Lev. He then nodded as if he was telling me that Coren was right.

        I nodded, shrugging. "Okay."

        Hindi naman malaking bagay kung magkakilala sila. Hindi na ako nagtanong pa at agad sinunggaban ang pagkain. Ilang minuto ang nakalipas, napansin kong hindi masyado ginagalaw ni Coren ang kanyang pagkain.

        "Are you okay?" pag-aalala kong tanong sa kanya."Hindi mo kasi masyadong ginagalaw ang pagkain mo. May sakit ka ba?" dagdag ko.

        Binitawan niya ang kutsara na hawak niya. "Sorry, Amaris. Kumain na kasi ako kanina at medyo masakit din ang ulo ko," paliwanag niya.

        "Ah, gano'n ba? Kung may problema ka, sabihin mo sa 'kin. Punta tayong clinic pagtapos para makainom ka ng gamot pang-headache."

        She smiled. "Okay lang ako. Huwag mo na akong alalahanin." Binuksan niya ang bottled water saka uminom ng tubig.

        We stayed there for thirty minutes. Then, we decided to take a walk. It was too early for our next subject. Iniwan namin sa cafeteria si Lev. Nagtungo kami sa loob ng gym. Ilang minuto pa lang ang nagdaan simula nang maupo kami sa isang bench, ay may nakita akong estudyanteng kumakain ng siomai sa unahan namin. Nakaramdam ulit ako ng gutom. "Coren, bibili lang akong siomai. Anong gusto mo?"

        Umiling siya, "Okay lang ako." She stood up.  "Gusto mong samahan kita?"

        Ngumiti ako at umiling. "Dito ka lang, babalik din ako kaagad. Thank you." Naglakad ako pabalik sa cafeteria ng mga IT students. Nando'n pa rin si Lev sa kanyang upuan. Balak niya yatang gawing tambayan 'yon. Nasa dulo ako ng linya nang may biglang lumipat sa 'kin.

        Akala ko si Lev 'yon pero hindi. Kulay asul ang mga mata nito samantalang ang mga mata ni Lev ay hazel brown. May kaibigan din akong kahawig niya pero hindi ko na 'yon inintindi. Tiningnan ko nang mabuti ang kanyang mukha. Gwapo naman siya pero hindi ko type ang blue eyes.

       "Hi. Good morning. Can I ask where to find the IT Department? Ngayon lang kasi ako napadpad dito kaya unfamiliar siya sa 'kin," he muttered.

        "That building." Turo ko sa building sa tapat. "Are you an IT student? Naliligaw ka ba?"

        He shook his head. "I'm a med student. Nasa kabilang campus pa ang building namin. Medyo malayo-layo rito." Tipid siyang ngumiti. "IT student ka ba?"

        I nodded. "Yes. Why?"

        "May kilala ka bang Jarzaiah?"

        Napatingin ako sa kawalan at nag-isip. "Pamilyar sa 'kin ang pangalan niya. Hindi ako sigurado pero isa yata siya sa mga kaklase ko. Pwede mo namang i-check kung tama ba ako o hindi..." paliwanag ko. "Bakit? Crush mo?"

        "Uh..." napakamot siya sa kanyang ulo saka ngumisi. "Yes, I think so," pag-aamin niya.

        "Naks!"

        "May kapatid ako na parang kasing-edad mo lang. Kapag nagkita tayo ulit, ipapakilala ko siya sa 'yo," sabi niya saka niya sinuklay ang kanyang buhok. It looked soft. Ang daming strands na nahuhulog sa kanyang noo.

Taste of Memories - EDITINGWhere stories live. Discover now