Simula

204 61 102
                                    

Simula

Binaybay ng aking mga mata ang pamilyar na daan. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng aming marating ang bayan.

Maraming bagong istraktura na ang nakatayo and I can hardly recognize the town where I grew up.

Hindi tulad ng huli, napaka payapa ng kapaligiran. Nakakapanibagong walang naka ambang taong bayan na handa akong palayasin.

Bumusina si Ricardo ng aming marating ang tarangkahan. 'Di ko kailan mang inakala na muli akong makatatapak sa aming lupain.

Sinalubong ako ni manang Cecilia at ng dalawa pa naming dating kasambahay. "Salamat sa Diyos at naging ligtas ang inyong paglalakbay Senyora, ihahatid na nila Divina ang inyong mga bagahe sa dati niyong silid."

Tumango ako bilang tugon.

Pati ang dating masiglang si manang Cecilia ay nagbago na.

I guess, hindi lang ang Villaviciosa ang tuluyang nagbago, pati na rin ang mga tao.

Nilibot ng aking mga mata ang loob ng aming mansyon, ito na lamang ang tanging hindi pa nagbabago. Parehong-pareho ang pagkaka-ayos ng lahat mula sa muwebles hanggang sa pintura. Tila ba iningatan nang mabuti para mapanatili ang orihinal nitong anyo.

Memories flashed through my mind. I've never really felt at home but knowing that something from my past remains gave me a sense of relief.

Matapos kong mamahinga sandali sa aking silid ay pumanhik na ako sa hapag. Hindi ko maawisang hagilapin ang pamilyar na pigura.

Narito pa kaya siya?

"Mamayang alas diyes pa po ang uwi ni Senyor." Sagot ni manang Cecilia na tila narinig ang 'di ko maisatinig na katanungan.

However, my attention was drawn to a pair of familiar eyes. His thick eyebrows furrowed when he met my gaze. Maraming nagbago sakanyan, his features has matured a lot.

If it weren't for his eyes, I would have thought I am looking at his brother.

Nagising nalamang ako sa realidad, nang makahulugang umubo sa manang Cecilia.

"Napaaga yata ang uwi niyo Senyor." May pagdududang sambit ni manang.

Tahimik nalamang akong kumain habang nakikinig sa kanilang pag-uusap.

"Gano'n ba, Senyor? O siya marahil ay napagod kayo sa planta, sabayan niyo na si Senyora sa hapunan" sambit nito habang inihahanda ang kubyertos.

"Salamat, Manang" at tila isang hudyat, nagpaalam si manang upang asikasuhin ang kung anoman.

The silence became tormenting.

I heard you're managing the Legrand well...congrats.

Where is Deo Jhee, how's our child?

Ikaw, kumusta ka?

But do I have the right to ask all this? Ako ang umalis. I ran away from everyone. At kahit sa pag babalik ko pilit parin akong tumatakas.

Sa dami ng katanungang inipon ko, pinili ko parin ilapag ang maling baraha.

"Naihanda ko na ang mga papeles, pirma mo nalang ang kailangan." Pagbabasag ko ng katahimikan.

Nagpatuloy ito sa pagkain at tila walang narinig.

I bit my tongue to keep myself from making any more mistakes.

Tutal ito na rin naman na ang inungkat kong paksa, might as well push my luck to settle this issue. Para once and for all matapos na ang lahat.

He no longer needs to bear the burden of Legrand. It will be a new life for both of us.

Magagamit ko ang perang kikitain para makapagsimula, I'll established my name ng walang impluwensiya ng pamilya ko at pangalan niya. It doesn't matter if it takes me years or even half my life chasing.

"Nakahanap na ako bibili sa mansyon, may mga tao na rin akong nakausap na interasado sa p-"

Naputol ang mga sasabihin ko nang bigla siyang tumayo.

"Kararating mo lang, kating kati ka ng umalis. Para ano? Makasama mo yang lalaki mo?" I was caught off guard by his remarks.

Tila nawala lahat ng inipon kong lakas ng loob.

His jaw tightened as I averted my gaze. I could feel the intensity of his anger restraint.

Pinikit niya nang mariin ang mga mata habang mabigat ang bawat paghinga. I can almost imagine him attacking and shouting at me. I know, I deserve all of it, bago pa ako makarating dito ay hinanda ko na ang sarili. But...no, he was never a violent type.

Kaya naman ng maging kalamado siya, his eyes fixed on me, and I could almost feel my heart popping out of my chest.

"La Paz, Malibcong and San Isidro" Naguguluhan ako sa kanyang pahiwatig.

"Siyam na buwan kapalit ng anim na taon" sambit nito bilang eksplinasyon.

Nakahalukipkip ito habang diretsong nakatingin sa'king mga mata.

I can't even look directly into his eyes without being conscious of myself.

"Ako ang nangalaga rito ng anim na taon, kung gusto mong makuha ang pirma ko, you have to manage La Paz, Malibcong, and San Isidro for nine months." Matalim ang kanyang mga titig habang sinasambit ang kanyang kundisyon.

Ngayon tuluyan na akong naliwanagan.

These are all part of his revenge.

"Argus if you're doing this to get back at my family, tama na, patay na si Ama. I understand the pain my father inflicted. Pero wala nang silbi ang lahat, hindi maaring patuloy kang magtanim ng galit sa taong matagal nang nakabaaon sa hukay."

Hindi ko mapagkakailang marumi ang naging pamamalakad ng aking mga magulang... at pati ako ay naging tuso.

He stared at me in disbelief.

"Don't think highly of yourself. I'm not doing this for you nor your father. This for the Legrand."

"B-but Isn't... too much?"

Damn, I can't even talk without stuttering.

I cleared my throat before attempting to make out logic from my statement.

"Magkakalayong bayan ang mga ito, and these are the largest plants of Legrand. Wouldn't it be difficult for me to handle them all at once? And besides... I never had formal training to handle such facilities." Matapang kong pahayag

I am convinced he will reconsider his conditions. Maybe he can give me La Paz, the largest among the three o kahit na 'yung pinakamalayo nalang na nasa Malibcong para na rin maiwasan namin ang isa't isa.

But all my wishful thoughts vanished when he laughed without humor.

He just stood there staring at me, tila hinuhusgahan ang buo kong pagkatao. He didn't even bother responding to my offer. His presence sends off a clear "no".

"Then I.. I'll just double lahat ng gastos mo rito, including the interests," I utter as I tried to hide the embarrassment.

"Can you afford, Mrs. Lemaire?" may panunuya ang kanyang tono.

I saw fire and disgust in his eyes.

Napangiwi ito at tuluyang lumisan nang wala akong maibigay na kasagutan.

I sighed in defeat.

Tama siya, wala akong mapagkukuhanan ng ganoong kalaking pera kahit ibenta ko pa lahat ng natitira kong ari-arian, at wala rin akong mahihiram sa mga dating kaibigan dahil halos lahat sila ay kinasusuklaman na ang aking pamilya.

Then I guess, this left me no choice but to work for my brother-in-law for the next nine months.

Chasing Sunset (Villiaviciosa Series #1)Where stories live. Discover now