Chapter 1

13 3 0
                                    

Arcane's POV

*kriiiiinnnnnnggggggg*

Ano ba tong alarm nato, nakakasakit ng tenga huhu. Saktong aabutin ko na sana ang alarm ng bigla akong mahulog sa higaan ko.

*booggshhh*

Aray huhu, ang malas naman ng umaga ko. Matamlay akong bumangon sa higaan pero Ng maalala kong may pasok ako ngayon, dali dali kong wristwatch ko, shemz 8:20 na, 9:00 Ang start ng klase ko nubayarnn. Anong gagawin ko nito hukos pukos?

Naghukos pukos nalang ako para madaling matapos saka ako lumabas ng kwarto, nakita ko naman si inay na naghahanda ng agahan sa lamesa.

Lumapit ako sa kaniya saka nagmano.

"Magandang umaga inay, akala ko po ba andun na kayo sa palengke nagtitinda. Past 8 na po oh." Sinandukan niya ako ng kanin kaya inagaw ko na. "Ako na po." Saka ako nagsandok ng piniritong isda.

"Mamaya na anak, kapag ka nakaalis ka na alam mo naman maghuhugas pa Ng pinagkainan diba?" Ito talagang si inay ginagawa akong baldado.

"Nay kaya ko naman pong maghugas ng pinggan, tsaka baka maagawan ka Ng mga kustomer doon sa puwesto niyo sige kayo nay." Pananakot ko, natawa naman si inay, aba seryoso kaya ako.

"Oh sige na nga, basta siguraduhin mong naka lock ang pintuan bago ka umalis ha."

"Para namang may mananakaw dito sa bahay HAHA." Nagtawanan nalang kami ni nanay.

"Oh siya sige na anak at ako'y aalis na." Tumango naman ako saka siya niyakap. "Mahal kita anak pakatandaan mo yan ha?" Napakunot naman ako dahil doon. Ba't parang Ito na ang huli niyang yakap? I heve this feeling na namamaalam so inay? Tsk napaparanoid lang ata ako, Oo tama. Wag kang mag-iisip ng kung ano ano Arcane, sinabihan ka lang ng mahal kita naging paranoid kana.

"Mahal din kita nay itatak niyo po yan sa isip niyo." Sinabayan ko nalang si nanay. She smiled weakly, and her eyes looks teary, baka epekto na to sa pagrereview ko ng magdamag, naghahalucinate lang ako.

Umalis na si inay at ako ang naiwan, pagkatapos kung hugasan Ang mga pinggan ay dumeretso na ako sa kwarto para kunin ang bag ko. Sinigurado ko munang naka-lock ang pinto ' as if naman may loloob ng bahay mo' sabi ko nga, naninigurado lang.

Nagcommute ako papuntang Clifford University, nagtataka siguro kayo kung bakit sa mamahaling paaralan ako nag-aaral no? Sa totoo lang isa akong scholar, perks of being smart haha.

Pero kung gaano naman kamahal ang paaralan na Ito, ay siya namang kinabasura ng ugali ng mga istudyante, ewan ko ba kung bakit mainit ang mata nila sa mga tulad kong mahirap lang. Pare-pareho naman kaming tao, humihinga. Yan ang mahirap sa mga mayayaman, ituturing kang isang kamag-anak kapag pareho kayong mapera, basura naman kung wala sa kalingkingan nila.

Teka ba't ba ako naghihimutok? Eh kunting nalang naman at matatapos na ako sa pag-aaral, isang buwan nalang yun. Wala nang mamamatid sakin, babato ng itlog, bubugbog at bubuhos ng harina pagkatapos ng isang buwan kaya kapit lang.

Pagkarating ko sa gate, hinatiran ko si manong guard ng agahan, uy hindi kami talo, parang tatay ko na yan eh, palagi kasi siyang dumarating tuwing may nantitrip sakin tapos nung minsang tinapon ng kaklase ko yung lunch box ko, binigay Niya yung kaniya. Tinanong ko si manong Isto noon kung bakit niya yun ginagawa, sinabi niya

" Naaalala ko kasi Ang anak ko sayo hija, katulad mo rin kasi siya na inaapi pero hindi lumalaban kasi lagi niyang sinasabi na pag pinatulan mo mas lalo kang pagtitripan." Nakita ko naman ang munting luha na papatak kaya agad Niya iyong pinunasan. "Isang gabi, habang papauwi ang anak ko, may tatlong lalaki pala Ang sumusunod sa kaniya at iyon ay ang kaniyang mga kaklase tapos... Tapos." Napahagulgol na si manong Isto kaya naawa ako sa kaniya. "G-ginahasa siya ng tatlo niyang k-kaklase, Wala m-manlang akong n-nagawa para protektahan s-siya... N-napakawalang kweta kong ama." Napaiyak nadin ako dahil sa dinatnan ng kaniyang babaeng anak.

Lost Fiancee [ON-GOING]Where stories live. Discover now