Chapter Thirty Eight

289 4 1
                                    

Cali froze as Drake, without any warning, imprisoned her in his arms. Mainit ang yakap nito, tila ba puno ng pagmamahal.

Mabilis namuo ang luha sa mga mata ni Calista. God! How come she missed this man so much kahit pa may isang linggo lamang niya itong hindi nakita? Bakit ba kahit pa anong sakit ng mga ala-alang dulot ng binata, kay tamis pa rin ng pakiramdam ng maikulong ng ganito sa mga bisig nito?

Ngayon niya mas lubusang nasiguro sa kanyang sarili ang nararamdaman. Kahit ano mang tanggi ang gawin niya, her heart still belongs to this man. Wala ni isa mang nag-may ari sa kanyang puso maliban rito.

Gusto niyang magalit sa sarili! Nasaan na ang limang taong isiniksik niya sa isipan ang kataksilan nito? Didn't she go through hell and back just to get over him? Hindi ba at pinilit niyang palitan ng galit ang pagmamahal niya para rito? Hindi ba sinaktan at niloko siya nito?

Pero lahat ng dahilang mayroon siya para masuklam kay Drake, ang lahat na iyon ay tila tinangay na lamang ng hangin ngayong mahigpit siyang yakap nito. Alam niyang isang malaking kahibangan ang hayaan niya ang sariling ipikit ang mga mata at namnamin ang init ng mga bisig at dibdib ng binata.

Calista! Gumising ka! Huwag ka ng muling magpakatanga! Her mind was shouting at her, but she must've really gone crazy to not listen.

Marahil ay tama si Matt. Wala na nga siyang maaaring mabago sa nakaraan, pero mahaba pa ang maaari niyang tanawin sa kasalukuyan at sa hinaharap. Will she let her pride get in the way of her happiness? But what about Drake's engagement to Aimee? Hindi ba at ayon sa babae ay nakatakda ng ikasal ang mga ito?

So what? Malditang susog ng isang bahagi ng kanyang isip. Masama bang bawiin ang talaga namang sa iyo?

"D-Drake... w-what are you doing?" She whispered. Tila nalulunod yata siya sa tindi ng lagabog ng kanyang puso.

"I'm about to go crazy, sweetheart..." bahagya siyang inilayo nito sa sariling dibdib at tinitigan. "I've missed you so much I thought I'm about to lose my mind."

Wala siyang naitugon sa tinuran ni Drake. She just blankly stared at him. She blinked, once, twice, making sure that she wasn't dreaming.

Muli siyang kinabig ng binata palapit dito at ginawaran ng isang halik sa noo. "Did you miss me too, sweetheart?"

I missed you so much too... she almost blurted the words out, kung hindi lamang niya pinigilan ang sarili.

Marahan siyang kumawala mula sa pagkakayakap nito. Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang paghagod ng binata ng tingin sa kanyang kabuuan. His stare made her shiver, noon lamang niya naalalang manipis na satin robe lamang ang tumatakip sa suot niyang lingerie.

"C-coffee?" She asked, changing the subject. Hinapit niya ang roba sa katawan bago mabilis na tumalikod patungong kitchen. She heard Drake close the door at sumunod na naglakad sa kanya.

Nakatalikod man siya ay alam niyang nakasunod sa kanya ang mga mata nito.

Cali, relax... breathe... aniya sa sarili. Ano ba naman itong nangyayari sa kanya at hindi birong nerbiyos yata ang sumasalakay sa kanya dahil sa presensya ng binata.

Inabot niya ang pot ng coffee maker upang punuin ng tubig. Binuksan niya ang gripo at isinahod ang hawak na lalagyan. She heard Drake open the fridge but she didn't turn around to look, natatakot siyang muling magtama ang kanilang mga mata.

Minsan PaWhere stories live. Discover now