Chapter Nine

329 8 0
                                    

"What happened?" mabilis siyang sinundan ni Mat pagkalabas niya ng opisina. Halos hindi niya pinansin ang kaibigan at mabilis na naglakad patungong elevator.

"Hey Cali, wait!" Mat just got in time bago nagsara ang lift. Nagpupuyos pa rin sa galit na sunod sunod pinindot ni Cali ang 'G' sa elevator pad.

"Cali, ano ba ang nangyari? Please tell me you didn't do anything regrettable..."

"I wish I could, but that bastard was blackmailing me!" galit niyang sagot.

"Listen, technically, hindi naman siya nang ba-black mail. Totoo lang naman yung sinabi niya based on our contract. You and I both read it and-"

"And so kinakampihan mo pa ang hinayupak na 'yon?!"

Mat sighed. "I know you have a grudge against the man but you can't act harshly Calista! Negosyo nating pinagkahirapang itayo ang nakasalalay dito!"

She gave out an exasperated breath. "Yes I know. I'm sorry. It's just that I..." iniiwas niya ang mga mata sa kaibigan dahil naramdaman niya ang pag iinit niyon. "It's just that I..." she bit her lower lip, hindi maituloy ang sasabihin na hindi napapaluha. Ang totoo ay matagal na panahon niyang pinakaiwasan na muling mag krus ang landas nila ni Drake. There's just so many painful memories that comes back, marinig pa lamang niya ang pangalan nito, lalo na ang makita ito ng personal!

Marahan siyang kinabig ng kaibigan sa dibdib nito "Ssshh... I understand how you feel and I'm sorry this happened. Kung alam ko lang din, kahit pa malaking break ito para sa PS, sana hindi na lang natin tinanggap".

She shook her head and wiped her tears "No. You're right. This is our biggest break yet and I need to be professional about this."

"What if you just leave this to me? Ako na ang bahalang magdala ng tao natin and you can just work from the office?" suhestiyon ng kaibigan.

Sunod sunod ang iling na ginawa niya. "I thought about that but he clearly said he needs me to personally be there with you to oversee everything...from start to finish."

"Really? wow!" ani Mat na tila hindi makapaniwala. "Would it help if I try and talk to him?"

"I don't think so. I know him Mat, when he decides on something, he is hell bent on doing it and you couldn't change his mind"

"What can we do then?"

"Just go through the project as quickly as we could, I guess" sagot niyang sinabayan ng mahinang singhot.

Isang nakakaunawang tango ang naging sagot ni Mat.


That night, Cali tossed and turned in her bed ngunit tila mailap ang antok sa kanya. Sa bawat pagpikit ng kanyang mata ay ang binata ang gumuguhit sa kanyang balintataw. Naupo siya sa kama at isinandal ang likod sa headboard. She hugged her knees to her chest at idinukdok ang ulo doon.

Damn you Drake! Why did you have to show up again?! Kulang pa ba ang limang taon ng paghihirap ko nang dahil sa'yo?!

Hindi niya napigil ang pagkawala ng mga luha na kanina pa niya tinitimpi, kasabay ng pagbabalik ng mga ala-alang pilit niyang ibinaon sa limot sa nakalipas na mga taon...











"Hi beautiful!" Drake got out of his car at nilapitan si Calista na noon ay kalalabas lamang ng gate ng unibersidad. Sa kamay ng binata ay isang pumpon ng bulaklak.

"Drake! Ano'ng ginagawa mo dito?" Aniya na bakas ang pagkagulat sa mukha. She looked around at hindi siya nagkamali, ang karaniwan sa mga mag-aaral na babae ay nakapako ang mga mata sa kanila, ang ilan ay huminto pa sa paglakad upang hantaran silang tignan.

Minsan PaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon