Chapter 5

9 7 2
                                    

Pennywise

Marga's POV

Ngayon ko lang nakita na may pasa pala ako sa bandang gilid ng noo ko. Bwesit na Xandrix yun, nang-iwan pa ng marka sa katawan ko. Kainis!

Kasalukuyan akong nandito sa loob ng classroom namin ng biglang pumasok sina Xandrix kasama ang mga kaibigan niya. Dumaan sila sa gilid ko kaya binigyan ko sila ng masamang tingin.

Kasunod nama'ng dumating ang guro namin sa Arts na si Mr. Vargas na as usual naka-maong pants at black t-shirt parin.... Araw-araw ata may burol kila sir.

Good Morning class! ” Bati niya saamin.

Good Morning sir! ” Bati din namin sakanya.

Pumunta ito sa teacher's table niya at binuklat ang pagkakapal-kapal na libro namin sa Arts.

Kasing kapal ni Xandrix!

Ayun, discuss lang siya ng discuss about sa arts and crafts. May mga mahahalagang impormasyon din siya'ng sinusulat sa white board at sinusulat ko naman ito, mahirap na baka wala ako'ng pag-review-han pag-exam namin.

Taas pa naman ng pangarap ko. Basta sakin nalang yun.

Give atleast 1 thing you've scared of! ” Saad ni sir habang naglilibot-libot sa apat na sulok ng kwarto'ng ito.

Isa lang naman ang bagay na kinakatakutan ko.

Yes, Ms. Bartolome! ” Tawag ni sir sa isa sa mga classmate ko.

I hate cockroaches! ” Arte nitong saad at bakas pa sa mukha niya na nandidiri talaga ito sa ipis.

Sino nga ba naman ang hindi mandidiri sa ipis, ehh ang baho!

You Mr. Chen! ” Agad akong napalingon sa direksiyon niya at hinihintay ang isasagot niya.

Napatingin siya saakin at nginisian pa ako kaya ginantihan ko din siya ng irap.

Wala naman akong kinakatakutan sir actually, sila nga ang dapat na matakot saakin! ” Saad niya habang nakatingin sakin ng diretso.

Ako ba binabantaan niya?

Nag-nod nalang si sir at naglakad ulit. May tinanong ulit siya pero diko na pinakinggan dahil sa sinabing iyon ni Xandrix kumag.

It's your turn Ms. Benitez! ” Nasa harapan ko na si sir at hinihintay ang sagot ko.

Baka pagtawanan nila ako once malaman nila kung saan ako takot.

Ms. Benitez! ” Panggu-gulat sakin ni sir.

H-hmm! K-kay pennywise po sir! ” Utal na sagot ko.

Narinig ko ang mahinang mga hagikhik ng mga kaklase ko.

Sabi ko na 'ehh!

Seriously Ms. Benitez, takot ka sa clown na'yon? ” Natatawang tanong saakin ni Xandrix.

Ang pangit kaya ng mukha nun.

Ba't kayo tumatawa? May mga bagay naman talaga tayong kinakatakutan di'ba.? ” Inis na tanong ko. “ Tsaka anong paki-alam nyo kung takot ako kay pennywise! ” Mga bwesit!

Inirapan ko silang lahat. Bakit nung sinabi nila yung kinakatakutan nila, tinawanan ko ba sila? Tsaka takot talaga ako sa clown na pennywise na'yon.

Enough class. Nag-aaway na kayo! ” Saway ni Mr. Vargas.

Mabuti naman at naisipan niyang awatin kami.

My Schoolmate, My Enemy[On-Going]( Part One )Where stories live. Discover now