Chapter 14

2 3 2
                                    

Cutting Class

Marga's POV

Nasa kwarto ako at naghahalungkat ng pwede munang isuot pambaba dahil yung palda ko punit talaga at wala pa akong maipampapalit dun. Sa kakahalungkat ko, nakita ko ang maong pants ko dali dali ko namang itong sinuot dahil baka ma-late na naman ako sa klase ko.

Lumabas na ako sa aking kwarto at humarap sa salamin.

“ Oh ate, ba't dika nakasuot ng school uniform nyo? ” Takang tanong saakin ni Zeke habang inaayos nito ang butones ng polo niya.

“ Napunit kasi yung palda ko, nasabit sa upuan. ” Natatawa ko namang saad kay Zeke.

Sinakbit ko na ang aking bag at sabay na kami ni Zeke na lumabas. “ Ingat ka! ” Saad ko sakanya at nginitian niya lang ako.

San naba yun si Axel?

Iniisip ko parin talaga yung sinabi niya saakin kagabi. Hindi man naging maganda ang una naming pagkikita ni Axel pero masaya parin ako kasi nakilala ko siya, may kaibigan akong palaging nandito para saakin.

Naglalakad ako sa kalsada nang may pulubi akong nakita na nagbubungkal sa basurahan. Naghahanap ata ng makakain! Nilapitan ko ito at binigyan ng kaunting pera.

“ Bilhin mo yan ng pagkain mo 'a? ” Saad ko sakanya na nginitian niya naman sabay takbo palayo. It's better to give than to receive.

Natanaw ko naman ang paparating na kotse ni Axel. Huminto ito sa tapat ko at binuksan nito ang bintana at nginitian ako.

“ Pasok na, mali-late na tayo! ” Saad niya kaya mabilis naman na pumasok ako sa loob ng kotse niya. Araw araw niya nalang ako sinusundo at hinahatid, alam kung nakakahiya pero ayus nadin ito para makatipid sa pamasahe bagay na kailangan namin ni Zeke.

Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin nang biglang magsalita si Axel.

“ Nakita ko yun! ” Napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabi nito.

“ Alin? ”

“ Yung sa pulubi! ”

“ Ahh yun pala? I was just compassionate ” Saad ko habang nakangiti sakanya.

“ Ang bait mo talaga! ” Sabay hawak sa ulo ko kaya naman nagulo yung buhok ko.

“ Yun naman talaga ei. Kapag kailangan ng tulong, bakit hindi natin tulungan. Nakakaawa kasi siya kasi wala siyang makain ”  Mahaba kung saad sakanya na ikinangiti niya.

“ Ba't ka nakangiti? ” I pouted my lips to him. Acting like a kid. HAHA

“ Wala. I was just amaze to you ” Nakangiting saad niya at tumingin ulit sa dinadaanan.

Maawain lang kasi akong tao. Kapag may kailangan ng tulong hindi ako magdadalawang isip na tulungan ito lalo na kung kailangan talaga. Nakarating na kami sa Campus sa bumaba na.

Naglakad na kami ni Axel at napansin ko naman na nakatingin sila saakin. Ano bang problema? Nadaanan namin ang mga estudyanteng nasa may bench side at may narinig akong nakapag-pahinto saakin.

“ Ugly duckling! What's with her outfit she looks so cheap! ” Maarteng saad nung isang babaeng mukhang clown dahil sa make-up niyang sobrang kapal, kasing kapal ng pagmumukha niya.

Napakuyom ako ng aking kamao dahil sa inis sa babaeng yun. Swear, masasapak ko 'to ei. Nahalata naman ito ni Axel kaya bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinila na papalayo sa mga impaktang mga animal na 'yun.

My Schoolmate, My Enemy[On-Going]( Part One )Where stories live. Discover now