WS 8 ★Now I Understand★

1.3K 42 1
                                    

A/N: hindi ko po alam kung ano po nangyayari, pero nagkabaliktad po yung chapter 7 and 8.. sorry po basahin niyo po muna yung chapter 7 bago 8. Tingnan niyo lang po sa list of chapters para mahanap niyo ang chapter 7 then balik nalang kayo dito.

Einston POV

Habang sinisingil ako ni Crishane bigla nalang tumakbo si Sapphire.

"Oh!? Ba't tumakbo 'yun? Habulin mo dali!" Sabi ni crishane sa'kin.

"Sh*t! Kayo kasi eh! Sa harapan niya pa kayo naniningil sakin! Ano nalang isipin nun!" Habang kinakamot ko batok ko!

Aaaahhh! Para pa naman yun bata! Aish! Bwisit!

"Hala! Baka akala niya pinagpustahan ninyo siya kuya" sabi naman ng isang grade...? Ah ewan wala ako oras para diyan!

"Fvck!" Nasabi ko nalang ng naisipan kung sundan si Sapphire.

"Hoy! Huwag mong kalimutan yung akin ah!"

Ay potek nga naman tong si crishane oo!

Hindi ko nalang pinansin at lumabas na ng hall. Nagtanong tanong ako kung may nakakita ba kay sapphire, pero pag magtatanong naman sa mga babae tutunganga naman!

kainis! Mga pipi ba sila? Walang kwentang kausap

"Dre si Sapphire ba hinahanap mo?" Napalingon naman ako ng may biglang nagsalita sa likod ko isang lalaki

"Oo dre, nakita mo ba?"

"Oo nakita ko siyang umiiyak, papunta siya sa garden."

Nagthank you naman ako sa kanya agad at tumakbo ng mabilis. Narinig ko pang sumigaw siya pero hindi ko na pinakinggan..

Ng may naalala ako... anak ng tatlumpong baka naman oo! Maraming garden dito! Baka yun yung sinigaw kanina ng lalaki, aarrrg! Ba't hindi pinakinggan! Medyo may pagkaTANGA ka rin Einston no!

Una muna akong pumunta sa Selia Garden, then after that sa Bloss garden pero hindi ko sila nakita doon. Marami kasing garden dito and they have names according to there flowers daw. Yun sabi nila kaya maniwala na din kayo, but thats not important right now. We need to find Sapphire

Mga 5 na yung napuntahan kong garden pero wala parin! Wait! Sabi ko kanina according to there flowers so andun siya sa lagi kong tinatambayan! Sa Love garden!

Pagkadating ko do'n nakita ko siya nakangiti habang nikalaro sa mga butterflies. Nakaupo siya sa duyan then ang saya saya niya kasi ang ibang butterflies pumapatong sa kamay niya.

Nakita niya ako kaya lumapit na ako sa kanya at umipo sa tabi niya. Ngumiti lang siya saakin pero iba yung ngiti niya, napapnsin ko kanina pa na iba talaga sa dati niyang ngiti tuwing sinusundan ko siya.

"Sap.." tumingin siya sakin nakangiti parin pero may halong lungkot

"Yah! Einston, salamat sa pag-imbita sakin this prom night ah. Pero kung napipilitan kalang pwede naman na humanap ka ng iba diyan, madami diyan oh!" Tapos tumawa siya ng mahina, sabi na nga ba! Tama yung babaeng bata kanina baka iniisip nga nito na pinagpustahan siya.

"Ano kaba, bakit naman ako hahanap ng iba. Kaya nga ikaw tinanong ko kasi ikaw gusto kong kadate eh.."

Tumingin siya sakin tapos napansin kong namumula siya. Hahaha ang cute niya talaga! Umiwas naman siya ng tingin sakin.

"Eh bakit niyo ako pinagpustahan?" Malungkot niyang sabi.

Boom! Sabi na nga ba, ito iniisip ng babaeng ito!

"Anong pinagpustahan?"

"Kanina.. sinisingil ka nila, siguro sabi mo sa kanila na hindi mo ako mapapasagot iyon pala napasagot mo ako kaya natalo ka sa pustahan"

Napapansin kong umiiyak na siya. Aish! Retard din ito eh.

"Ano ka ba.. mali iniisip mo..ano kasi...ahm.."

Nahihiya akong sabihin sa kanya yung dahilan, paano ko ba sasabihin 'to?

"Alam kung mahirap sabihin Einston. Alam mo naman na *hik* na.. matagal na kitang crush di-- *hik* diba? Kaya nasaktan talaga ako Einston. Sana hindi mo *hik* nalang ako pinaasa, kasi umasa ako eh.."

Takte! Ayaw ko sa lahat yung nakikita ang babaeng gusto ko na umiiyak! Ng dahil pa saakin. Parang sa nakikita ko ngayon, hindi ko masasabing gusto ko si Sapphire dahil sigurado na ako. Mahal ko na siya, mahal ko na si Sapphire.

"Sapphire naman huwag kang umiyak please?"

Ano ba 'yan para akong bakla! Pinahid ko yung mga luhang umaagos sa pisngi niya.

Hindi siya nagsalita bagkot tinanggal niya yung kamay ko sa mukha ko.

"Huwag mo akong hawakan Einston. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko, dahil noon palang hindi na kita gusto!"

OUCH

Hindi ko namalayan may tumulong luha sa mga pisngi ko.

Ang sakit, ngayon ko lang 'to naramdaman. Ngayon lang, ang sakit sakit

:'( wala akong pakialam na sabihin nilang bakla ako dahil sa umiyak ako.

"Sap.. mag-eexplaine ako. Pakinggan mo naman please"

Hinawakan ko kamay niya, pero iniwakli niya iyon.

"Sap naman naiiyak na ako oh! Sinisingil nila ako kasi...nagpatulong kasi ako para magawa itong planong ito, yun lang"

Mukha naman siyang nagulat, tapos bumilog pa yung mata.

"Ta-talaga...!? *pout*"

Sh*t ang cute niya talaga!

I nodded then pinahidan ang luhang natitira sa pingi niya, natawa nalang ako kasi para talaga s'yang bata.

Sapphire POV

Waaaaaah! Nakakahiya! Bakit may paiyak iyak ka pa kasing nalalaman Sapphire!

Ayun tuloy, pinakilig nanaman ako ni Einston ko.. hihihihi ok na din yun :D

"Ah.. Einston,.... waaaaah sorry talaga sa nagawa at nasabi ko sayo, hindi ko iyon sinasadya. Promise!"

Natawa naman siya ng mahina, OH MY SH*TNESSSS! ang sexy ng pagtawa niya! ^///////^

Eeeeeeeh! Einston, why are you making me always kilig!

LOL

at nag-effort pa talaga siya para mapasagot ako ha! Kung makagamit ng 'mapasagot' parang nililigawan eh noh!

And now i understand him :)

Wrong Send (SHORT STORY)Where stories live. Discover now