WS 9 ★The Prom Night (part 1)★

1.4K 49 1
                                    

Sapphire POV

Andito kami sa mall oo kami kasama ko si Crishane. Pa'no ba naman kasi! Siya daw pipili ng susuotin ko for prom!

Tapos ang mga pinipili niya pa, parang hindi naman bagay saakin! Kainis kasi, pagnakakakita si Crishane ng damit na maganda pinapasukat niya agad saakin.

Eh sa manikin lang bagay yung mga damit na pinapasukat niya saakin eh.

"Sige na Sapphire, pumasok ka na doon at isukat muna 'yan..dali na.."

Tinulak tulak naman ako ni Crishane, waaaah pagod na ako sa kakasukat! Tomorrow na yung prom pero wala pa din kaming napipili.

"Ayoko na Crish..pagod na ako, hindi ba pwedeng magvarsity nalang ako pumunta doon! Dami pang arte eh!"

*PAAAAK*

"Aray ko naman crish, sakit non ha!"

Sabay hawak sa batok ko, binatukan ba naman ako!

"Sira ka talaga, magvavarsity ka sa prom!? Ikaw na ang queen niyan! Promise! Queen of basketball"

Tumawa naman yung saleslady na nakabitbit ng iba pang damit.

"Girl! Prom iyun, you need to be pretty and sexy para ikaw ang queen for the night not queen for the basketball. Kaya dali na isukat mo na iyan!"

Wala naman akong nagawa kaya sinukat ko na rin. Nakailang sukat na ako pero wala parin!

"Ayoko ko na suko na ako! Ayoko na talaga!" Sabay upo

"Ayaw mo na talaga?" Seryosong sabi ni crishane, hindi naman ako sumagot dahil hindi ko alam na oo o hindi ba dapat ang isasagot ko.

"Paano 'yan kung ayaw mo na..sayang yung effort ni Einston. Baka may iba siyang ka date sa gabi na iyan, gwapo pa naman si Einston sure ako madaming ba---"

I cut her off. Waaaaah my Einston!

"Oo na! Akin na magsusukat na ako!"

Sayang kaya yung effort ni Einston ko, oo nag-effort talaga siya! Sabi nga nila sweet words can make you smile, but efforts can make you feel special.

Naturingan na! Special ako!? Weh? LoL

Nagsukat pa ako ng nagsukat at mabuti naman at nakapili na kami! Nag sleep over nalang si Crishane sa bahay. Siya na daw bahala sa make-up artist namin.

KINABUKASAN

*BAAANNNGGGG*

"AAAAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!!" Me while my eyes and mouth open widen.

"BWAHAHAHHAHAHAHA.... kung...hahahaha, kung nakita mo lang mukha mo sap. Hahahaha nakakatawa! Wahahahaha--"

Binato ko naman siya ng unan.

"Waaaaaah! Bwisit ka crishane! Bakit mo dinala yung mga kaldero dito at tinapon sa sahig! Nakakagulat 'yun ah.. *pout*"

"Hahahaha sorry naman hahahaha, alas 10 na kaya! At aber magreready pa tayo for prom later!"

"Kailan ba magsisimula yung prom?"

Sabay kamot sa ulo! NOTE wala akong kuto ah! Amp!

"7 ata?"

"Ay letse! 7 pa pala eh! Tapos alas 10 pa ngayon! Labas, matutulog ulit ako!"

Hindi naman siya sumagot at nagtalukbo na ako ng habol ko.

Mabuti naman at umalis na siya :D

"Aaaaahhhh!" Sigaw ko ulit, paano ba naman kasi, hinila niya ako mula sa kama kaya nahulog tuloy ako. Aray ko sakit ah!

Wrong Send (SHORT STORY)Where stories live. Discover now