Chapter Four: Squad Search
"Allison!" Napatingin ako sa may Pintuan ng Classroom at nakita ko si Neon na masayang kumakaway sa akin kaya napabuntong hininga nalang ako dahil naririnig ko dito ang bulungan ng mga bubuyog kong kaklase.
Hindi naman ako nahirapan hanapin ang classroom namin dahil may mapa sa Bulletin Board plus nakita ko na ang mga building na ito kahapon ng inilibot ako ni Neon.
Inayos ko na dalawang librong naka kalat sa lamesa ko at tumayo na, naramdaman kong may nakatingin sakin kaya iniikot ko ang paningin ko. Maliban kasi sa mukhang Fans Club ni Neon ay may isa pang Grupo ng mga Weird na students dito.
Paano ko nasabi? Well sila lang naman yung mga walang modong pumasok ng late kanina sa klase na halos yukuin ng mga kaklase ko sa hindi malamang dahilan, at ang malupit pa kanina pa ng dumating sila ay tinatapunan na nila ako ng mapanuring tingin.
Hindi ko alam pero naiinis ako at nag eenjoy sa pag stay ko dito kahit na mga Spoiled at Weird students ang nakikilala ko sa bawat minutong lumilipas.
Tumayo na ako bitbit ang dalawang Libro at tumungo sa pinto kung saan nakatayo si Neon, tapos na naman kasi ang Morning Classes at mamaya na ulit 2 ang susunod na klase.
"Tara lunch tayo!" Pag-aya niya at kinuha ang dalawang librong hawak ko. Tumango nalang ako sa kanya bilang sagot at sumunod sa kanya.
"Neon may ipapagawa ako sayo" wika ko sa kanya habang nag lalakad kami sa Corridor papuntang Caf.
"Huh?" Nagtatakang tanong niya at sinulyapan lang ako ng tingin sa gilid, kinuha ko ang Cellphone ko at sinend sa kanya ang mga listahan ng pwedeng maging Condictor ko at Assecla.
Naisip ko kasi kanina na mahihirapan akong mamili at maghanap ng estudyante dito, and since si Neon naman ang Protego ko, at siya ang SC President pwede niya ako matulungan.
"Help me to choose kung sino ang pwede kong maging Assecla and Condictor, na send ko na sayo yung List. Help me to choose nalang since kilala mo naman siguro ang mga students dito"
Pagpapaliwanag ko na tinanguan naman niya.
Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating sa Cafeteria at marami na ang estudyanteng nandito kesa kaninang umaga.
Umupo na ako sa pandalawahang upuan sa may gitnang parte ng Cafeteria, sinabi ko lang sa kanya kung ano ang gusto kong kainin at siya na ang umorder.
Tahimik lang akong nakaupo at pinagmamasdan ang mga estudyante sa paligid dahil baka makakita ako ng isang potential Condictor or Assecla dito ng padabog na bumukas ang pinto ng cafeteria at iniluwa noon yung weird na grupo na kasama ko sa mga Subjects ko kanina.
Natahimik naman bigla ang mga estudyanteng kaninang nag dadaldalan ng pumasok sila at lahat ng madadaanan nilang mga estudyante ay na-yuko ng marahan kaya napataas ang kilay ko.
Dalawang babae at Tatlong lalaki ang bumubuo sa weird nilang grupo, lahat sila ay magaganda at gwapo. Yung dalawang babae naman kasi ay minimal lang ang makeup sa mukha at maganda ang kurba ng katawan na halatang halata sa uniform, maiksi nga lang ang palda nung isa na mukhang mataray.
Yung tatlong lalaki naman ay mga Gwapo din pero iba iba ang aura nila, yung isa ay Jolly at mukhang Happy Go Lucky samantalang yung dalawa naman ay masyadong stern ang pagmumukha.
"Hey" napaalis ang tingin ko sa grupo na iyon ng dumating si Neon bit bit ang inorder niyang pagkain para saming dalawa.
"Neon sino yung mga weird na grupong yun?" Pag-uusisa ko sa kanya at itinuro ang weird na grupong kapapasok lang kanina.
YOU ARE READING
Legendary Assassin (Completed) [Under Revision]
RomanceStuck between The Law and The Underground, The Future Empress of an Empire that is known for being gorgeous, fearless, and calm. What will happen if she meets the 'Atrocious leader' of the Men in Black? Stuck between Past and Present, the Atrocious...