Chapter 14

27 7 0
                                    


Chapter 14
Azzy's Point of View


          "Seryoso ka? Maid ka na ngayon sa mansyon nila? Kaya pala di kita nakita sa inyo kagabi." Pagchichika namin ni Jecca habang kami'y naglalakad papunta sa cafeteria.



"Yaz ghorl! Dun na ako tumitira pansamantala. Nagsisilbi din itong part time job ko. Ito yung matagal ko nang hinahanap para makatulong kay mama sa mga gastusin namin." Sagot ko kay Jecca at napangiti naman siya.



"Buti nalang at ang bait ni Axiel nu! Kahit na ninakawan natin siya ng cellphone at pera, di parin niya tayo pinakulong." Sambit ni Jecca.




"Sana sinabi mo sa akin na alam niya na pala na tayo yung mga snatcher para mapagtulungan nating bayaran yung nanakaw natin sa kanila. Naging alipin ka tuloy ni Axiel." Nalulungkot na dagdag ni Jecca at napailing na lamang ako sa kanya.





"Plano ko naman talaga yun kaya wala ka talagang kasali sa gulong ito ghorl. Saka ayos lang! Kayang-kaya ko naman tu, alam mo naman kung gano katigas ang mga Bato diba?" Ngisi kong sabi at napangiti naman si Jecca sa akin.





Nang marating namin ang cafeteria ay tumambad naman sa amin yung magpipinsan na pinagkukumpulan at pinagtutulungan ng mga babaeng estudyante at mga baklang nandito.




"HEY AZZY!"

"HEY DUMB!"

Sabay na sigaw nina Oxy at Ax sa akin at napalingon naman sa akin yung mga babae at bakla saka nila ako tinitigan mula ulo hangang paa. Tinignan naman nila ako nang parang nandidiring tingin at napaikot na lamang ako sa kanilang mata.




Heh! Mga inggiterang froglets!






Ngumiti na lamang ako kina Oxy saka kami lumapit sa kanilang puwesto. Hinawi ko naman ang buhok ko saka kami sabay na naupo ni Jecca kasama ang magpipinsan.





Nagsialisan naman yung mga froglets at parang nagtsitsismisan na agad sa kabilang puwesto. Di ko na lamang pinansin ang mga echoserang frog at napalingon nalang ako kina Oxy nang tawagin niya ako bigla,




"Ah here's your food Azzy and Jecca! Libre ko yan sa inyo." Ngiting wika ni Oxy at napangiti naman kaming dalawa ni Jecca. Kaya gustong-gusto ko itong si Oxy eh! Napakabait tas nanlilibre pa!






"Thank you!" Sabay naming pasasalamat ni Jecca saka kami nagsimulang lumamon. Kanina pa kasi tumutunog tung kalamnan naming dalawa.






"Oy di ko kilala tu ah! Kaibigan mo ba tu Azzy?" Tanong ni Elios sabay turo kay Jecca. Napatango naman ako kaagad sa kanya.




"Oo! Pinsan ko siya, siya si Jecca. Ghorl, si Elios nga pala saka si Marion." Pagpapakilala ko sabay turo kina Elios at Marion. Napatango-tango na lamang si Jecca saka naman siya ngumiti kay Elios.





"Hi Elios, Hi Marion! It's nice meeting you." Napangisi naman si Elios kay Jecca habang si Marion naman ay tumango lang saka niya binaling ang atensyon niya sa kanyang laptop.




"It's nice meeting you too Jecca. Alam mo bang JECCA MAGSISISI pag maging akin ka hehehe." Napangiwi naman kaming lahat sa kakornihan nitong si Elios.




"Hoy pinsan ko tu ha! Wag kang humarot-harot diyan. Dapat dadaan ka muna sa akin." Maangas kong banta kay Elios at ngumisi naman siya sa akin.




"Pagkatapos kong dumaan sayo? Pwede ko na bang ipasok---pumasok sa buhay ni Jecca?" Shuta ang Elios na tu ah! Kakakilala lang nila nitong pinsan ko, ang harot agad!




THE SNATCHER MEETS THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon