Chapter 18

20 5 2
                                    


Chapter 18
Azzy's Point of View



        "Hey, what are you two doing in there?" Agad kong hiniwalay ang kamay ko kay Oxy nang biglang sumulpot si Elios na may dalang salbabida.




"Bilisan niyo! Naghihintay na sina master dun!" Napatango nalang kami saka kami naglakad papunta sa pool. Shuta...naiilang na akong lumingon kay Oxy. Tahimik lang kaming naglalakad, pagdating namin ay bumungad naman sa amin ang malawak na swimming pool.




Lumapit kaagad si Axiel na nakangiti ng malapad. Hinawakan niya ang kamay ko at napansin ko namang napasulyap si Oxy sa kamay namin ni Axiel.





"Let's go baby." Hinila naman ako kaagad ni Axiel sa dulo ng pool saka kami naupo doon. Dumating naman si Jupiter na nakabikini na may pares na shades at hat.



Maganda naman yung katawan niya saka may kurba kaso yung mukha...yung mukha lang talaga ang problema!




"AXY! WHAT DO YOU THINK OF MY BIKINI?" Sigaw ni Jupiter kay Axiel at di man lang siya binalingan ng tingin ni Axiel.





Nagsimula namang maghubad sina Elios, Marion at Phyton saka sila nagsilangoyan sa pool. Ang gaganda ng mga katawan nila goodness! Parang nasa heaven nako habang nakatitig sa mga abs nila. Shuta sanaoil!





Sunod namang naghubad si Oxy at napalunok naman ako sa aking laway habang dahan-dahan niyang tinaas at hinubad ang suot niyang shirt. A-ang ganda din ng katawan niya. Di ko tuloy mapigilang mapalunok ulit sa aking laway.





Nagulat naman ako nang lumingon sa akin si Oxy. Agad naman ako umiwas ng tingin sa kanya saka ako lumingon-lingon dito sa paligid na parang tanga.




Lumingon nalang ako kay Axiel na linalaro ang tubig ng pool gamit ang paa niya.




"Ayaw mo maligo?" Tanong ko sa kanya saka siya napasulyap sa akin.



"Why? Gusto mo ulit makita katawan ko?" Nakangisi niyang tukso at napairap nalang ako sa animal na tu.




"Ang gago mo talaga Axiel! Sana mabuhay ka pa ng ilang taon." Sarkastiko kong sabi at bahagya namang natawa si Axiel sa akin.



"Ayaw ko maligo pag ayaw mo." Napangiwi naman ako sa kanyang sinabi.


"Ideya mo tu tas ayaw mo? Tsaka wala akong plano maligo nu!"



"Wala pala huh..." Napataas naman kilay ko nang ngumisi siya ng nakakaloko sa akin. Nagulat naman ako nang bigla niya akong tinulak papunta sa pool.



TANGINANG AXIEL! NAPAKA-ANIMAL TALAGA!


"POTANGINA KA TALAGA ANIMAL!" Naiiritang sabi ko habang inaayos ko ang basa kong buhok habang ako'y palutang-lutang dito sa swimming pool.



"Hahaha! Sorry baby!" Hagikgik niya at napairap nalang ako sa gago.



Tumayo naman siya saka niya dahan-dahang hinubad ang pang-itaas niya. Kahit ilang beses ko na nakita ang katawan ng animal na tu, di ko parin mapigilang mapalunok sa aking laway dahil sa six pack niya. Maghad!




Agad siyang bumaba dito sa pool. Napalingon naman ako kay Oxy at nagtama agad ang aming mata. Umiwas nalang ako kaagad sa titig niya. Ewan pero naiilang na ako sa kanya.


Hindi parin matanggal sa isip ko ang inamin niya sa akin. Sa katunayan, ito yung patuloy na umiikot sa isip ko ngayon.


Bakit gusto niya ako?


THE SNATCHER MEETS THE GANGSTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon