the dreamer

87 5 1
                                    

Bartolome

Alam ni Bartolome na ilang buwan o taon siyang hindi makakapaglaro sa court. Base sa tingin ng doktor niya sa MRI niya, mukhang hindi maganda ang resulta ng tuhod niya.

Mula sa pagkakatalon habang nirerebound ang bola nung practice game nila, bumagsak ang paa ni Bartolome at umikot ang kanyang tuhod na nasundan ng 'pop' na tunog. Indikasyon na may naputol na litid.

Mangiyakngiyak siya sa sakit dahil pakiramdam niya may dumudurog sa bahagi doon. Hindi niya din magalaw ng maayos lalo na't mas tumitindi ang sakit nito kapag nagagalaw.

Mabuti na lang naidala siya sa kaagad sa ospital.

Kailangan natin maoperahan ang tuhod mo Bartolome. Kukuha tayo ng litid mula sa bahagi ng ibang muscles mo na ipapalit natin sa naputol sa tuhod mo, paliwanag ng doktor sa kanya.

Hindi maintindihan ni Bartolome ang mga sinasabi nito. Ngunit iisa lang ang nasa isipan niya, kung makakapaglaro pa ba siya?

Ilang taon po, dok? tanong niya sa doktor. Alam niyang naiintindihan siya nito.

Ngumiti ng malungkot ang doktor niya, Maaaring umabot ng anim na buwan hanggang taon depende sa magiging katayuan mo habang nagpapa-Physical Therapy ka. Maoobserbahan ka at malalaman natin kung kailan.

Sapat na itong sagot sa kanya ng kanyang doktor. Naiintindihan niya dahil madaming NBA player din ang nagkaroon ng ganitong klaseng ACL injury. Alam niya na isa ito sa mga iniiwasan na maranasan ng mga kagaya niyang basketball player. Ngunit minalas yata siya kaya ganon na lamang ang sinapit ng tuhod niya.

Malas.

Napakamalas.

Dito na nga lang siya umaasa dahil ito ang pangarap niya, naudlot pa dahil sa walang kwentang injury na ito.

Tapos na ang operasyon sa kanya at hinihintay na lang na maghilom ang tuhod niya. May suot siyang brace para maiwasang magalaw ang bagong opera na tuhod.

Napabuntong hininga si Bartolome.

Paano na lang si Shaun?

Paano na lang ang lingguhan na pagpunta nila sa Luneta para maigala ang kapatid niya?

Mayroon kasing Austism si Shaun at hirap itong makihalubilo sa ibang mga tao. Madalas nabubully ito lalo na sa mga taong mababaw ang pananaw.

Siya namang pasok ni Shaun sa kwarto niya. Ngumiti ito ngunit nawala rin agad.

"Kuya? Okay ka?" tanong sa kanya ni Shaun, malayo ang tingin. Napangiti si Bartolome, dahil mahal na mahal niya itong kapatid niya.

"Okay na okay si Kuya. Halika nga dito," pagyaya niya sa kapatid niya. Sumunod naman ito at tumabi sa kanya sa kama.

Yinakap niya ito, hinayaan lang siya ng kapatid niya.

"Gusto mo bang kantahan ka ni Kuya?" tanong ni Bartolome sa kapatid niya.

"O-okay," pautal na tugon ng kapatid niya.

Kinuha ni Bartolome ang gitara sa tabi ng kama niya.

Nagsimula na siyang mag strum ng gitara at kumanta.

Minsan sa pagkanta niya nakukuha ang pagkalma sa sarili. Noon kasi tatay nila ang madalas kumanta para sa kanila. Ngayong nagtatrabaho ito sa ibang bansa, silang dalawa na lang magkapatid ang magkasama.

Hindi yata kaya ni Bartolome na iwanan ang kapatid niya.

Wala na nga siyang planong mag-asawa para maalagaan ito.

Lumingon siya sa kapatid niya na ginagalaw pagilid ang ulo habang sinasabayan ang kanta niya.

Napangiti si Bartolome.

Gagawin niya ang lahat para parati itong masaya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DREAMBOY (BL)Where stories live. Discover now