SHACKLED 5

1.7K 57 4
                                    

"Hala, kanina pa ba kayo?" sabi ng kakarating lang na si George. Tinignan ko siya ng masama dahil kanina pa namin siya hinihintay, gusto daw kasi niya sabay-sabay kami kaya hindi muna kami um-order ng kahit ano.

"Jusko day, di nakakatakot. Nagpass ako ng sandamakmak na requirements para sa back subject ko." nakaupo na siya ngayon sa tabi ko.

Kasama naming nag-lunch si Travis dahil si Benedict lang daw ang kakilala niya since tranferee siya.

Rectangular yung lamesa at katapat ko si Ben, si George naman ay si Travis. Nagulat pa nga si George nang makita si Travis.

"Hindi naman ako na-inform na may kasama pala tayong masa---" hindi ko na hinayaang matapos niya ang sasabihin niya at sinupalpalan ko ng tissue ang bibig niya.

Hindi naman siya naawat at nag-pakilala pa. Umorder na sila Ben at George dahil treat daw nila. Tahimik lang kami ni Travis kaya ako na naunang mag-salita.

"Paano kayo nag-kakilala ni Ben?"

"We're elementary classmates." Tumango tango ako at pag katapos non ay tahimik nalang kami ulit.

Buti nalang dumating na sila Ben kaya medyo gumaan na ang atmosphere.

Habang kumakain kami ay napapansin kong kanina pako sinusulyapan ni Travis habang sina Ben at George naman ay patagong tumatawa.

"Bakit?" Tanong ko sakanila habang ngumunguya. "Wala." Natatawang sabi ni Ben. Napa-smile din si Travis kaya tumigil nako kakanguya at tinignan sila ng masama.

"Ang cute mo." Sabi ni Travis at kinuha ang panyo niya para pumasan ang gilid ng labi ko. "Anong cute? Baka dugyot pare." Sabi naman ni Ben. Natawa lalo sila George pero hinayaan ko na lang.

After ng lunch ay nag-hiwahiwalay na kami para pumasok sa kaniya kaniya naming klase.

Kasama ko ngayon si George dahil nga magkaklase kami. Isang subject lang ang meron kami ng afternoon for today, actually MWF. Yun din yung mga araw na itetake ni bekla ang P. E. subject niya.

Pagkapasok namin sa classroom ay nag-iingay ang mga kaklase namin. "UWIAN NA!" sigaw nung isa. "Bakit? Anyare?" Tanong ni George dun sa kaklase naming nakasalubong namin. "Wala si Mr. Guerrero, may seminar na in-attend'an." He said then nilampasan na niya kami, excited umuwi.

Nakisaya na din kami ng malaman yon at nagmamadaling lumabas para gumala sana, pero may klase pa mamaya si George.

Napagpasyahan naming tumambay muna sa picnic ground dito sa school.

Napapaligiran ito ng iba't ibang uri ng mga bulaklak at sa gitna ay may fountain. May mga bench din at dahil tanghaling tapat, sa mapunong part kami tumambay.

Nakaupo kami sa damuhan habang kumakain ng snacks.

"Type ka nun dzai." biglang sabi ni George. "Sino?" Naguguluhang tanong ko naman. "Si Fafa Travis." maikli niyang sabi dahil lafang siya ng lafang.

"Hoy baliw ka, hindi siguro. Pero, paano mo nasabi?" Natawa naman si bekla sa tanong ko. " Ay bakit curious? Ikaw ah." pang-aasar niya kaya todo deny naman ako. "Pero pa'no mo nga nasabi baks, dali na." Umupo naman siya ng diretso para sagutin ang tanong ko.

"Wala na-feel ko lang." sabi niya. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi niya nung high school. Ganiyang-ganiyan din nung una naming nakilala si Ben.

"Yan din sinabi mo about kay Ben noon, pero friends lang sabi niya. Baka ganun din kay Travis." sabi ko sabay inom sa dala kong juice. "Hindi baks, iba 'to promise." Sabi niya naman.

"Mas malagkit yung tingin ni Travis." dagdag niya, binatukan ko siya dahil sa gulat. "Abnoy kaba? Kanina assumera ka ngayon green minded kana. Tigilan mo na 'yan baka san pa mapadpad." sabi ko naman.

SHACKLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon