SHACKLED 21

521 25 9
                                    

"You want us to share a room?" Pag-kumpirma ko. "Oo sana." Gabby said.

Yes or no? Pag um-oo ako makakasama ko siyang matulog for two nights. Pag nag-no ako, iisipin nilang bitter pa 'ko. Paniguradong aasarin nanaman nila ako.

Sa isang room naman ay dalawa ang higaan.

"Sino ba 'yung dadating?" Tanong ko.

Baka pwedeng 'yung isa nalang ka-share ko if ever.

"It's my uncles from the US." She said. Uncles? So I don't even have a choice. Nakakahiya din if mag-hihindi ako. Tito niya 'yon.

Si George. "Sinong ka-share ni George?" Tanong ko.

"George said that he'll not spend the night here sa hotel. Sa parents daw ng jowa niya siya makikitulog." Sabi ni Ben.

Haay. What the heck is happening?

Kung lilipat naman ako ng hotel, hassle pa tapos mapapalayo pa 'ko.

"Wala namang malisya, share lang kayo ng room." Ben said. Anong wala, mag-ex kami hello.

"Okay." I said. Wala naman akong magagawa. Nakakahiya din kasi libre lang naman.

Napatingin si Travis bigla sa 'kin at gulat na gulat.

"You're agreeing with this?" He sounds as if he's hearing something impossible.

"Oo, bakit? Ayaw mo ba? " Tanong ko ng nakakunot ang noo. Ayaw ko rin but it seems like he's confident that I'll say no.

"Baka nahihiya siya." Gabby said and then she giggled.

"Of course not, Gab. Nagulat lang ako." Inis niyang sabi. Tss.

"Okay, so we're settled. Sino ang lilipat sa kaninong room?" Tanong ni Gab.

"Where's your room's balcony facing?" Tanong ko.

"The west. " He shortly answer. Magaganda 'yung room sa west sabi ni Google. Nag-research ako about sa hotel. Dun din sunset kaya deal.

"I'll move to his room. " I said.

"Are you sure? " Travis asked with a sly smirked on his face.

"Hey. Don't do something silly." Ben said. "Tara, Aira. We'll help you move your things."

Hinila na ako ni Gabby papunta sa kwarto ko para kunin mga gamit ko.

Nagulat ako dahil may dalawang matandang lalaki sa harap ng pinto. Must be Gabby's uncles.

Bumati ako sakanila at muntik na kong mag-nose bleed. Akala ko mauubusan ako ng English.

Tumulong din kaming tatlo nq ayusin 'yung mga gamit nila dahil andami pala nilang dala.

After that, we left the room and went to Travis' room.

"Ah, Aira. We need to go sa rooftop may aayusin lang kami. Can you go alone?" Sabi ni Ben pag-kalabas ko ng elevator.

"Oo naman. Good ahead and do your thing. I can handle myself." I said as I waved them goodbye.

Kumatok ako dahil wala pa akong key access sa kwartong 'to.

Biglang bumukas ang pinto at tumambad sa 'king ang bagong ligong si Travis. He's hair is wet and he's topless. He's wearing a black jogging pants and there's a towel on his shoulder.

"Come in." Masungit niyang sabi kaya naman pumasok na ako. Shet ano 'yon? Haha.

Bakit parang mas malaki 'tong kwarto niya? May sarili pa siyang mini-kitchen and sala. Pero bakit parang dalawa lang 'yung pintuan sa loob?

SHACKLEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon