Chapter 38

6.1K 396 135
                                    

Sign

Ibinaba ako sa harap ng Ambrosio Tower kung nasaan ang penthouse ni Poseidon. Lakad-takbo ang ginawa ko papasok at napansin ko pa na pinagtitinginan ako ng mga naroon. Papunta na ako sa sulok kung nasaan ang elevator na para sa mga VIP nang may humarang sa daan ko, galing sa gilid. Binagalan ko ang lakad para hindi kami magkabangga.

"Good morning. Nasa penthouse niya ba si Poseidon?" narinig ko ang mahinhin niyang boses.

Kumunot ang noo ko nang marinig ang binanggit niyang pangalan at tuluyan ng napahinto saka siya pinagmasdan na kinakausap ang empleyado na malapit sa elevator. Napangiti ang staff at bahagyang yumuko sa babae.

"Opo, Ma'am, Persephone. Medyo kanina pa. Bibisita po pala kayo ulit!"

Napahakbang ako nang isa para mas mapagmasdan siya. Kilala niya si Poseidon?

Napalingon siya sa akin at ang napakaamo niyang mukha ang sumalubong sa akin. Nakalugay ang mahaba niyang buhok na kulay golden brown. Dahil sa maliit niyang mukha at bilugang berdeng mga mata ay nagmukha siyang manika. Ngumiti siya sa akin.

"Sasakay ka rin ba? I'm going to the top floor, how about you?" tanong niya.

Napakurap ako at hindi na nakapagsalita. Umiling ako habang tila may mabigat na dumagan sa dibdib ko.

Ang ganda-ganda niya, parang mahiwagang nilalang. Ang pananamit ay sopistikada at ang mukha ay napakaamo. Tila diwata siya sa suot na kulay puti na dress.

"Okay," aniya at nilingon muli ang empleyado. "I'm going. Kanina pa ako hinihintay ni Poseidon."

Nanigas lang ako habang pinapanood ang elevator na sumara. Si Poseidon ang pupuntahan niya, sigurado ako. Imposible naman na coincidence ang pangalan pati ang floor ng pupuntahan niya.

"Lagi ba siya rito?" mahina kong tanong.

Napalingon sa akin ang staff na tila kinikilig na tumango. "Opo. Girlfriend yata 'yan ni Sir Poseidon kasi lagi siyang bumibisita kay Sir. Ang ganda-ganda, parang diyosa! Bagay sila."

Tumango ako at tinalikuran na siya. Ilang hakbang ko palayo ay blangko ang isip ko. Lumabas ako sa building at napahawak sa may dibdib. Hindi ko alam ang dapat maramdaman.

Magkaibigan ba sila? Siguro naman ay may maayos na paliwanag sa akin si Poseidon?

Nagtagis ang bagang ko at napapikit sa sakit na nararamdaman. Ano naman ang gagawin nila do'n ngayon? Kaya ba ayaw niya ako pasamahin kanina para sa oras nila? At kung hindi ako pumunta rito ngayon, hindi ko malalaman.

Umiling-iling ako bago nagmulat at inalis 'yon sa isipan ko. Anak ko muna ang iisipin ko. Pero ano ang gagawin ko ngayon?

Napasinghap ako, parang anumang saglit ay mawawala na ako sa katinuan. Naghahalo ang iniisip ko, tungkol kay Azul, pati sa babae na 'yon at kay Poseidon.

Malapit na akong mag-breakdown sa may parking lot at may pumatak ng mga luha nang may mag-abot sa akin ng itim na panyo. Napatingala ako sa lalakeng nakatayo sa harap ko at halos mapangiwi sa nakita.

Tirik na tirik ang araw tapos ang lalake na nag-aabot sa akin ng panyo ay naka-all black. Itim ang panloob, pati ang coat, ang slacks, at sapatos. Idagdag mo pa ang buhok niya at mga mata na itim na itim rin. Tapos ang balat niya ay napakaputi, akala mo bampira. Ngayon, ang pisngi niya ay bahagyang namumula malamang dahil sa init.

"Accept it," malamig na saad niya.

Tinanggap ko 'yon at agad na tinuyo ang luha. Naabutan ko siya na tiningala ang Ambrosio Tower saka umigting ang panga. Halos mapanganga ako nang mag-sink in sa akin kung gaano siya kagwapo.

Lord Series #2: DrownedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon