Chapter 33

1.3K 67 34
                                    

I have a surprise within the chapter, stay tuned!

Chapter 33

Grounded ako dahil sinabi ni Ice kay Kuya Fifth ang nangyari. Galit na galit si Kuya, lalo na dahil idiniin pa ni Ice na bad influence ang mga kaibigan ko lalo na si Calvin. Lalo lang din akong nagalit sa kaniya dahil sa ginawa niya. I prepared myself for the consequence of what I've done pero sana hindi niya na idinamay pa si Calvin.

Kuya Fifth took my gadgets away so I'd stop communicating with my friends too. Kung may school work ay kailangan ko pang magdala ng kaklase para sabihin mismo sa bodyguard na may gagawin nga. Condo at school lang ako at lalo lang akong nairita sa sitwasyon ko.

"I really need to do my homework in the library, I need computer! Kinuha ni Kuya ang laptop ko diba?" Iritado na ako sa bodyguard ko na gusto na akong iuwi dahil tapos na ang klase.

"Miss Coleen pasensya na po pero--"

"So hindi na ako gagawa ng assignments? I don't have any means if I do it at home!"

"Miss pasensya na po talaga--"

"Why don't you call Kuya and tell him!" I yelled.

Naagaw ko ang atensyon ng ilang estudyanteng nasa parking lot kaya lalo lang ako nairita. Gusto ko nang maiyak sa sobrang iritasyon and it's that time of the month and I'm freakin' near my outburst.

"Tatawagan ko po ang Kuya--"

"Huwag na! I won't do my assignments anymore, edi bahala na kung bumagsak!" Sabi ko bago siya tinalikuran.

Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan at nang nakasakay ay pabagsak ko ring isinara iyon. I'm too pissed, halata sa bodyguard na nagulat siya sa inasal ko pero inirapan ko lang sila ng driver.

Nang nakarating sa basement parking ng condo ay hindi ko na rin hinintay na pagbuksan ako at nagdadabog na akong bumaba ng sasakyan. Lalo pa yata akong nairita nang nakita si Ice doon, gwapong-gwapong nakasandal sa kotse niya at naka-shades pa. I rolled my eyes heavenwards and ignored him.

Dire-diretso ako sa elevator at sumunod agad siya. Nang tumapak siya sa loob ng elevator ay tumaas agad ang kilay ko.

"Umalis ka nga, ayaw kitang makasabay sa elevator."

Hindi ko alam kung sineseryoso ba ng lalaking ito ang sinabi ko noon. Araw-araw siyang nakaabang sa parking at araw-araw din nasa condo. Hindi ko alam bakit pinapayagan siya ni Kuya na mag-stay doon. Kung balak niya pala akong bantayan araw-araw edi sana nag-apply na siyang bodyguard ko.

"Ikaw ba may-ari ng elevator?" Ganti nito na nagpataas lalo sa kilay ko.

What the hell?

Tuluyan siyang pumasok at siya pa ang pumindot sa floor ng condo unit. Galit ko siyang tinignan dahil doon.

"Ano ba! I said I don't want you here!"

"Makikisakay lang ako," he said while acting so cool. Tinanggal niya pa ang shades niya.

"Makikisakay at pupunta sa condo namin? Why won't you just leave me alone?!"

"Hindi naman ikaw ang ipinupunta ko sa condo niyo,"

I looked at him unbelievably. This guy seriously.. ugh!

Already too pissed to continue the conversation, I turned to the buttons of the elevator and pressed the open button. Wala pa sa tamang floor at tumigil iyon at bumukas.

"Kung hindi ka lalabas, edi ako nalang. Hindi na baleng mag-hagdan ako." Sabi ko bago siya iniwan.

"Coleen--"

Blue Flame (Completed)Where stories live. Discover now