Chapter 4

9 2 0
                                    

'Di ko alam kung ano yung naramdaman ko nung sinabi niya yon, pero 'di ko na lang pinansin.

"Thalie." narinig 'kong tawag sakin.

Biglang lumapit sakin si Lei.

"Ano susuotin mo? Sa isang araw na."

Oh yeah, it's Friday.

"I don't know? Simple lang."

"Simple? Nasa dictionary mo pala yan? Once nag grocery lang tayo, I was literally in my pj's, tas ikaw? Naka-shorts, tube, cardigan, and white shoes. Sige."

Dang I remembered that. Somebody even approached me saying "Ate papicture baka sumikat ka." then calling Lei my P.A..

Natawa na lang ako.

"Oh sige tawa. Tuwang tuwa natawag akong P.A."

"Okay, sorry. I think I'll be wearing the same style na lang."

"What style? Yung 'grocery fashion' mo?"

"Yes." natawa ulit ako.

Grocery fashion na ang tawag eh. I know I shouldn't be laughing about her being called a P.A. but I can't help it.

"Okay help me pick."

"Kaya naman pala ako tinanong. Pagpapatulong."

"Whatever."

I picked a mom jeans and a tank top, then white shoes na lang.

"Thank you master." sabi nito sakin habang natawa.

Minsan talaga may saltik to eh.

"Ewan ko sayo Lei. Nasisiraan ka nanaman."

Pagkabalik ko sa kuwarto ko, nagbabalak na sana ako matulog ng biglang pumasok si Yanz habang nasigaw.

Saan nila nakukuha yung energy after magswimming?

"THALIE!!"

"Ano?" pagod na sagot ko.

"Nagpost ng picture yung crush ko huhu."

Saglit. Mang-bubulabog ka para lang doon? Sarap nitong kutusan ha.

"Sino dun?"

"Kung maka-'sino dun' ka naman, isa lang naman crush ko grabe ka." Sabi nito habang nag-kukunwaring gulat sa sinabi ko.

"Eto oh, yung gamer hehe. Nagsstream 'to kaya famous. Magaling mag-Valorant yan." pagyayabang nito sakin.

"Ay edi madaming followers?"

"Oo." kinikilig na sabi nito.

"Edi marami kang kaagaw." pang-aasar ko.

"Basag trip amputa." sabay tiningnan ako ng masama.

Natawa nalang ako sa mukha nya. Akala mo nama'y girlfriend kung umasta.

"Good night na nga." sabi nito sakin habang nakasimangot.

"Good night baby babes." pang-aasar ko lalo.

Natulog na ko pagka-alis ni Yanz.

"Gising na ate Thalie."

"Hmm?" lutang kong sabi.

Si Aiden ang nang-gising sakin. Buti nalang at hindi si Yanz o Lei.

"Ate Thal breakfast is ready. Nasa baba narin sina ate Lei at ate."

"Okay thank you." I said, half-asleep.

Bumaba na ako para mag-breakfast.

"Good morning mars." bati ni Lei sakin.

Stuck in Between Where stories live. Discover now