Chapter 11

9 1 0
                                    

It's already 9 in the evening and somebody texted me.

Aria: Girl! Papunta kami ng club, magbihis ka, dadaanan ka namin.

Thalie: Nasa tagaytay ako, loko ka ba?

Aria: Oo nga, papunta na kami. Dalian mo magbihis.

Thalie: Gago ba kayo? Totoo ba?

Aria: Oo nga punyeta, Tagaytay lang yan wala ka sa Mindanao. Dalian mo na bagal mo pa naman kumilos.

Thalie: K.

Nag-shower na ako after that at nagbihis. I just wore a black satin mini dress.

Nag-aayos ako nang biglang nagring phone ko.

"Hello? Patapos na ko, sandali lang." I said.

"Thalie? Si Theo 'to."

Ay punyemas. Ba't kasi 'di ko tiningnan kung sino natawag.

"Ay hala, sorry akala ko kaibigan ko yung tumawag sakin. Hindi ko nacheck caller ID."

"Ay hindi mo ba 'ko kaibigan? I'm hurtedning."

"Gago ka." sabi ko habang tumatawa.

Pero bakit kaibigan lang? Charot.

"Anyways bakit ka napatawag?" I asked.

"Nothing, I.. I wanna ask kung free ka manood ang movie?"

"Ay, hala, ano sorry. May lakad ako tonight. Bawi ako next time?"

"Okay lang. Grabe naman yung bawi ha. Pero sige may utang ka saking movie night." sabi ni Theo habang natatawa.

"Sige po sir." I said while laughing.

"Okay I'll hung up na. Ingat ka."

I was about to go out of my room when Fia opened the door.

"Oh where's Aria?" tanong ko.

"Nasa sasakyan, tinatamad daw lumabas."

"Okay let's go na. Wag ka maingay tulog na mga tao dito." I said.

"Luh eh ang ingay pa nga ng mga kuya nyo. Rinig na rinig ko pa tawa ni Aiden, manang-mana kay Yanz."

Tumawa nalang ako sa sinabi nya.

Naabutan naming nakanta si Aria. Broken na broken ata 'to ah.

"May nararamdaman din ako, 'di kasi manhid na tulad mo~" she sang her heart out.

"Alam kong sanay bumitaw ang isang tulad mo, lalayo na ba ako?" 'di to basta nag-eemote lang. May nangyari ata.

"Okay ka lang ba?" I asked her.

She suddenly stopped singing and stared at me.

Tinitigan ko lang siya.

She lightly shook her head. I saw tears forming, she's a strong woman but strong women also have their weaknesses and can also reach their breaking points. I immediately went out to open the shotgun seat.

"Ilabas mo lang." I said as I hugged her.

Lumipat kami sa backseat para makapag-drive na si Fia.

I didn't ask her kung anong nangyari, I want her to tell me on her own, yung ready na siya.

"Jay," she tried talking.

"Jay broke up with me."

Nagulat ako. Siya pa talaga nakipagbreak? All he did is to give Aria burdens.

He do not take his studies well, si Aria pa nagawa ng plates nya. God Aria is a medicine student, she's also not into arts.

We also found out that he hooks up with random girls. Parang wala siyang girlfriend ah.

Aria stayed silent. She never confronted him nor complained. And yet, ganito padin?

I didn't expect anything from Jayden though.

It was a long drive. Di ko na tinanong kung anong nangyari, she'll tell me naman pag ready na sya.

Nag-ayos si Aria after crying, parang walang nangyari kasi pagkababa namin hinila agad kami papuntang Xylo.

"Okay let's get wasted!"

"Hay nako, patay tayo nito. May alagain mamaya." bulong sakin ni Fia.

I won't drink much tonight. Kawawa si Fia kung dalawa aalagaan nito mamaya, though di naman ako nalalasing pero mahirap na.

Aria went to get some drinks while nagstay lang kami ni Fia sa isang spot.

"Fia, si... si Yvan ba yun?" tanong ko sakanya.

"Huh? Where?"

Tinuro ko sa may gilid, may kalampungan.

Punyeta get a room. Normal sight na sya sakin, pero dahil si manloloko sya naiirita ako.

"Ang pangit naman." sabi ko.

"Girls!" tawag samin ni Aria.

"Ay tangina si Yvan ba yun?"

"Oo, wag mo nang tingnan." sagot ni Fia.

"Ay kapal naman ng mukha nyan. Magpinsan nga sila."

"Hayaan mo na, tagal narin naman nung nagbreak kami."

"Ah 3 months matagal? Oo, sige kaya mo yan."

"Matagal yun 'no. 90 days na ang nakalipas."

"Eh yung kakabreak nyo lang pero nakita din nating may kalampungan si Yvan sa Jollibee."

Natawa ako sa sinabi ni Aria. Pero tunay yun, sa Jollibee talaga.

"Magsama sila ni Jayden punyeta papangit naman." gigil na sabi ni Aria.

"Tumigil ka na nga." sabi ni Fia na medyo natatawa.

Di ako uminom pera tulungan si Fia, pero in the end, ako ang mag-aalaga.

Nasa gitna na si Aria, nagt-twerk na. Si Fia naiyak na.

Hinigit ko na sina Fia at Aria palabas. Wasted indeed.

Isinakay ko sila sa backseat, sa condo ko nalang sila dadalhin.

"Yvan bakit? Yvan mahal kita. Yvan balik ka na."

"Jayden ang sama mo pero mahal kita. Balik ka na loveeee."

Jusko maria, lord gabayan nyo po sila.

"Hoy sino ka? Asan kaibigan namin? Asan si Thalie? Ang pangit mo."

Aba kapal naman ng mukha nito. Kung hindi lasing 'to nasapak ko na 'to.

"Si Thalie 'to Aria." maikling sagot ko

"Ah hehe sorry love you."

"Hoy manang driver paki-play ng Paubaya!" demand ni Fia

Lord, pasensya po ang hinihingi ko ngayon. Mahabang pasensya. Yun po ang kailangan ko.

"At kung masaya ka sa piling nya. Hindi ko na ipipilit pa. Ang tanging hiling ko kang sakaniya. Huwag paluhain at alagaan ka niya~" they sang their hearts out.

It hurts to see them like this. All they did was to love their significant other, pero ganito natanggap nila.

I grew up observing this type of love, maybe that's why I don't believe in love anymore.

Growing up, I always see my dad with different girls. While my dad's partying, my mom would be working. I would even hear her crying every night.

Superficial love is what the world is prioritizing these days, atleast in my world. They love what's on the outside, they don't see the inside.

Why do people stay even it hurts them so much?

and why do people hurt those who truely love them?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 15, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck in Between Where stories live. Discover now