Ikalawang Piyesa: After Party

27 1 0
                                    

Nababalot ng saya ang gabi.


Kasabay ng tugtog mula sa banda ay nagsasayawan ang mga estudyante na nasa kanilang huling taon sa kolehiyo, sino nga naman ang aayaw sa ganito huling taon para magliwaliw at magsaya kasama ang mga barkadang nakasama mo simula sa pagtapak sa kolehiyo. Tila lahat ay nakalimot at ang nakalalasing na saya lang ang nasa isip ng lahat.


"Ah! Mr. Simoun Ibarra!"


Mula sa likuran nakamasid ang lalaking tinatawag na Mr. Ibarra, papalapit sa kanya ang Presidente ng kolehiyo.


"Kayo po pala President Sibyla, Simoun nalang po ang itawag niyo di kailangang maging sobrang pormal," saad ng ginoo at ngumiti ito sa presidente.


Nakipagkamay ang Presidente sa ginoo at magiliw na bumati dito.


"Gusto kong magpasalamat sa pag sponsor ng event na ito, at pati na rin sa donasyon mo sa pagsasaayos ng library ng kolehiyo malaking tulong ito sa mga mag aaral!"


Ngumiti at tumingin ang Ginoo sa mga kabataang nagsasaya.


"Hindi po ba nakakatuwa na makita silang masaya?"


"Tama ka nga, sila ang pag asa ng hinaharap kaya marapat lamang na alagaan sila."


Nawala ang mga ngiti sa mukha ng ginoo ngunit patuloy pa din itong nakatingin sa kasiyahan.


"Paano kaya ang mga tinalikuran at kinalimutan."


"Ano iyon?" Tanong ng Presidente, dahil sa ingay ay di narinig ang sinabi ng ginoo.


"Ah wala, kinakausap ko lamang ang aking sarili. Paano ho, mauuna na po ako."


"Ganoon ba? Hayaan mo akong ihatid ka sa labasan!"


"Hindi na po kailangan malapit lang naman po ang lalakarin."


"Ano ka ba? Simpleng bagay lang ito, isa pa'y may kailangan din akong askasuhin aa opisina ko kaya maigi na ring sumabay ako sa'yo."


Di na nakatanggi ang Ginoo, at nauna na ang presidente upang bigyang daan si Simoun.


Pagdating sa labasan ay nagkamayan muli ang dalawa bago naghiwalay at mag isang lumakad ang Presidente papunta sa kanyang opisina.


Habang naglalakad sa madilim na pasilyo ay di niya maiwasang maalala ang mga kwentong katatakutan dito sa eskwelahan ngunit isinawalang bahala niya ito ano ba naman ang mga simpleng kwentong katatakutan, gawa gawa lamang ito ng kung sino man.


Nakarating na ang Presidente sa kanyang opisina, binuksan ang pinto at sinara ito pagkatapos sabay diretso sa kanyang upuan at doon sumandal, tumatanda na nga siya at hindi na sanay sa maiingay na kasiyahan.

Bawat Piyesa: Koleksyon Ng Mga IstoryaWhere stories live. Discover now