Ikatlong Piyesa: Happy Birthday

15 1 2
                                    

"Oh suki! Anong atin ngayon?"


"Magandang umaga nay, bigyan mo nga ako ng kalahating kilong patatas , dalawang tali ng pechay saka  sibuyas at bawang."


"Nako suki mukhang madami ang handa ah!" saad ng tindera habang inaayos ang mga bibilhin ng lalaki


"Ay oho, birthday po ng asawa't anak ko."


"Nako! sige pasabi mo nalang ang pagbati ko, oh eto, dinagdagan ko na yan," sabay abot ng mga gulay.


Pagkatapos ay namili pa siya sa ibang  tindahan, halos lahat ng nagtitinda'y inaalok at tintawag siya. kilala kasi siya ng halos lahat ng tindera sa palengke dahil na rin sa galante ito sa pamimili.


Nang mabili na niya ang lahat ng kailangan, ay pumunta na siya sa huling destinasyon niya noong araw na'yon, sa isang flower shop.


"Ser, tulad pa rin ba ng dati?" Tanong ng lalaking nag aayos ng mga bulaklak.


"Oo kuya salamat." 


Tumango naman ang lalalki at nagumpisa ng ayusin ang palumpon ng mga bulaklak, nang matapos ay binayaran na ito ng lalaki at nagpasalamat sabay umalis.


"Nako, kawawa talaga ang lalaking iyon," Saad ng taga-ayos ng bulaklak habang pinapanood ang lalaki na papalayo. umiling-iling nalang ito at bumalik sa kanyang trabaho.


Umuwi na ang lalaki matapos mabili ang lahat ng kailangan niya, nang makarating ito a kanyang bahay ay agad na ang asikaso ang lalaki para magluto ng iba't-ibang putahe. Ilang oras din ang kinailangan ng lalaki para sa pagluluto at ng matapos siya'y hinain na niya ito sa hapag. 


Amoy na amoy ang masasarap na pagkain sa bahay, nariyang may kaldereta, piniritong manok, nilagang baka, Lumpiang shanghai, at dalawang maliit na cake para sa kanyang mag-ina.


Tinignan muna ng lalaki ang kanyang hapag, siniguradong maayos at sulit ang kanyang pinagpaguran, nang masiyahan na sa ayos ng lamesa ay tinungo nito ang kanyang kwarto upang mag-ayos ng sarili, hindi naman pwedeng magulo ang ayos niya sa araw ng kaarawan ng kanyang asawa't anak.


Nakaayos na ang lahat, nakahain na ang masasarap na pagkain sa hapag, nakapagbihis na ng magarang damit ang lalaki, kaya lumapas na ito ng kanyang kwarto dala ang dalawang picture frame, pinatong niya ito ng magkatabi sa lamesa, habang siya naman ay umikot patungo sa katapat na bahagi nito, pagkatapos ay sinindihan na niya ang mga kandila na katusok sa dalawang maliit na cake na kanyang binili.


"Happy Birthday to you, Happy Birthday to you..." Nag-umpisang kumanta ang lalaki hawak ang dalawang cake, kahit pa siya lamang ang mag isa sa bahay.


"Happy Birthday, Happy birthday to you," pagkatapos ay hinipan niya ang mga kandila sa dalawang cake.


Nilapag niya ang dalawang cake, tinignan ang dalawang litrato sa kanyang harapan, laman ng isa ang litrato ng isang babae, ang asawa ng lalaki, at ang isang litrato'y laman ang isang batang babae na nasa pitong taong gulang pa lamang, ang nag iisang anak ng lalaki.


"Okay! kumain na tayo," at nagumpisa na siyang magsandok ng pagkain.


Habang kumakain ay naguumpisa ng mangilid ang mga luha sa kanyang mata, ngunit sinubukan niyang pigilan ang pagbagsak ng mga ito.


"Hindi ko pa din makuha ang timpla ng luto mo mahal," bulong ng lalaki habang kumakain ng kaldereta.


"Pero anak, naperfect ko na ang timpla ng favorite fried chicken mo," muli niyang bulong habang hinihimay ang manok.


Naglagay siya ng kanin at ulam sa dalawang magkahiwalay na plato at nilagay ito sa harapan ng mga picture frame


"Sana magustuhan niyo ang hinanda ko para sa inyo, pinaghirapan yan ni papa,"


Muling umupo ang lalaki ngunit yumuko lamang ito, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong bahay, at hindi pa rin siya sanay rito kahit ilang taon na ang lumipas.


"Alam kong birthday niyo ngayon, pero sana ayos lang sainyo na ako muna ang humiling."


Wika ng lalaki habang pinaglalaruan ang ang pagkain sa kanyang pinggan.


"Ang hiling ko ay sana'y makita ko kayo ulit."


Nagumpisang sumubo ng pagkain ang lalaki, ngunit hindi niya malasahan ang mga ito, kahit anong sarap ng mga pagkain sa kanyang harapan ay tila wala lamang ito.


"Ang makita at mayakap ko kayo ulit, at pangako, hinding hindi ako magagalit sa bawat pangungulit mo anak ko, hindi na rin ako maiinis pag nakakalat ang mga laruan mo anak at mahal lagi ko nang paghihiwalayin ang mga de kolor at puti mahal, kahit ako na ang maglaba at maghugas ng pinggan at sisiguraduhin kong hindi kayo mahihirapan, basta bumalik lang kayong muli sa piling ko."


Hindi napigilang pumatak ang mga luhang kanina pa sinusubukang pigilan ng lalaki.


"Kahit isang araw lang, hindi na ako hihiling ng kahit ano pa."


Tanging mga hagulgol, at pagtangis ng lalaking nangungulila sa kanya pamilya ang maririig sa buong bahay, hindi mailalarawan ng kahit anong salita kung sakit na dulot ng pagkawala ng kanyang pamilya.


"Ang daya naman na eh iniwan niyo akong mag-isa."


Pinahid ng lalaki ang mga luha sa kanyang mga pisngi, pinipilit na magmukhang malakas, kahit durog na durog na siya, pinipilit na ngumiti na harap ng litrato ng kanyang mag-ina.


"Ibibgay ko ang kahit ano makasama lamang kayo ulit, miss na miss ko na kayong dalawa."


Muling bumuhos ang mga luha sa mata ng lalaki, kasabay nito ang alaala ng kanyang mag-ina, at isang hiling na sana'y muli niya silang makasama.


"Mahal na mahal ko kayo, Hihintayin ko ang pagkakataong muli ko kayong mayayakap."



:#


10/10/2021


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 10, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bawat Piyesa: Koleksyon Ng Mga IstoryaWhere stories live. Discover now