CHAPTER TWO

4 0 0
                                    


Hera's Point of View

"Ate, teka may babae."

"Ano?"

"Sabi ko, may babae. Bingi lang?bingi?"

"Aba't! Anong babae? Mahuhuli na tayo, hayaan mo na dyan."

"Teka nga, parang hindi naman 'to taga dito."

"May oras pa ba para dyan?"

Napahawak ako sa sintido ko ng makaramdam ako ng konting hilo at sa naririnig kong nag-uusap.

"Ate, nagising na!" dinig kong sigaw ng bata.

"Te-teka nasaan ako?" ani ko. Isang batang lalaki ang bumungad sakin. Anak ng! Napamulagat ako ng ang lapit ng mukha nito sa mukha ko. Hanep.

May nakita naman akong babae na kaedad ko lang ata na naglakad papalapit samin. Nilibot ko ang paningin ko at bumungad sakin ang paligid ng eskinita. Te-teka nga, paano ako napunta dito? Huling naalala ko yung tatang! Hanep na matanda yon. Bat ako nandito?

"Hoy babae! Anong ginagawa mo bat ka nakahiga dyan?" tanong nung ate ata nung batang lalaki.

"huh?" napamaang na saad ko dahil sa totoo lang hindi ko din alam kung bakit at paano ako napunta dito. Napakunot noo naman ang dalawa. Ngunit napalitan din iyon ng pagkataranta ng may narinig kaming sunod-sunod na yabag at sa tingin ko mahigit bente ang mga ito.

"Bilisan nyo baka di pa nakalayo ang dalawang magkapatid!" rinig naming sigaw ng boses mataba. Alam ko lang na mataba yung sumigaw basi sa boses nito.

Nagulat naman ako ng hinigit ako ng dalawang magkapatid nato at saka tumakbo.

"Ayon sila!"

"May kasama pa silang isa boss!"

"Habulin nyo mga gunggong!" rinig naming sigaw nila. Tinanaw ko naman ang mga ito at ayon nga kami nga ang hinahabol.

"Takte bilis, takbo pa!" hingal na saad nung babae kanina. Nakuha ko naman ang daloy ng sitwasyon kaya di na ako umangal pa at tumakbo nalang.

Habang tumatakbo kami ay napansin kong iba ang mga imprastraktura ang nakikita ko. Iba ang mga disensyo ng mga gusali, daan, gamit at damit ng mga taong naririto na parang nasa ibang panahon at henerasyon ako. Nawala ang pokus ko sa pag-iisip ng marinig ko ang sinabi ng bata kanina.

"Ate, andyan na sila." liliko na sana kami ng tignan namin dead end narin. Napatigil naman kami at hingal naman ang dalawang magkapatid.

"Mapapasabak ata tayo nito." hingal na saad nung babae.

"Sa tingin ko nga." ganting saad din nung bata.

"Hoy babae! alam mo ba makipaglaban?" tanong nung babae. Kanina pa hoy ng hoy to ah.

"Hera ang pangalan ko." simpleng saad ko dito.

"Dyna nga pala."

"Dave naman po ang ngalan ko, te."


Pagpapakilala namin sa isa't isa. Magtatanong pa sana ako ng
makita kami nung mga lalaking naghahabol samin kanina, kasama na ako tutal na napasama na ako dito sa dalawang magkapatid. Tangina ang papangit. Mas masaya pa ata magpahabol sa mga aso kesa sa mga 'to.

"Ayon sila!"

"oh? ano? wala na kayong takas pa. Ibigay nyo nalang samin ang kailangan namin para wala ng sakitan pa." saad nung lider ata nila. Hanep, parang kanina lang ata ako napasabak at ngayon nanaman. Napasinghal nalang ako sa'king isipan.

"Saming kuha to, bat naman namin ibibigay sainyo?"

"Ano ka gold?" rebat ng magkapatid. Napailing nalang ako sakanila saka tinignan yung mga tsunggo.

"Aba't talaga lang! gusto pa ata makatikim ng bugbog boss."

"Tama, saka pwede naman kahit yang isang babaeng kasama nyo nalang ibigay nyo samin. hehe" ngising aso na saad nung isa sakanila.

"Sensya na, di ako napatol sa hayop." balewalang saad ko at nakapamulsang sumandig sa pader na nasa likuran namin. Napahagikhik naman ang dalawang magkapatid.

"Ang bastos ng dila mo babae."

"Inaano ka ba?"

"Iniinis mo talaga ako, ah. Pwes tignan natin hanggang san yang yabang mong yan." ngising saad nito di naman bagay sakanya. hanep

"Dami mong satsat taba, bat di nalang natin simulan ng makauwi na kami!" singhal ni Dyna at di na inantay pang maka-rebat si taba at sumugod na. Napailing nalang ako. Sumunod nadin si Dave dito. Masasabi kong parang sanay na sila sa mga ganito. Pinanood ko lang silang mag-away atsaka tinatamad pa ako.

Puro daing lang ang maririnig mo sa pasilyong daanan at malapit magdidilim narin.

Wala sa sariling napatakbo naman ako sa pwesto ni Dyna ng makita kong ihahampas na sana nung isang tsunggo yung dala nyang tubo sa likod ni Dyna. Hindi naman ata ako napansin ni Dyna dahil abala ito sa kalaban nya.

Sinalo ng isang kamay ko ang tubo na dapat na ihahampas nito. Nagulat naman ito sa pabigla kong sulpot. Kaya kinuha kong tyempo iyon at tinuhod ang bandang dibdib nya. Napaluhod naman ito at di na nakagalaw pa.

Pansin kong pagod at hingal na ang magkapatid kaya hinigit ko ang damit nila sa likuran at parang balewalang tinulak sa pwesto na nasa likuran ko.



THIRD PERSON'S POV

BAGO pa makaangal ang magkapatid ay agad na inisa-isang pinatulog ni Hera ang kaninang mga lalaki na naghahabol sa kanila. Napakurap-kurap naman ang magkapatid dahil sa kung paano nagawa ng babae na mapatumba ang mahigit sampo na walang ingay o tunog at bumungad nalang sakanila ang mga lalaking nakabulagta na. Wala pang isang minuto tapos yon na yon?

'"P-paano?" tanging nausal ng magkapatid.

Napabalik sila sa ulirat ng marinig nilang humikab ito at nag pagpag ng kamay na wari'y may alikabok syang nahawakan at nais nitong matanggal sa palad nya. Napansin naman nilang napatigil ito at parang may
nakalimutan.

Humarap naman ang babae kung nasaan ang lalaking lider ng mga humabol sakanila. Nilapitan nya ito habang nakapamulsa at tinitigan ng malamig. Napaatras naman ang lalaki sa paraan ng pagtitig sakanya ng babae na para bang isa syang napakawalang kwentang bagay.

"S-sino k-ka?" utal na saad ng lalaki.

"Hera. Hera, ang pangalan ko." saad nito sa malamig na tono. Saka nito hinawakan sa batok kasabay ng pagkawala ng malay nito.

Napabuntong hininga ang babae saka naglakad palapit sa magkapatid na hanggang ngayon ay di makapaniwalang nakatingin sakanya.

At nakita nila itong lumapit don sa isang lalaki na nakatihaya. May kung ano na ginawa ito sa bandang dibdib ng lalaki kasabay nito ang pagkamalay ng lalaki na hingal na hingal na para bang ilang milya ang tinakbo.

At saka na itong tuluyang nakalapit sa magkapatid na hanggang ngayon ay di parin makapaniwala sa nasaksihan nila. Malaking palaisipan sakanila ang babae. Hindi din nila matukoy ang presensya nito kung hindi lang nila nakikita ang babae ay maaaring isipin nilang wala silang kasama.

Napabalik naman sa ulirat ang magkapatid ng tumikhim ito.

"S-sino kaba talaga at pano mo nagawa yon?" takang tanong ni Dyna sa babae.

Ngunit di sya nito sinagot at nagkibit balikat lang ito. Naglakad ito papuntang labasan ng eskinita at sinundan naman sya ng magkapatid.

Malaki pa ang problema nito lalo pa't di nya alam kung paano sya napunta dito at di nya alam kung nasaang lupalop sya ngayon. Pinoproblema nya pa ngayon kung saan nanaman sya pupulutin, wala pang laman ang tyan nya at damang-dama na nito ang naghuhurumentado nyang sikmura. Ngunit di nya muna ininda yon at nag-obserba nalang sa paligid nya. Tuluyan na silang nakalabas sa eskinita at bumungad sakanya ang isang maingay at magulong paligid.

Please don't forget to vote the chapters. And feel free to comment any of your feedbacks. Thankies.


Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Sep 26, 2023 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

GAZELLIAN ACADEMY: THE GIRL IN THE PROPHECYNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ