Chapter 20

34 39 0
                                    

"Nag audition ka sa Dark Knights?!" Gulat na tanong ni Trixy kay Troy. Habang nakatingin sa cellphone.

"Oo"maikli niyang sambit at sumubo nang pagkain niya.

"Wow shet so makakasama mo ang baby John ko?" Masaya niyang sabi.

"Bugaw mo ko doon ah pag close na kayo hihih" sabi niya habang kinikilig. Ngumiti agad si Troy sa kanya.

"Syempre naman" sabi niya kay Trixy.

"Maraming salamat talaga hulog ka ng diyos sa akin" natutuwa niyang sabi. Kumakain lang ako nang matiwasay at pinagmamasdan ang iba kumain para mawala ang pagkaboring.

"Ikaw?" Sabi ni Troy at agad akong lumingon.

"Ha? Anong ako?" Tanong ko.

"Ikaw sinong gusto mo?" Tanong niya sa akin. Hindi agad ako nakakibo dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Hmm... Ewan"

I think I'm inlove again? Then why? I can't understand my self right now. Parang mahal ko pa siya na parang hindi. Hindi ko maintindihan. Tas parang nagkakacrush pa ako dito sa poging Troy na 'to, kayo ko siya nagugustuhan kasi pogi siya, hindi yung ugali.

Geez, I hate my self, masyado akong bobo sa love na yan.

"Sus girl kunwari ka pang ewan, alam naman namin na may natitipuhan ka" asar sa akin ni Trixy.

"Loh" sabi ko nalang.

Natawa silang dalawa dahil sa inasta ko. Yawa talaga 'tong dalawang 'to. Pinagtutulungan ako.

Uwian na namin pero si Trixy ay hindi pa dahil may pasok pa siyang 5pm, tas ako tapos na. Naglakad lang akong papuntang lobby.

Malilim ang daan at medyo madilim. Napatingin ako sa ulap na medyo gray na at wala ng araw.

"Uulan kaya?" Tanong ko sa sarili ko. Nagulat ako nang may tumabi sa akin. Liningon ko 'to, si Daryl lang pala.

"Oo, hindi ka ba nakakarinig nang balita?" Tanong niya sa akin habang medyo natatawa.

"Wala ka bang Tv sa bahay at hindi mo alam na uulan"dagdag niya.

"Eh wala na akong time para manood sa Tv" sabi ko at naglakad ngunit sinusundan niya ako.

Lumbas ako sa gate ng school ay nakasunod pa rin siya. Hinayaan ko lang siyang sumunod sa akin. Maraming natitinginan, matatas pa ang tingin nila, pero hinayaa ko 'yon.

Habang naglalakad ako ay buglang bumuhos na ang ulan. Nagulat ako, kaya mabilis akong tumakbo sa maliit na bahay na pwede masilungan kahit kaonti.

Sumunod sa 'kin si Daryl. Nakita ko si Daryl na medyo basa. Bakit ang hot niya konti, ay erase erase bakut ganyan isip ko. Aba traydor ba tong isip ko. Ambilis pa nang tibok nang puso ko, parang kabayo na sobrang bilis.

"May payong ka?"tanong ko sa kanya. Nakita ko sa mukha niya yung ngiti niya.

"Anong nginingiti mo d'yan" dagdag kong sabi.

"Wala lang, pang isang tao lang tong payong ko pero hindi ko na lang gagamitin para parehas tayo"sabi niya sa akin, habang natatawa.

"Lah, bakit di nalang tayo maghati, okay lang naman na mabasa ako" sabi ko.

"Hindi, hindi tayo gagamit ng payong, unfair naman kung yung isa di mababasa" sabi niya sa akin.

"Edi okay lang na mabasa ako" mabilis kong sabi. Umiling iling lang siya.

"Hindi period" sabi niya sa akin. Nanatili lang kaming nakatayo doon at nakikisilong.

"Ahmm, hello po bawal po dito tumambay" sabi ng tao sa likuran namin. Napalingon kami sa nagsalita sa likuran namin.

You're My Favorite ModelWhere stories live. Discover now