ONE

98 2 0
                                    

Maraming bagay na pinag-sisisihan ang bawat tao sa kanilang buhay. Mga nagawang masama. Pagkakamali na hindi na mababawi pa. Pag-iwan sa taong minamahal pala nila. Pagkalimot sa isang bagay na importante sa kaniya o sa taong mahalaga sa kanila. Pag-iwan sa anak at pagtalikod sa minamahal. Mga bagay na hindi kayang harapin at tanggapin. Mga bagay na hindi na mababalikan kailanman.

May mga mababaw lamang ang dahilan.

Sa iba naman ay malalim.

Isa si Yohan sa mga taong iyon na marami ang pinagsisisihan sa kaniyang buhay. Pero gaya niya, ang bawat isa ay may bagay na pinag-sisisihan na kahit anong gawing paglimot ay hindi magawang iwaksi sa kanilang isipan. Ano iyon?

Noong simulan niyang tuklasin ang katotohanan at dahilan ng bawat luhang sa kaniyang mata ay pumapatak.

Ang pagtuntong niya sa edad para maintindihan na ang maraming bagay-bagay sa mundo ang isa sa dahilan ng kaniyang pagdurusa. Sa pagtuntong niya sa estado ng kaisipan na natuto nang umunawa ng paghihirap, kasamaan, kasakiman at kagahaman sa mundo ang kaniyang kaisipan ay saka niya naintindihan na ang kaniyang mundo pala ay...

Mundo kung saan nabuhay ang kasinungalingan.

Mundo kung saan namayani ang mga mapagbalatkayo, upang maangkin ang kagandahan na taglay ng kaniyang mukha at ng kaniyang puso.

~~

Bata pa man si Yohan ay talaga namang kinagigiliwan na siya ng marami. Isa kasi siyang masigla, masayahin, bibo, matalino, mapagmahal, malambing at magandang bata kung kaya naman marami sa mga kapitbahay nila ang gustong-gusto siya. Siya daw ang swerte ng kaniyang pamilya, ang magdadala ng ginhawa sa kaniyang magulang at magpapayaman sa kanila ang laging sinasabi ng iba. Wala naman siyang ibang iginaganti kundi isang magandang ngiti at pasasalamat kahit hindi naman talaga niya naiintindihan ang mga sinasabi ng mga ito. Mura pa kasi ang kaniyang isip ng mga panahong iyon kung kaya naman hindi niya naiintindihan ang kahulugan ng sinasabi ng mga ito.

Masaya ang kaniyang pamilya kasama ang kaniyang ina na tinatawag niyang Mama. Maasikaso, mabait, maalalahanin at mapagmahal na Ina ang kaniyang mama at hindi sila pinababayaan magkakapatid. Ang kaniyang ama naman ay masipag at mapagmahal na tinatawag nilang Papa. May pagka istrikto ang kaniyang ama at iba kung magalit lalong –lalo na kung nasasaktan na ang mga anak nito lalong-lalo siya na bunso sa kanilang pamilya.

Ang dalawa naman niyang kuya ay lagi niyang kasundo. Ang panganay ay nagngangalang Kurt na bente-singko anyos. Nagtatrabaho sa isang hotel bilang manager. Mabait, responsable, maunawain, simple, galante at mas madalas mang spoiled sa batang si Yohan. Ayaw na ayaw nito sa lahat ang ginagalaw ang kaniyang gamit at ang nagpapaiyak sa kaniyang kapatid na bunso.

Ang isa pa ay si Dennis. Bente-kwatro anyos, spoiled brat, black sheep, rakista kung kumilos, mainitin ang ulo, mabarkada ngunit mabait na kapatid at masipag. Nagtatrabaho ito sa call center. Gaya ng ama nito at ina ay homophobic din ito at ayaw na ayaw sa mga bakla.

Sa kabila ng mga ugali na iyan ay masaya ang kanilang pamilya at talaga namang spoiled sa mga ito ang batang si Yohan. Bata pa man ay alam ni Yohan na kapag nakagawa siya ng mali ay pagagalitan siya ng kaniyang ama at ina habang ang mga kuya niya na istrikto ay gagawin ang lahat wag lamang siyang umiyak. Ngunit kahit ganoon ay mabilis din magalit ang dalawa lalo na sa mga bagay na ayaw ng mga ito.

Iyan ang dahilan kung bakit hindi niya mailabas kung ano talaga siya.

Ang kaniyang lihim na sikreto.

Ang kaniyang pagiging bakla.

Kahit na puro lalaki ang lagi niyang kasama sa bahay ay hindi parin naiwasan ang pag-iiba ng kaniyang pagkatao. Dahil sa takot sa magulang at mga kapatid ay hindi niya magawang ilabas kung ano talaga siya at kung ano talaga ang kasarian niya. Bata pa lamang siya nang kaniyang madiskubre ang talagang nais niya at hilig. Noong makatabi niya sa upuan ang isang gwapo at mabait na lalaking kaeskwela na lagi siyang kinakausap.

YOHAN revised (s1, s2, s3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon