TWO

29 2 0
                                    


Before you judge me...

Try hard to love me...

Look within your heart...

Then ask...

- Michael Jackson

~~

Madalas na isinasama nina Kurt at Dennis si Yohan para mamasyal kung saan man nito gusto. Matapos ay papipiliin kung saan nito gustong kumain. Dahil bata ay tanging Jolibee, Pizza, Mcdo o Donut lamang ang alam nitong laging sinusuhestiyon kahit pa sawa na ang dalawang kuya nito doon. Isang beses na ipinasyal ito ni Dennis sa mall ay nakasalubong ng dalawa ang kaibigan ni Dennis na sa mall din na iyon nagtatrabaho. Lumabas sila ng mall at tumambay sa hagdanan upang makapag-usap ang dalawa at hinayaan siyang maglaro. Wala naman ganang maglaro si Yohan kaya naupo na lamang ito sa tabi ng kapatid at nakinig sa usapan ng mga ito.

Nakayuko ang kaibigan ni Dennis at nakapatong ang ulo sa magkasalikop na kamay. Nakasuot ito ng itim na slacks at nakapulang t-shirt. Iniabot ni Dennis ang pop corn sa kapatid upang may mapaglibangan ito habang magkasuap sila ng kaibigan.

"Pre okay ka lang?" Tanong ni Dennis. Noong mag-angat ng ulo si Jake ay napansin nitong naluluha ang kaibigan kaya tinapik nito ang isa sa likuran.

"Hindi pre eh. Natanggal na ko sa trabaho." Sagot ni Jake. Nakikinig lamang ang batang si Yohan at hindi niya maintindihan kung saan na tanggal si Kuya Jake. Kunot noo naman na nagpapalipat-lipat lamang ng tingin ito sa dalawa.

"Hah? Eh mag eendo ka na diba? Saka ka pa natanggal?" nagtatakang tanong ni kuya Dennis. Parang nagulat pa iso kung bakit natanggal ang masipag na kaibigan.

"Nakitaan ng items yung bag ko kaya tinanggal na ko." Sagot ni Jake. Lalo naman itong naiyak dahil doon. Masipag si Jake at mataas ang pangarap kung kaya mahirap para dito na tanggapin ang pagkatanggal sa trabaho.

"Gago talaga tong mga to. Sabi ko naman sayo mag-iingat ka dyan sa mga yan, sabi ko sayo kapag ma-geendo na mga trabahador nyan pinapainan nila ng gamit para makaiwas sila sa pagbabayad nung makukuha nilang benefits, gawain kaya yan ng mga yan." Nakatingin lamang si Yohan sa mukha ng kaniyang kuya ngunit hindi nanaman niya maintindihan ang ikinagagalit nito. Hindi naman siya nagsasalita dahil sa takot na madamay.

"Nag-ingat talaga ko pre! Hindi ko nga alam kung pano nila ko nataniman eh. Patay ako sa mama ko net. Inaasahan pa naman nya yung makukuha ko na bonus." Nakikita ni Yohan na umiiyak si Kuya Jake ngunit kahit naaawa ay hindi naman niya alam kung ano ang dahilan ng pag-luha nito. Inihilig na lamang niya ang ulo sa hita nito habang hinihimas ang binti bilang pag-aalo. Natatawa man si Dennis sa kapatid ay naaawa din naman nito maalis ng pag-aalala para sa kaibigan dahil sa lagay ng sitwasyon nito. Nangako na lamang si Dennis na tutulungan na maipasok sa trabaho nito ang kaibigan upang kahit papaano ay makaraos ito. Pinautang rin nito ng pera si Jake at hindi na pinababayaran iyon dahil para sa ina nito iyon. Mga bata pa man sila ay lagi na si Dennis sa bahay ng mga ito at anak na rin ang turing ng ina nito sa kaniya kaya kapag may problema ay siya ang unang-unang tumutulong sa mga ito kapag may sa kahit na anong paraan. Alam din naman kasi niya na sobrang masikap ang kaibigan. Pauwi ay si Jake ang kumalong kay Yohan sa pauwi nila noong araw na iyon at kahit papaano ay masaya na rin ito dahil sa tulong ng ni Dennis. Pinaglalaruan naman ni Yohan ang kwintas ni Jake na mukhang ngipin ng kung anong hayop.

~~

Lunes. May pasok nanaman. Wala pang ganang pumasok si Yohan noong araw na iyon dahil sa pagod sa maghapong pag-lalaro kasama ng dalawang kapatid. Ayaw sana niyang pumasok noong araw na iyon dahil tinatamad pa siyang bumangon ngunit hindi pumayag ang kaniyang ina. Kahit pa iyakan niya ang kaniyang mama ay hindi parin ito nadala sa kaniya. Dahilan nito ay grade four na siya at hindi na puwede ang tatamad-tamad. Ayaw n asana siyang papasukin ng kaniyang kuya ngunit hindi parin pumayag ang mama nila.

YOHAN revised (s1, s2, s3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon