CHAPTER 6

0 0 0
                                    


Someone (2) POV

Nakita kong nagulat ang mga lalake nang may marinig kaming putok ng baril.

Agad akong nagtago sa isang lugar kung saan hindi nila ako makikita.

Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng putok at doon ko lang nakita ang babaeng may hawak ng baril at nagulat ako dahil nakaturo ang baril sa pwesto ni Dave.

Tinignan ko naman si Dave at doon ako mas nagulat ng sya nga ang tamaan ng baril sa kanyang kaliwang braso

"Ano ka ba, bakit mo binaril?" galit na tanong ni Xyron at nang tignan kong mabuti ang babae ay doon ko lang sya nakilala, sya pala yong kasama kanina ni Dave, si Ash..

"para matapos na, di ba babe?" sagot ni Ash habang nakangisi.

"ano ka ba, hindi natin yan papatayin tuturuan lang ng leksyon" nilapitan nya ang babae at kinuha ang baril.

Hinawakan nya sa beywang ang babae at hinalikan nya ito, agad namang tumugon ang babae.

"boss, sibat na tayo may paparating".
sabi nang isa nilang kasamahan.

"sige, tara na" sagot ni Xyron.

Inakay ni Xyron si Ash at agad na silang umalis at hindi na tinignan pa si Dave na nananatiling nakahandusay sa semento.

Agad na may lumapit na dalawang security guard kay Dave at marami na ring mga tao ang dumadating.

Napangiti ako ng makita kong paparating ang mga kaibigan ni Dave na parang walang alam sa nangyari.

Kahit hindi nila ako kilala ay umalis na ako sa pinagtataguan ko at kinuha ang cellphone at tsaka may tinawagan.

"Hello?" sabi ng nasa kabilang linya.

"hi, hon" nakangiting sagot ko.

At ikinuwento ko sa kanya ang nangyari at nagulat rin sya na hindi lang pala kami ang may kailangan sa kanila.

Kaya lang magkaiba kami ng dahilan dahil kung sina Xyron at Ash ay iba ang dahilan nila sa amin naman ay isa lang naman.........

H U S T I S Y A !!!!!!!!!!

yan lang naman ang gusto namin...



Gino POV

Nagulat kaming lahat nang may marinig kaming isang malakas na putok ng baril.

Nagkagulo ang mga tao sa loob ng bar at pati ang mga babaeng kasama namin ay agad ring umalis.

"ano yon?" tanong ni CJ.

Agad kaming sumunod sa mga taong lumalabas..

"nasa'n si Dave?" biglang nagsalita si Raf.

At doon lang namin napansin na wala nga si Dave sa tabi namin.

"brad, tara dun sa likod, nandun raw ang gulo may binugbog at binaril na isang lalake do'n". sabi ng isang security.

"tara". sagot naman ng kasama nya.

Agad kaming nagkatinginan at nang makuha namin ang ibig sabihin ng bawat isa ay sinundan namin ang dalawang security.

Nang makarating kami kung saan nagmula ang putok ng baril ay marami na pa lang tao ang nandito.

Agad kaming lumapit at tinignan namin kung sino ang binaril at nagulat kami ng makita namin si Dave na tinutulungang makarga sa ambulansya.

Lahat kami ay nandito ngayon sa ospital matapos ang pangyayari. Di namin alam ang gagawin dahil hindi pa lumalabas ang doktor at natawagan naman namin ang mga magulang ni Dave kaya nandito na rin sila ngayon.

Ang Maskara (Season 1 - Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora