kabanata-Three

678 19 0
                                    


**

Riri's Pov

Nandito  kami ngayon sa cafeteria,kumakain
Kasama si bruha, as usual
Kasama ko naman  to palagi,

"Alam mo bakla, natatandaan mo pa ang sinabi ko kahapon?" Kumakain sabi nya

Huh?

" hindi, ano bayun?" Nagtatakang sabi ko
"Yong sabi kong may  nagtransfer dito na mga pogi?" Kumikislap pa ang mata nya ng sabihin nyang pogi, napailingiling nalang ako.

" Ano naman" walang pake kong sabi
" Alam moba? "Hindi" Nakita ko na silaaaa" nangingiting sabi nya, "aray! ang tinis ng boses ah!

"Oh pake ko?" Nakataas kilay kong sabi
"Alam mo ba bakla?! Ang po pogi  nila lahat! Nong nakita ko silang apat para talaga akong nasa heaven, para silang mga Greek God ewemmgeee, at alam mo ba? Bla blah blah bla bla bla. . .."
Okay ang daldal nya alam nyo yon? Ang sakit sa tenga
Sa totoo lang.

Tapos na kaming kumain at pumunta na kami sa next subject namin which is algebra, My favorite subject! Put the sarcastic! Hayyy, kahit anong gawin ko , hate na hate ko talaga ang math, minsan...-kadalasan nga pag hindi ko alam yong sagot papakopyahin nalang ako ni bruha, salamat talaga at may kaibigan akong mapagbigay hehe, opposite kasi kami ni bruha sya magaling sa math ako magaling sa science, pag hindi nya alam ang sagot sa science pakokopyahin ko din sya oh diba ang ganda?

Ngayon pareho kami ng subject ni bruha, kaya magkasama kaming pupunta, ng nasa room kami as usual ay doon kami sa pinakahuli na upuan umupo, hindi kase namen bet ni bruha umupo sa harap, kaya dito nalang.

Mayamaya pumusok na si prof  rev na may dalang makapal na libro na algebra, kahit titingin lang ako sa libro para na akong mahihilo sa kapal nito hay... kahit anong gawin ko malas talaga ako sa math..

"Okay class listen, we have new transferes" at tumingin si prof sa labas ng pintuan
"Please come in and introduce your name" sabi ni prof rev

Kaya tumingin kami lahat sa labas ng pintuan, kaso hindi ko makita sa kinauupoan ko kaya naghintay nalang ako na haharap sila sa harapan namin

Ang unang lumabas ay, nakablack ang suot na t-shirt na may print sa harap, nakablack pants din ito at may piercing sa tenga seryoso din itong humarap sa amin, wala man lang kangiti ngiti sa labi

"My name is Lazarus Salazar, 20 "ikli naman  para siyang man of a few words si kuya, pero di naman nababawasan ang appeal niya.

At dirediretso itong naglakad papunta sa upuan na bakante, malapit lang sa upuan namin

May lumabas naman na isang lalaki, sa itsura palang ito ay marami ng babaeng puso'ng nawasak nito, may mapaglaring ngiti din ng pumasok ito, naka all black din .
Humarap ito sa amin na may mapaglarong ngiti na parang nangaakit, playboy yarn? ts ang mga babae naman ay parang mga kitikiti , tili ng tili parang mga biik hay nako!

"Hello ladies" at kumindat pa, ang mga babae naman hindi mapakali sa kanilang mga upuan , tili pari ng tili
"My name is Ian Marquis, im single and ready to mingle"at nagkagat labi pa talaga.

" Ako nalang kagatin mo ian ahh!!" 
" Ian ang gawapo mo!! " 
"Papii!!"
" Ian my labss!!".  Tili ng mga girls

Kaya maraming babae ang niloloko ewan ko nalang hay....

At umupo na ito sa upuan katabi nung Lazarus

May pumasok naman na isa
pang..... cuteeee na lalaki, apaka cute ehh, sa unang tingin mo pa lang, mabibihag ka talaga sa perpektong ngiti niya para syang kambal ni taehyoung!
Huhuhu anaol!=_=.

Humarap ito sa amin ng may malawak na ngiti sa labi.. Ang cuteeee, weak ko talaga ang mga cuteee, kahit ano pa yan basta cute(*_*).

"Hi, my name is zainly Monterey you can call me zain for short and zai for shorter , I love to cook and read books, you can ask me , if you have a questions(^^)".
Nakangiti niyang sabi,

Hang kyuttt talaga!!! sarap kurutin ang maumbok niyang pisngi hehe

"Ako! Ako! Ako!"
"Ako! Marami akong tanong!"
"Ako din!"
"Hindi ako ang na una!"
"No! Ako ang na una!"
"Ako sabii ehhh! "

Hayy ayan na naman

" Quite! "Sigaw ni prof rev ng hindi na niya nakayanan ang sigaw ng mga ito , natahimik naman ka agad ang ang mga kaklase ko, mahirap kasing magalit si prof rev,
damay damay lahat (TT)huhu
"Mr. Monterey, you can sit now next to Mr. Marquis"mahinahong badya ni prof,

Ayan na pagalitan tuloy, ang ingay ingay kasi, hays

"Please come inside Mr. Belmont" ani ni prof

Tahimik ang mga kaklase ko ng pumasok na ito

Nang pumasok na ito ay parang slow motion ang galaw nito, sa pagpasok nito, sa paghagod ng kanyang buhok na sa tingin ko'y sobrang lambot dahil kumikintab ito, ang swabeng paglagay nito ng kanyang kamay sa bulsa.

Nabalik lang ako sa ulirat ng tuluyan na itong humarap sa amin------sa akin? Ay hindi!  Ang assuming ko na naman!

Doon ko lang ito napagmasdan ng maigi, ang perpektong hugis ng mukha nito, his perfect mold thick eyebrow and long eyelashes, his enticing and gorgeous eyes and pinkish lips.
Hindi rin mawawala ang awrang nakapalibot nito na parang ayaw mo ng salubungin, nakakaintimidate talaga! Omygosh! Ngayon lang ako nakakita ng napakaperpektong hitsura.

Nakakapagtaka lang bakit dito nila naisipan pumasok gayong sa hitsura palang nito at tindig ay pang mayaman na, nakakapagtaka lang.

Marami namang mga paaralan na magagandang Quality, ano kayang nakain nang mga ito hmm.

Seryoso itong tumingin sa amin, nang napunta ang tingin nito sa bahagi ko, hindi ko alam kong ako ba o medyo assuming lang talaga ako,wala namang tao na sa likod ko dahil ito na ang last na upuan dito, tumingin ako sa katabi kong bakla, hindi naman, para talagang naka sentro ang tingin nito sakin.


















A/N: Please vote po and comment Ehehehe selemet mwuah!

You're Mine(BXB)Where stories live. Discover now