kabanata-Nine

379 12 0
                                    

**

     Lulan kami ngayon sa kotse ni mr, ang tahimik sa loob ng kotse, sa sobrang tahimik ang ugong nalang ng kotse ang naririnig ko, hay kasi naman! Ang awkward kaya, tas hindi naman ako madaldal tas baka sabihin pa niyang feeling close ako. Madaldal lang naman ako sa isip ko. Pasimleng tinignan ko ito sa Peripheral vision ko, ang seryoso ng mukha niya, at ang gwapo parin kahit  seryosong nakatuon ang tingin sa daan, ang tangos tangos ng ilong niya, nahiya yong ilong ko huhu. Pero bakit kaya pumayag siya na ako ang kapares niya sa activity?

    Tinuon ko nalang ang tingin ko sa bintana ng kotse niya. At binubusog ang mata ko sa tanawin na nakikita ko. Alam kong mapanganib siya pero bakit hindi ko mapigilan na humanga sa kanya? Hindi naman ako ganito noon, ngayon lang. Kahit may nakikita akong gwapo parang wala lang pero sa kanya bumibilis agad ang puso ko?  Isang titig lang parang natutunaw na ako. Kahit na natatakot ako sa kanya dahil sa antas ng kanyang buhay at sabi sabi na makapangyarihan siya dahil marami na itong napabagsak kahit ang bata pa niya sa ganyang edad. Hindi na din ka taka taka na may nagtatangka sa buhay niya diba? Basta mayaman ka meron talagang mga taong gusto kang ibagsak.

     " What materials that we needed to buy?" He suddenly asked. Kaya napa tingin ako sa kanya pero siya ay nakatuon parin ang tingin sa daan. Nag research na ako nito kagabi kong anong materials ba ang kailangan bilhin kaya linabas ko ang cellphone ko na luma na pero gumagana parin kahit may crack na siya dahil nahulog ito noong nagdali dali akong pumunta sa school dahil late na ako tapos nasagi ko ito sa maliit kong study table. Pero gumagana parin naman, hanga ako nito dahil ang tibay tibay parin pero siya hindi. Char Jwk! hehe.

   "ahm 10 Flat bamboo sticks,5 short bamboo posts String, 3 sheets Japanese paper, Scissors, Glue or paste, yan lang." Sabi ko sa kanya. Nangunot naman ang noo nito. Kaya nagtaka ako.

     " How about...we buy that fucking lantern instead." He said. Habang kunot noo pa rin ang noo niya.
Umiling naman ako

     " hindi pwede, sabi ni mam na dapat ay creative, paano maging creative kong
bibili  lang tayo ng lantern?
Tapos hindi tayo ang gumawa?"  Tanong ko sa kanya. Habang tinititigan siya, ang ganda talaga ng mata niya. Hanga na talaga ako sa sarili ko hindi na ako na uutal.

  "Tss."

  Kita mo'to, siya pa ang galit.
Hindi nalang ako nag-react at tumanaw sa bintana ng kotse, gusto ko sanang buksan ito para makalanghap na sariwang hangin kaso nakakahiya kaya wag nalang.

**

    Tapos na kaming bumili ng mga kakailanganin namin  para sa lantern na gagawin, and now lulan na kami sa sasakyan pabalik sa mansyon ni mister, hindi ko pa din malilimutan ang atensyon na nakuha namin-I mean ni mister sa supermarket kanina, hindi naman katakataka dahil marami talagang mapapaligon sa kanya dahil sa tindig palang niya ay nakakaagaw  pansin na, at dagdagan mo po sa looks niya  mapapanganga ka nalang at mapapasanaol.
Dahil para na itong complete package, looks and wealth.

Napabuntong-hininga nalang ako, at tumingin ulit sa bintana ng kotse ng may nahagip ako sa side mirror, nangunot naman ang noo ko. Parang nakita ko na 'tong kotse kanina ah, nong papunta palang kami sa supermarket at nong nagpark kami ng kotse.
Parang sinusundan kami.

     " Parang may sumusunod sa'tin." Bulong ko lang sanang sinabi ko. Kaso narinig niya pala.

     Bigla nalang bumilis ang takbo ng kotse kaya napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt at napatingin sa kanya, seryoso ito habang binilisan ang takbo ng kotse.

   "Shit!. Hold on." Saad nito at seryosong nagmaneho, habang lumiko kami sa eskinita, para bang nililigaw niya ang sumusunod sa amin. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shit! Ayoko pang mamatay!.

**

      

  "Okay kana ba iho?" Nag alalang sabi ni manang Ida. Habang hinahagod hagod ang likod ko.

    "Medyo okay na po ako." Ani ko at binigyan ng totoong ngiti si manang Ida. Hindi pa din ako makaget-over sa nangyari kanina, nandito pa din ang kaba sa dibdib ko, na trauma ata ako don, parang ayaw ko ng sumakay ng kotse. Yung puso ko para talagang lalabas na dahil sa kaba kanina. Tapos seryoso lang si Mr, parang sanay na siya sa mga ganito at seryoso lang na nagdadrive.

"Sabihin mo lang sakin kung may sakit sa iyo, para maagapan natin kaagad okay?" Nagalalang sabi ni manang. Tumango lang ako. Hay bait naman ni manang Ida.

" Salamat po sa pag-alala" ngumiti ako dito.

"Walang anuman iho."

"Ahm, Pwede na po ba akong umuwi?, baka bukas nalang namin Gawin ang project ni mr kasi po parang may importante itong ginagawa." Basi kasi sa pag mamadali nito kanina lang ay parang may importante itong gawin, siya pa nga ang na una na lumabas sa kotse eh.

" Ah Sige iho, pupuntahan at tatanungin ko lang muna si young master, dyan ka lang muna okay?"

"Okay po." Tumango Kong sabi.







****



ENJOY READING 😊

You're Mine(BXB)Where stories live. Discover now